Prologue

89.8K 982 31
                                    

The Coffee Incident

P r o l o g u e

"Alexis Faye Villegas!"

"Anak ng tokwa naman, George Vincent Ramirez. Kailangan talaga gamitin full name 'ko?" sabi ko sa kaibigan ko na kanina pa nanggugulo.

"Ew! Bakit George? Gina dapat," sabi niya na sinabayan pa ng pagpalo sa aking braso.

"Landi mo. Umayos ka at baka mapagalitan pa 'ko ng boss ko," sinabi ko at pinagpatuloy ang pagpunas sa isang lamesa na malapit lang sa may pintuan.

Sa isang coffeeshop ako nagtatrabaho bilang isang waitress. Isang working student. Dahil wala namang pasok tuwing Sabado at Linggo, nagtatrabaho na lamang ako imbis na tumambay sa bahay na wala namang ginagawa. Idagdag ko pa ang kuya kong walang ginawa kundi ang matulog sa bahay. Edi nga-nga lang ako pag sa bahay?

"Alexis, ang hot talaga ng boss niyo. Oh my," kilig na bulong sakin ni George.

"Pepektusan na talaga kita. Pag ako napagali-"

"Tama na ang usap, Villegas. I hired you to work. Not to talk," sabi ng boss ko na nakapamaywang pa.

"I'm sorry, sir," binaba ko ng konti ang ulo ko. Si bakla kasi ang landi eh. Mas malandi pa sa babae.

"Sorry, Mr. Marco," sabi naman ni bakla na binaba rin ang ulo.

"Ikaw, George, huwag ka naman mang-iistorbo ng mga workers ko. Kung tatambay ka lang eh, doon ka sa mall," sabi ng boss ko bago pa man siya umalis papunta sa kanyang opisina.

"Sungit ni Mr. Handsome," bulong ni George. Kinurot ko na lang tagiliran niya at inapakan naman niya ang paa ko na ikinapikit ko sa sakit.

"Isa pa, papakainin kita ng tuyo sa bahay. Umayos ka, George," sabi ko habang papunta sa counter.

"Che! Ikaw nauna tapos ako paayusin mo. Makalayas na nga dito. Sinungitan lang naman ako ni fafa Marco," sabi niya at naglakad patungo sa pintuan.

Hinayaan ko na lang siya sa kaartihan niya at inayos ang mga trays na nakapatong sa counter.

"Alexis, boyfriend mo nasa labas," sabi ng katrabaho ko na si Jen. Iniwan ko muna ang inaayos ko at tumakbo papunta sa pinutan. Ngunit hindi ko inaasahan na may mababangga ako.

"What the fuck?!"

"Leche, bakit ka nangbabangga?!" tanong ko ng hindi nakatingin sa nangbangga sakin. Nakatingin ako sa may bintana at andun nga ang aking boyfriend na si Kevin.

"Ms. White, I apologize about Ms. Villegas's carelessness."

Napatingin ako sa boss ko at nakatingin siya sakin ng masama. Kulang na lang ay umusok ang ilong at tenga niya. "Apologize to Ms. White, Villegas," utos ng boss ko.

White...

Pamilyar ata ang pangalan niya. Inikot ko ang paningin ko at nakita ang isang babaeng katangkaran ko na may mahabang buhok. Unang tingin ko palang ay alam ko ng mayaman siya. Siya'y nakatingin sakin ng masama at nakita ko na may kulay tskokolate ang kanyang puting blouse. Doon ko lang nasilayan na natapunan siya ng kape at kasalanan niya yun sa pagbangga sa akin.

"Wait a minute..." sabi niya.

Nanlaki pareho ang aming mga mata ng masilayan namin kung sino ang isa't isa.

"You?!"

"Ikaw?!"

The Coffee IncidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon