I'm confused!
Alam niyo yung feeling na akala mo okay na kayo kasi sa mga pinapakita niya tapos bigla nanaman siyang manlamig sa'yo?
"Pack your things."
Iyan ang una niyang sinabi pagkadilat ko sa mga mata ko. Nakaupo siya sa sofa at nakapandekwatro habang nakatingin sakin ng matalim.
"Bakit?"
"Did you forgot? Aalis ka na ngayon," he looked at his wrist watch, "Bilis."
Kumirot ang puso ko. Akala ko okay na kami kasi sumangayon siyang makatabi ko siya kagabi.
"Akala ko ba okay na tayo?" Mahinang ani ko.
"Akira ngayon ka uuwi sainyo. We already talk about this right?" Pambabalewala niya sa sinabi ko.
Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin. Talagag di siya mag dadalawang isip na palayasin ako huh? I mean, nakikitira lang naman ako sakaniya pero kasi noon, di naman niya ako pinagtutulakan.
"Ayaw mo ba na nandito ako?" Bulong ko na mukhang narinig niya.
"Akira, nakakasawa ang pagmumukha mo." Aniya at umirap.
Kinagat ko ang labi ko nang maramdamang nangilid nanaman ang luha ko sa gilid ng mata ko. I don't really understand him. Or sadyang masyado lang akong umasa?
Bumangon na'ko at walang salitang lumabas sa kwarto niya at tinungo ang kwarto ko. This is what he want? Then, fine!
Kinuha ko na ang mga maleta ko at nagsimulang mag impake. Napapunas pa ako sa pawis na nasa gilid ng ulo ko. Di pa ako kumakain, at di pa ako nakapagbihis. After I packed my things, lumabas na ako dala dala ang maleta ko. I didn't mind my looks.
Nasa sala si Raven at nakahalukipkip habang prenteng nakaupo sa sofa.
"Aalis na ako." Paalam ko. Tumaas ang kilay niya.
"Go. Leave." Malamig na aniya.
Napalunok ako, "D-Di mo ba ako p-pipigilan?" Damn it, Akira.
Ngumisi siya at tumawa, "Bato ba 'yang puso mo Akira kaya hindi mo maramdaman?" He looked at my eyes directly. Napalunok ako sa emosyong nakikita ko sa mga mata niya. Ni minsan ay di niya ako tinignan ng ganon, "I don't like you. I don't like you here and I hate your presence!" Galit na sigaw niya.
Napaawang ang labi ko at nangilid ang luha.
"A-Ano nanaman b-bang kasalanan k-ko?" Rinig ko ang pagkabasag ng boses ko at di ko na napigilan ang mapaluha. Napapikit siya sa inis.
"Just leave, Akira! Damn it. Umalis ka na!"
"A-Akala ko ba maha-"
"Ayan ka nanaman!" Nanlilisik na tinignan niya ako, "Di mo ba naiintindihan? Masyado ka bang manhid? Ayoko na, Akira! Ayaw ko sa'yo! From the start, I'm just playing." Di makapaniwalang tinignan ko siya, he smirked, "Shocked? Yes, Akira. I'm playing all the time. Nilinlang kita. I make friends to you para paglaruan ka at ang sarap mo palang paglaruan."
"Sobrang uto uto ka! You're softhearted! Ang dali mo lang magtiwala! Hah!" Tumayo siya at tumingala siya at suminghap bago ngumisi at sinabi ang salitang nakakapanghina sa'kin, "I hate you Akira. Kinamumuhian kita. Sobra."
"W-What?"
Nilinlang niya lang ako? All this time? Since high school, magkaibigan na kami ni Raven at di ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon.
"B-Bawiin mo ang sinabi mo Raven. I treasure our f-friendship." Nanginginig na aniko.
"You treasure our friendship but you let me fuck you?"
BINABASA MO ANG
Obsession (Gay Series #1)
RomanceShe's Obsessed... She's Chasing him... She love him very much, even though he's GAY. You're right. He's gay. She's Inlove with the Gay.