15

450 13 9
                                    

W6

"Raven pwede favor?" Tanong ko. Nasa sofa kami ngayon habang nanonood ng paborito naming palabas. Paw patrol.

"Hmm."

Napakagat labi ako. Sobrang hot niya talaga. Mas lalo akong sumiksik sakaniya at di naman siya nag reklamo dahil tutok na tutok siya sa pinanood. Binaon ko ang mukha ko sa maputi niyang leeg at kaagad naamoy ang natural nyang amoy.

"Ang bango mo..." Kumapit ako sa leeg nya at halos kumandong na'ko sakaniya. Ewan ko. Feel ko lang maglambing ngayon.

Pinatakan ko ng maliliit na halik ang leeg niya at bahagyang dinilaan.

"Akira." Nagbabantang aniya. Mas lalo kong hinigpitan ang pag kawit ko sa leeg nya. "Ano ba! Para kang butiki."

"Mmhm. Bakit?"

"Kasi kapit ka ng kapit saakin!"

"Hindi ba dapat tuko 'yun?"

"Kahit na! Magiging tuko rin naman yang butiki paglaki nya." Napatingin ako sakaniya at tinignan siya ng masama.

"Mukha ba akong butiki para sa'yo?" Naiinis na aniko.

"Tss. H-Hindi naman sa ganon. Tsaka anong favor ba 'yun?"

Oo nga pala. May favor nga pala ako sakaniya.

"Maibibigay mo ba sa'kin?"

"Kung katanggap tanggap."

Kumandong na'ko sakaniya na siyang ikinatigas nya sa kinauupuan niya.

"Akin ka lang ha?" Tinignan niya 'ko sa mata.

"Favor ba 'yan?"

"Hindi iba 'yan."

"Sorry. Someone already owns me." ouch.

"Pero akin ka parin!" Desperadang aniko. Napabuntonghininga na lang siya at tinuon ulit ang pansin sa pinanood. "Layuan mo na at wag mo na papuntahin si James dito. 'Yun ang favor ko." Natigilan siya.

"What!?" iritadong aniya. Parang bigla siyang nawala sa mood.

"Mukha mo what. Alam ko namang narinig mo'ko dahil ganiyan ang naging reaksiyon mo." Naparolyo nalang ako sa'king mata.

Umirap lang siya at pilit akong inaalis sa kandungan niya, pero mahigpit ang kapit ko sakaniy kaya sumuko na rin sya at nakasimangot na itinuon ang atensiyon sa tv. Napasimangot ako. Gusto ko sa'kin lang ang atensiyon niya!

Kinuha niya ang remote at nilipat ang channel. Tutok na tutok siya sa panonood Dora ang pinanood niya ngayon na tanong nang tanong kahit nasa harap na niya. Napatitig ako kay Raven. Nasa tv ang atensiyon niya at nagseselos na ako kay Dora!

Tinignan ko ng masama si Dora, "Ang panget ni Dora. Gusto mo ba s'ya? Mas maganda pa naman ako sakaniya. Kingkoy lang sya, totoong tao ako at nandito pa nga sa tabi mo. Ano? Sagotin mo'ko! Wag mo ako bigyan ng masamang tingin!" Nakipagpantayan ako ng tingin sakaniya. Mas bet niya si Dora, hah!

"Are you fucking crazy?"

"Oo!"

"You are?" Kunyareng gulat at di makapaniwalang aniya.

"Oo nga! Krezi por yu." Yuks!

Napailing iling siya at tinuon ulit ang atensiyon kay Dora na pagala gala. Nagisip muna ako para makuha ang atensiyon ng baby ko.

"Raven?" malambing na tawag ko sakaniya.

"What?"

"Brand new car ka ba?"

"What!? Anong tingin mo sa'kin, kotse?" Iritadong aniya. Gumalaw naman ako kaya napahawak ang kamay niya sa bewang ko para suportahan ako. Naks. Concern.

Obsession (Gay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon