NANDITO kami ngayon sa pinareserve ni Elly. Ewan ko ba sa babaeng yun. Bigla-bigla nalang mag-aya.
"So...Ano ba ang pag-uusapan natin?" Naiinip na tanong ko sakaniya. She smile.
"Well... I was planning that we should bonding more! Gosh. Ilang years na tayong di nagkikita, at dapat sulitin natin ang Oras natin!" She said. Napairap ako.
"Di pa ba sapat pinagsasamahan natin?" Tanong ko.
"Duh! Isang linggo nalang, at gogora na ako papuntang states. Kaya sulitin natin ang natitira nating oras..." And she smiled.
"Bat ka ba pupunta sa states? Kakauwi mo lang dito 1 month ago, ah." Tanong ni Ianna.
Bumuntonghininga siya bago pinaglalaruan ang salad sa harap niya.
"Hindi ko masabi sainyo eh... Pero valid naman ang reason ko." Aniya habang nakatulala sa kawalan. Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Hmm... Ano kaya problema nito?
Naglakas loob akong magtanong, "May problema ka ba, Elly? You can tell us.."
Bumalik ang tingin niya sakin at ngumiti pero hindi 'yon umabot sa mata niya.
"W-Wala..."She sighed and then tried to smile, "I've book a resort earlier... And gusto ko nga sana na mag bonding pa tayo. Ano, G kayo?"
Napatingin ako sa mga kasamahan namin. Una namang sumagot si Missy.
"Sige. Payag ako. May bar ba dun?" She asked. I heard Elly chuckle.
"Of course!"
"Jetski?" - Ianna
"Duh. Natural!"
"Banana boat?" -Amira
"Ano bang klaseng tanong yan. Oo naman. Beach nga eh, duh."
Lihim akong natawa.
"Mga pogi na macho?" Biro ko. Nagningning naman ang mga mata niya.
"Oo naman! Mag bo-book ba ako ng resort kung walang pogi?"
Napasinghap ako. Hindi dahil sa sinabi niya. Kundi dahil sa mainit na palad na humahaplos at bahagyang pinipisil ang hita ko.
I bit my lower lip and look at Raven beside me. Seryoso lang siyang nakatingin kay Elly.
Tumikhim si Amira kaya nasa kaniya ang atensiyon namin.
"Ako rin... Isang linggo nalang, aalis na'ko dito." Aniya na nagpagulat sakin.
Pero mas lalo akong nagulat sa inakto ni Jace.
"Ha? Bakit?" At hinawakan ang kamay ni Amira na nakapatong sa lamesa. Bahagya pa niya itong hinaplos gamit ang hinlalaki niya. Kita ko rin sa reaksiyon ni Ate na nagulat din siya.
"Bakit, Kuya? Akala ko ba payag ka na?" Tanong ni Amira.
I don't know if it was just my imagination or I was just hallucinating, but I saw that there was pain in his eyes when Amira said that.
His Adam's apple move up and down, "U-Uhm.. P-Papayag ako, Pero Sina M-Mom and Dad? Pumayag na sila?" He said. But there was hesitation in his voice.
"Yes." Maikling sagot niya at kinuha ang kamay niya na nakapatong sa lamesa.
Napaiwas nalang ng tingin si Kuya bago umayos ng upo.
Ianna Interrupt.
"Ako rin, Aalis. 5 days from now..." She pouted.
Napaawang ang labi ko, "A-Aalis karin?"
She nod while pouting.
"I have to meet my family, kasi eh...Because they have an announcement daw and kailangan I'm there daw sabi ni Granny..." Mas lalong humaba ang nguso niya habang nilalaruan ang dulo ng buhok. Para siyang spoiled brat na nanghingi ng permiso sa Ina nila.
BINABASA MO ANG
Obsession (Gay Series #1)
RomanceShe's Obsessed... She's Chasing him... She love him very much, even though he's GAY. You're right. He's gay. She's Inlove with the Gay.