19

328 11 6
                                    

Napabuntong hininga ako. Nakatingin ako sa magandang tanawin dito sa bintana. Ang mga puno. Mga magagandang bulaklak. At ang preskong hangin na pumasok dito sa kwarto.

Dalawang linggo na simula nang nangyare. Wala na akong komunikasyon sakaniya. Tinapon ko na ang sim.

"Akira?" Pagtawag sa'kin ng lalaking nagdala sa'kin dito. Ngumiti ako sakaniya nang lumingon ako.

"Calvin..."

"Nakahanda na ang pagkain.." Napakagat labi ako. Sobra-sobra na ang naitulong niya. Dito niya ako pinatira.

Sinabihan ko si Amira ang tungkol dito. Noong una ay tutol pa siya pero sinabi ko sakaniya na mas safe ako dito. I also told her about our situation with Raven.

Galit na galit siya nang malaman 'yun.

"What is he!? Bipolar? Pinapaalis ka niya, tapos nung umalis ka, Gusto ka naman niyang bawiin!?" Napakagat labi ako.

"A-Ate...Ako nga rin eh naguguluhan. Kaya mas mabuti sigurong kina Calvin muna ako. Maalagaan nila ako."

"Oh my god, Akira! Nagiisip ka ba? Pamilyadong tao 'yan! Ano nalang ang mararamdaman ng asawa niyan, huh?"

"Ang Asawa pa nga niya nagpapatira dito sa'kin ate..."

"What do you mean?" Nalilitong tanong niya.

"Sa bahay muna nila ako pinatira. Alam nila ang sitwasyon ko."

Napangiti ako nang maalala ang huling tawag namin. Bumaba na ako at dumiretso sa Kusina. Simple lang ang bahay nila Calvin. Napangiti ako nang makitang hinalikan pa ni Calvin sa sentido si Janice pagkababa.

"Umupo kana, Akira..." Mahinhin siyang ngumiti sakin.

Sobrang gaan ng loob ko sakaniya. Siguro dahil na rin sa Ate siya ni Raven? O baka, mabait lang talaga siya at nakakagaan sa loob ang itsura siya. Maganda siya sa panlabas at sa panloob. Kaya madali lang napalagayan ang loob ko sakaniya.

Masaya kaming kumain at nag kwentuhan. Kumandong pa sa'kin ang Apat na taong gulang nilang lalaking anak at nag papasubo sa'kin. Pinandilatan pa ni Janice ang anak pero di naman siya pinansin nito.

"Gusto ko po dito ka lang, my lady.." natawa ako at sinubuan siya ng pagkain.

"Who?" Tanong ko.

"You." Namula ang pisngi ko. Diyoskong bata 'to!

"Sa'n ba to nagmana, Janice? Kebata bata pa, pero smooth na bumanat!" Natatawang tanong ko at sumubo rin.

"Aba. Kanino pa ba? Edi sa'kin." Proud pa na sabi ni Calvin.

Nagtawanan kami. Binaling ko ang tingin ko kay Javin.

"Excited na po akong makita si Baby!" Hinaplos niya ang tiyan ko. Napangiti ako.

"Pag laki niyo, Ikaw na magbabantay sa baby niya." Nakangiting aniya ni Janice.

Nagtatakang napalingon naman siya sa Ina.

"Bakit po mang?"

"Paglaki mo Javin, matanda na si Tita Akira. Iika ika na 'yan mag lakad." Natatawang sabi ni Calvin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Talaga po? Kapag ganon po di na po niya maalagaan si Baby. Ako nalang po ang mag alaga sakaniya pag laki namin!" Nakangiting ani ni Javin. Napangiti ako sa kainosentehan niya.

Nagpresenta akong maghugas nang matapos na kami. 'Di pa pumayag si Janice dahil daw sa buntis ako pero nang huli ay sumuko na siya.

Nangmatapos akong maghugas ay lumabas ako at doon sa garden nila ako pumunta. Umupo ako sa sementong upuan ron at pinagmasdan ang tanawin. Mahangin dito at kay sarap mag munimuni lalo pa't maraming bulaklak at maraming puno. Malayo sa mausok at puro building. Malayo sa gulo. Malayo sa ingay.

Obsession (Gay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon