"Miss Gonzales! Ang ganda talaga ng mga paintings mo!" I smiled at what she said, "Hindi na nakakapagtaka kung bakit ang daming bumibili!"
I chuckled softly.
"Hindi lang ito maganda, Aye. There's also a meaning behind those beautiful paintings. 'Di mo alam, baka yung Isa sa mga paintings ko na magaganda ay may dark secrets pala." I chuckled when I saw her pouted.
"Kung ganon, what's the secret of your painting named “The Cessation” ?" She asked. Napatigil naman ako sa aking ginagawang pag guhit sa sketch pad ko.
I smiled as I remember that painting. That painting where I poured all of my emotion while painting that. Hindi tayo nag pipinta para lang sa mga mata ng ibang tao. Para may makuha tayong mga papuri mula sakanila dahil sa angking ganda ng ating nagawa. Bagkos, ay nagpinta ako para ibuhos lahat ng nararamdaman ko. Mula sa pagpipinta, I poured out my emotions using only painting.
"The secret?" I asked. She nodded, eager to know my answer, "It's a secret. I can't tell you." Agad nalukot ang mukha niya.
"Miss Gonzales naman! Sige na po!" I sighed and smiled.
"The cessation of the things that should have done before." I smiled when I saw her confused look, "Meaning, dapat na nating itigil ang dapat nang itigil."
Napatango tango siya kahit bakas ng pagkalito ang mukha.
"Ahh..Naiintindihan ko kahit hindi fully detailed." She bite her lips, "Pero ano po ba talaga ang full details ng secret ng painting na 'yon?" She asked more. She's so eager to know the secret behind that painting.
"I'll tell you in the right time."
NANG makauwi ako ay nakita ko agad si Janice sa may couch, hawak ang sentido.
"Oh? Anyare?"
She took a deep breath and looked at me while gritting her teeth.
"I'm so stressed! I think I need some relaxation!" I chuckled.
"Na stress ka ba masyado sakanila?" I asked. She nodded.
"Nako! Kung hindi ko lang mahal!"
Nang matapos niyang sabihin iyon ay narinig ko mula dito ang boses nila.
"Kuya Kevin, you're so panget! Teach me how to dance it nga!"
"Ano ba, Eiya. Pagod na nga ako eh. Kanina pa kita tinuturuan." Ani ng kawawang batang lalaki. Pumamewang naman ang malditang batang babae. Tumaas pa ang kilay.
"So what, Kevin?"
"Kanina pa tayo sumasayaw ng Girl in the mirror dance!" reklamo ng batang lalaki. Umirap naman ang batang babae.
Narinig kong bumuntong hininga si Janice at hinilot ang sentido.
"Tignan mo 'yang dalawang iyan! Kanina pa nagbabangayan. Parang mga aso't pusa!" Reklamo niya. Natawa ako at tumingin sa batang babae.
"Akeiya."
Lumingon ito at namilog ang mga mata. Agad gumuhit ang malaking ngiti nito at tumakbo palapit sa'kin saka niyakap ako.
"Yung pasalubong ko po?" Natawa ako at binigay sakaniya ang pasalubong niya. She smiled widely when she saw her favorite strawberry dipped in chocolate. She looked at me with a sparkle in her eyes and smiled widely.
"Thank you po so much, Mama! I love you po." She kissed my cheeks. Natunaw naman ang puso ko.
"Ano bang pinag aawayan niyo ng Kuya Javin mo?" I asked her. Sumimangot nanaman siya ulit.

BINABASA MO ANG
Obsession (Gay Series #1)
RomanceShe's Obsessed... She's Chasing him... She love him very much, even though he's GAY. You're right. He's gay. She's Inlove with the Gay.