01

1K 18 1
                                        

Nagising ako dahil sa maingay na tunog. Pikit mata kong inabot ang cellphone ko at pinatay ang alarm. Bumangon na ako at nag hilamos sa cr. Pinatuyo ko muna mukha ko sa malinis na towel at pinusod ang buhok sa pa messy bun. Lumabas na ako pagkatapos nun.

Pumunta ako sa kusina. Napapikit ako dahil sa Bango! I'm sure nagluluto ang bakla!

Tinignan ko si Bakla na nakatalikod habang nagluluto. Naka apron pa na kulay pink.

Tinitigan ko ang likod niya. Para kaming mag-asawa. Yung every morning ipagluluto ka ng Asawa mo. Napangisi ako sa iniisip ko. Impossible, pero gawin nating possible.

Lumapit ako sakaniya at sinampal ang matambok niyang pwet. Hehehe.

Napaigtad siya sa ginawa ko.

"ANO BA AKIIII!" Pambabaeng boses na sigaw niya.

Nginisihan ko lang siya at tumingin sa niluto niya.

"Ano yang niluto mo?"

Inirapan muna niya ako staka sinagot.

"Adobo. Umuna kanang kumain. May fried chicken dun." Agad naman nag liwanag mukha ko sa sinabi niya pero di ako sumunod.

Napatigil siya sa ginagawa niya at tinaasan ako ng kilay na para bang sinasabing bat di ko sinunod sinabi niya.

"Sabay tayo kakain" Ngiting-ngiti na aniko.

"Sige. Tapusin ko lang to."

Bumalik ako sa mesa at umupo ron. Pinagmasdan ko lang siyang magluto. Maya-Maya ay pinatay na niya ang stove. Hinain na niya ang adobo staka dinala dito sa mesa. Nag simula na kaming kumain, tahimik lang kami. Ang ingay lang ng kutsara't tinidor ang maririnig.

Natapos na kaming kumain at tahimik pa rin kami. Nabasag lang ang katahimikan ng mag presenta akong mag hugas, pumayag naman siya.

Pagkatapos kong mag hugas at pumunta ako sa kwarto ni Raven. Napabuntonghininga na lang ako nang makita na nakatitig siya sa picture nilang dalawa ni James sa cellphone niya habang tumutulo ang luha.

Ganun ba siya ka Inlove? Kala ko ba laro laro lang sakaniya.

Dahan-dahang lumapit ako sakaniya at umupo sa tabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya at napatingin naman siya sakin.

"I-Ikaw pala Aki..."

"Oo ako nga... Nag-usap na ba kayo ni James?" Tanong ko.

Kinagat niya ang labi niya at umiling. Hays..kailangan may magawa na ako! Kailangan di na puro James!

Umupo si Ravy mula sa pagkakahiga habang nakatingin parin sa cellphone niya.

"Alam mo Ravy.. Itigil mo nalang yan. Hanap ka nalang iba."

"N-No...I love him..."

May dumaan na sakit at kirot sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim.

"Tara. May puntahan tayo."

"Huh? Saan naman?"

Ngumisi ako, "Sa tambayan natin."

Tumango lang siya. Lumabas na ako sa kwarto niya dahil maliligo at magbibihis muna daw siya, at ganun rin ako. Sarap ngang sabihin na sabay nalang kami. Hehe..

Pumasok muli ako sa kwarto at naligo. Pagkatapos ay kumuha ako ng dress doon na malamang ay sa'kin. Pag mag ma-mall kasi kami ni Bakla ay dito ko ilalagay yung iba. I was wearing a white silk tank top at Black high waist shorts and my favorite black stiletto. Kinuha ko na ang black quilted purse ko staka lumabas.

Sakto ring palabas si Raven. He was wearing A navy blue long sleeve button down and black pants. He also wearing a silver wristwatch. Napakagat labi nalang ako. Angwapo niya shittt! Nagpapasalamat ako kasi kahit bakla siya, hindi siya nagsusuot ng cross dress.

Obsession (Gay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon