13

531 17 3
                                        

Ayan na ;)

--------------------------------------------------------------------------------
Nasa penthouse niya kami ngayon. Akala ko nga sa Bahay na sinurpresa nya ako dadalhin, pero mukhang wala siyang balak na itira ako dun. I don't mind it anyway.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya sakin habang nakatingin sa ref niya.

"Uh.. ice cream nalang." Sagot ko.

Binigay niya sakin ang ice cream na halatang bagong bili. May kinuha pa siya at nang tignan ko ay yogurt staka binigay niya sa baklang kinaiinisan ko na katabi ko ngayon.

"Thank you, Rav. Kilalang Kilala mo talaga ako." Sabay kindat at ngumiti naman ang Raven.

Kumuha si Raven ng Isang kutsara at binigay yun kay James samantalang ako hindi man lang niya binigyan. Kanina pa ako naiinis. Anong silbi ng kamay at paa ko diba, kaya ako na ang tumayo at kumuha ng kutsara ko. Nakakahiya naman sakanila na titig na titig sa isa't isa, di man lang nakitang nakatingin ako sakanila.

Parang may sumuntok sa dibdib ko nang tignan ko sila. Kaagad akong umiling at kumuha ng kutsara saka bumalik sa kinauupuan ko kanina.

Sinimulan ko nang kumain ng ice cream na ang flavor ay cookies and cream na paborito ko. Sunod sunod ang pag subo ko sa kutsara na may lamang ice cream. Kilala ko ang sarili ko pero ngayon parang hindi.

"Pst. Hoy. Dahan-dahan naman baka mabulunan ka." Sita sakin ni James at tama nga siya dahil nabulunan ako.

Napahimas ako sa leeg ko habang umubo ubo nang may nag bigay sakin ng Isang basong tubig at di ko na tinignan ko sino ang nagbigay nun at dire-diretsong ininom ang laman nun.

"Tsk. Takaw kasi." Saad ni Raven na ikina irap ko.

"'Di naman no."

Tumayo na ako.

"A-Ayoko na..." saad ko habang nakatingin nang masama sa ice cream na yun.

"'Kay. You can go upstairs. Doon ka sa kwarto mo."

Napalunok ako. 'Di ba pwedeng sa kwarto mo nalang?

Tumango nalang ako at naglakad na papunta sa itaas. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko saka sinirado. May damit naman ako dito at kumuha ako ng undergarments at damit. Nang makakuha ay pumasok na ako sa banyo at dun naligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako dun sa banyo at lumabas. Ganun nalang ang gulat ko nang makita si Raven na nakahiga sa kama ko habang nakatitig sa'kin. Napalunok ako at pakiramdam ko'y nanlambot ang mga tuhod ko sa klase nang titig niya at kung di ko lang agad napigilan ang sarili at nabalanse ang katawan ay baka natumba na ako.

Lumunok ulit ako at dinedma siya. Umupo ako sa harap ng tukador at kinuha ang blower saka sinimulan ang pag tuyo ng buhok.

Sobrang tahimik namin at ang tunog lang ng blower ang maingay. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita ako.

"Nakauwi na si James?" tanong ko

"Oo," sagot niya.

Napakagat labi ako nang makitang titig na titig siya sa'kin kaya agad kong tinapos ang ginawa at hinarap siya.

"Matutulog na ako." Aniko.

Tumaas ang kilay niya. Maya-maya ay tumaas ang sulok ng labi niya, "So?"

"Matutulog na ako baka gusto kong lumabas ka?"

"Why?"

Kumunot ang noo ko. Nakaramdam ako ng inis sakaniya dahil sa tigas ng ulo niya.

"Lumabas ka na! Matutulog na ako."

Obsession (Gay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon