10

641 18 3
                                    

'MEET ME AT THE CAFE AT LUNCH. MAY SASABIHIN AKO SAYONG IMPORTANTE'

Kanina ko pa tinitigan ang text niya. Susundin ko ba siya?

Kaagad ko siyang nireplayan.

'Why? Ano ba ang paguusapan natin."

Agad naman siyang nag reply.

'About Raven.'

Napatitig ako sa reply niya. Napabuntonghininga ako. Kinabahan sa kung ano man ang sasabihin niya.

Nag reply nalang ako ng 'okay' sakaniya. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa Drinawing ko. Hindi parin natapos ang drawing ko para kay Raven because I want to make it special.

Tinuloy ko nalang ang ginawa ko at kaagad naman nawala sa isip ko ang about don.

KAAGAD kong pinark ang sasakyan ko sa parking lot ng cafe. I know his favorite cafe at mula rito ay tanaw ko na siya sa loob at parang naghihintay sa'kin dahil tingin ng tingin ito sa relo niya at nakapandekwatro na pambabae.

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad patungo don. Binuksan ko ang pinto at kaagad naman gumawa ng ingay ang chime sa ibabaw ng pinto. Napatingin siya sa'kin, kaya naglakad na ako palapit sa table niya.

Nang makalapit ay kaagad ko nilagay ang bag ko side ng upuan at umupo. Seryoso niya lang akong tinignan kaya seryoso lang din ako.

"You look pretty." Aniya.

"Thanks."

"Kaya pala iniwan ako ni Raven, At ipinagpalit sa'yo."

Kaagad napataas ang kilay ko.

"Excuse me?"

He smiled. Ngiting nakakaasar.

"Totoo naman diba. Iniwan niya ako dahil sa'yo."

Sumandal ako sa sandalan ng upuan at humalukipkip, I even cross my legs.

"Pinili niya 'yon. Pinili niya ako dahil mahal niya ako."

Ngumiti siya. There's something on his smile.

"Wag kang masyadong magtiwala, Akira." Kumunot ang noo ko sa pagtataka kaya nagpatuloy siya, "May rason kung bakit niya 'yon ginawa."

Agad naman akong kinabahan sa sinabi niya. Paano kung may rason nga? At anong rason naman yun?

"I trust Raven, James."

Tumawa siya sa sinabi ko.

"Wag mong ibigay ang lahat ng tiwala mo sakaniya. Dahil magsisisi ka rin."

"Shut up. I trust Raven, And I know he loves me!"

"Okay kung 'yon ang gusto mong paniwalaan."

"Bakit ba sinisiraan mo si Raven sa'kin?" Naningkit ang mga mata kong tinignan siya.

"Because he's mine. And i know, I still have space in his heart. He still loves me. Inakit mo lang siya, kaya ikaw pinili niya."

I smiled sarcastically, "Then, Okay..." Umayos ako ng upo, "Yes. I seduce him. Pero bakit naman siya natuklaw sa pangaakit ko?"

Kita ko sa dalawang mata ko ang pagpula ng Mukha niya sa inis.

I grins, "Aalis na'ko." Tumayo na ako at nilisan ang Lugar na 'yon na may ngisi.

Pero hindi parin nawala sa dibdib ko ang kabang naramdaman. Na baka nga totoo ang sinabi niya.

Bumuntonghininga nalang ako at bumalik sa building ko.

PAGKATAPOS non ay hindi na kami nagkita pa ni James. Binabagabag parin ako sa sinabi niya.

"Bat ba ako kinabahan? Di naman totoo yung sinabi niya at baka panakot lang niya yun para iwan ko si Raven..."

Obsession (Gay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon