17

296 12 1
                                    

Kanina pa ako nakatitig sakaniya na nakaupo sa sofa at nanonood ng SpongeBob sa TV. Napalunok ako.

I'm craving fries, and sundae. Masarap isawsaw ang fries sa sundae. Lalo na ang chicken joy at ang gravy nito! Sobrang sarap kapag ang chicken joy ay juicy lalo na ang crispy chicken skin nito na kapag isawsaw mo sa gravy ay lalong sumasarap! Masarap rin isawsaw ang fries sa gravy. Lalo na ang burger, kapag ang burger ay maraming cheese at ang steak nito na nanunuot ang sarap sa dila mo. Shit!

Napalunok ako sa naiisip ko. Lumapit ako sakaniya at pinoke ang arms niya.

"R-Rave..." Agad naman siyang bumaling sa'kin at taas ang kilay na sumagot.

"What?" Malamig na aniya. Napalunok ako.

"I-I'm craving..." Mahinang aniko. Tinignan niya ako at bumuntong hininga.

"And so? Bili ka."

Napaluha nalang ako sa sinabi niya. Bwesit! Nag c-crave ako ng sobra! Naglalaway ang bibig ko sa tuwing iniisip ang mga pagkain na 'yun!

"W-Wala akong pera..."

"May tira naman diyan sa mesa, Akira. Yan yung ulam natin kanina." Naiinis na aniya.

"Pero... Gusto ko Yung chicken joy, fries, sundae at burger..." Napayuko ako at ngumuso habang nilalaro ang daliri ko, "You used to buy me that food before..." Ramdam kong natigilan siya at natahimik.

I don't know what's with him. Pero habang kasama ko siya ay kitang kita ko ang pagbabago niya. He's not the Raven that I used to know before. He's not the Raven na best friend ko. Ang cold na niya sa'kin at ang distant na niya. 'Di na niya ako kinukulit gaya ng dati.

Is it because what we do before? The making love?

Napaluha ako sa iniisip. Why did he changed? May mali ba? I know. I seduced him. Ako ang palaging nauunang humahalik sakaniya pero kumakagat naman siya at ni minsan nga ay siya ang nang uuna.

Napabuntong hininga ako nang wala akong makuhang sagot sakaniya.

"R-Rave–"

"Ano!?" Napaatras ako sa biglaan niyang pag sigaw. Napakagat labi ako ng mabasa ang iritasyon sa mga mata niya.

"S-Sige.. wag nalang." Tumalikod na ako at dumiretso sa kwarto. Napahawak ako sa tiyan ko at lumunok.

Napapikit ako ng mariin at no choice kundi kunin ang cellphone ko at tinawagan ang taong alam kong maiibigay ang gusto ko.

"Calvin..."

I told him the food that I want to eat. Buti nalang at hindi siya busy. Ang sabi niya magbibihis daw ako, he will fetch me here.

Agad akong nag ayos sa sarili ko since nakaligo naman na ako. Pinalugay ko lang ang wavy at mahaba kong buhok. I wear a white chiffon dress. Naglagay lang ako ng pulbo at lib gloss. I put a red ribbon on my hair. Kinuha ko ang sling bag ko and I'm ready to go.

I looked at my phone and on the way na raw siya. Hihintayin ko nalang daw siya sa sea shore. Bumaba na ako at mukhang naramdaman ni Raven ang presensiya ko kaya napatingin siya sa'kin at tumaas ang kilay.

"Where are you going?"

"Bili pagkain. Don't wait me. Mukhang..." I look at my wrist watch, "Matatagalan ako ng uwi, eh." I smiled sarcastically. Imbes na Ikaw ang bibili ng pagkain para sa cravings ko ay 'di mo magawa?

Ngumisi siya. Hindi sa natutuwa siya, but to mocked me.

"Oh? Matagalan ka ng uwi? Bakit. Saan ka pupunta. Sa lalaki mo?" He smirked. I gritted my teeth.

Obsession (Gay Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon