"Hinay hinay lang. Baka mabilaukan ka." Sita sakin ni Calvin.
Kanina nang makita ko kaagad ang paparating na sasakyan niya ay hinarangan ko agad ito muntik pa nga ako masagasaan kung 'di lang siya nakapreno.
"What the Fuck!? Gusto mo bang magpakamatay?!" Galit na sigaw niya. Kunot na kunot ang makakapal niyang kilay habang ako naman'y nakangisi.
"Ba't ka ba humarang? Dali pasok." Pinagbuksan niya ako ng pinto at kaagad naman akong pumasok.
After nun dinala niya ko rito sa condo niya. Gusto ko pa naman dun sa bahay kung sa'n dinala niya ako kaso Gabi na at halatang madilim ang daan ron dahil walang poste.
Sunod sunod ang subo ko sa kanin na nilagyan ko ng Adobong Manok na hinaluan ko rin ng Tinula pagkatapos nun ay Sinawsaw ko ang mansanas sa Nutella at sarap na sarap na kinain yun.
"Sarap na sarap ka ah.." ngitian ko lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Napatigil lang ako nang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa ko. A text from Raven...
Raven baby(。・ω・。):
Akira reply my text.
Kasunod nun ay ang pagtawag niya. Napabuntonghininga ako at dinecline ang tawag niya staka nag tipa ng isasagot.
Me:
Sorry. Sa kaibigan ko muna ako magpapalipas ng Gabi. Take care and Goodnight. Love you♡.
Pagkatapos ay in-off ko ang cellphone ko. Literal na off as in POWER OFF.
Namimiss ko siya...
Kaso bumalik ulit sa alaala ko ang nakita ko kanina. Naninikip ang dibdib ko at parang nawalan na'ko ng ganang kumain kaso masarap ang kinakain ko at mukhang gusto pa ni baby ko ang kumain kaya pinilit ko ang sarili kong kumain.
"Is he hurting you mentally or physically? Or both?" Biglang tanong niya.
Bumuntong hininga ako bago sumagot. "He's hurting me mentally. Hindi niya alam kasi manhid siya, pero mahal ko parin siya kahit na di niya ko sinasaktan physically ay nasasaktan naman ako sa mga inakto niya." Para akong batang nagsusumbong sa Kuya niya ngayon, ni Hindi ko man lang namalayang lumuluha na pala ako. "K-Kani kanina lang ay nakita ko sila ni J-James na... n-naghahalikan..." Humina ang boses ko sa huling sinambit ko.
I heard him cursed. Nagbaba lang ako ng tingin habang sumusubo ng pagkain. Patuloy parin sa pagbuhos ang luha ko.
"I don't know what the heck is wrong with him. Is he playing your feelings?" I heard him sighed. "Don't think about it... Ubusin mo na ang pagkain mo at matulog ng maaga. Makakasama sa baby mo kung mag puyat ka..." Aniya.
Mahina lang akong tumango at tinapos ang pagkain. Nang matapos ay hinugasan ko ang pinagkainan ko nakakahiya naman kung hindi.
Hinatid na rin ako ni Calvin sa guestroom kung sa'n doon ako matutulog. Gusto kong mag half bath kaso wala akong damit kaya naglibot ako dito sa kwarto ko. Binuksan ko ang walk in closet at Napa kurap kurap.
Di ko na kailangan mag worry. May mga damit pambabae na dito.
Pumasok na ako at namili ng pajama. Since nasa ibang Bahay ako mag pajama ako, Pero pag nasa sariling kwarto ko ako o kay Raven (ahem, yes, I sometimes seduce him..) I wear nighties because I'm comfortable wearing it with him.
Kinuha ko na agad ang pajama at kumuha na rin ng towel nang sa ganun makapag half bath ako. Naningkit pa ang mga mata ko ng makita ang mga nag gagandahang mga dress na sa tingin ko ay mamahalin. Nagdadala ba siya ng mga babae dito?
BINABASA MO ANG
Obsession (Gay Series #1)
RomanceShe's Obsessed... She's Chasing him... She love him very much, even though he's GAY. You're right. He's gay. She's Inlove with the Gay.