"Hoy! Tulala ka na naman Gayshit. May problema ba?" sabi ng matabang babae sa harapan ko.
"Eh anong pake mo? Sa gusto kong mag muni- muni dito, panira ka naman eh." sagot ko sa letseng tababoy na'to.
"Aba aba't-" sasagot pa sana siya ng may nag-salita.
"Guys! Tama na nga 'yan. Para kayong mga bata. Ano bang problema mo Laurel at kanina ka pa nakatulala?" tanong ng pandakekoy na 'to.
"For your information, Ariel ang pangalan ko at hindi Laurel. Will you stop calling me that so-so kadiri na name? Napagkakamalan akong lalake niyan eh." sagot ko sabay irap.
"Hoy! Hindi bagay sa'yo ang Ariel 'no? Hindi ka kasi mukhang sirena. Dugong ka. Hahaha." sabat ni tababoy.
"Kaysa naman sa'yo, BABOY."
Sinuntok ako ni tababoy. Napadaing ako sa sakit. My beautiful arm. Siguradong magkakapasa ito.
"Aray ha? Sinuntok kita? Halika ditong letse ka." naiinis kong tawag sakanya.
"Bleeaah!" nag- belat siya sabay takbo. "Magsa- sight seeing muna ako guys. Hihi."
Hay nako. If I know, hahanapin niya yung crush niya at tititigan sa malayo.
"Sagutin mo na ang tanong ko Laurel. Ano bang problema?" muntik ko ng makalimutan na kasama ko pa si pandakekoy.
"Diba sabi ko kanina, wala?" inirapan ko siya.
"Kilala kita Laurel kung nag sisinungaling ka o hindi." Kalmado niyang sagot.
"Hayst! Oo na, sige na. Nalilito na ako sa nararamdaman ko." Sagot ko.
"Naku! Malaking problema 'yan." sagot niya ng nakingisi.
"Ba't ka nangingiti diyan? Seryoso 'tong problema ko." Nakapangalumbaba kong sagot sa kanya.
"Eh kasi naman, bakit 'di mo na lang tanggapin na nahuhulog ka na sakanya." Sagot niya.
Sandali akong natigilan. Ako? Mahuhulog? No way! 'Di pa nga ako seryosong nagkakagusto sa kapwa ko lalake tapos sasabihin netong nahuhulog ako?
"Ha! Nagpapatawa ka ba? Siguro paghanga pwede pa? Pero 'yang love love na 'yan. Tsk. Imposible!" Asik ko sakanya.
"Sus! Balang araw, kakainin mo din iyang sinabi mo. Sige na, babuush. Makikipagkita pa'ko saking baby. Hihi." Sagot niya.
"Lande! Mabuntis ka sana." Natatawa kong sagot.
"Tse! 'Di ako tulad mo 'no?" Irap niya sabay talikod.
"Hoy! Virgin pa ako no? 101%" sigaw ko sakanya.
"Lokohin mo lelang mo." Sigaw niya pabalik dahil malayo na siya.
Natatawang napa- iling ako. Haist. Mag- isa ulit.
Ako nga pala si Laurel Yee. Matangkad, gwapo, chinito, maputi, etc. In other words, halos neseken ne eng lehet. Isa lang talaga ang wala. Ang pagiging tunay na lalaki. I am a maya bird and I'm proud of it. Maraming nagsasabi na sayang daw ako. The hell I care. I'm beautiful in my way coz' God makes no mistakes, I'm on the right track baby I was born this way. Wapakels ako sa mga panlalait ng tao. Suportado naman ako ng mga kaibigan ko. Pero minsan nilalait din nila ako, sa pabirong paraan.
Speaking of friends, 'yong tababoy at pandakekoy kanina, mga kaibigan ko iyon. As in close friends. Ganun talaga kami mag- usap. Nagbabarahan, nagmumurahan pero nagmamahalan. Ew! HAHA.
Yong tababoy ay si Grace. Lagi ko yung inaapi dahil pikon. Pero pag nagalit iyon, susko! Magdasal ka na dahil babalian ka talaga ng buto. Bihira lang din yun maging mabait. The best word to describe her is.. NOISY. Maingay talaga iyon lalo na kapag nagpapapansin sa crush. Hahaha.
Si pandakekoy naman ay si Lindsey. Sila talaga ang mag bestfriend. Salimpusa lang ako. Kung sa teleserye, EXTRA! Magkaiba sila ng ugali. A total opposite. Pero sa iisang bagay talaga sila nagkakasundo. Iyon ay.. ang bubungangaan ka. As in. Wag na wag mo talaga silang gagalitin o iinisin dahil sermon ang aabutin mo.
Maganda si Lindsey kaso pandak. Turn off. Hahahaha.
Maganda at matangkad sana si Grace kaso mataba. Super turn off. Wahahaha. Ssh lang kayo dahil susungal-ngalin talaga ako nung tababoy na iyon.Ewan ko ba kung bakit ba kami naging mag- kaibigan. Pumasok lang ako nung isang umaga, magkasundo na kami. Friendly kasi ako. Haha.
Hayst. Naalala ko na naman siya. Kasalanan talaga ito ni tababoy kung bakit ako attracted sa kanya. Oo na, inaamin ko na. Attracted na ako sakanya. Naku! Kukurutin ko talaga si tababoy dahil lagi niya akong pinagtutulakan sa kanya. Pag lumala talaga 'tong nararamdam ko para sa kanya, 'di lang talaga kurot ang aabutin ni tababoy sakin, mapapatay ko na talaga siya.
*krriiiinnggg
Hala. Bell na. Makikita ko na naman siya. Ang taong nakakapag- pabagabag sa aking katauhan. My Prof in Algebra.
**
Ito lang ang nakaya ng aking powers. Hope magustuhan niyo.
Comment.Share.Vote is not really necessary as long na nag- enjoy kayo but I'm really thankful if you'd still do that. :) God bless us all.Pic ni Laurel Yee sa media.
Seo In guk as Laurel Yee-HNNYMS-
![](https://img.wattpad.com/cover/34758658-288-k807678.jpg)
BINABASA MO ANG
My Prof in Algebra (boyxboy)
General FictionBaklang nagkagusto sa kanyang Prof na GWAPO at HOT kahit medyo may edad na. Magkatuluyan kaya sila? Anong kahahantungan ng istoryang ito? Abangan. This is not your typical romance story. I hope you enjoy ;]