Chapter 4

204 3 0
                                    

What just happened?

"Laurel! Nakikinig ka ba?" pukaw sakin ni Ace.

"H-ha? Oo naman." sagot ko sa kanya kahit hindi naman.

"Weh? Sige nga. Ano yung kinikwento ko sa inyo bago lang. Wag kang sasagot Lindsey. Quiet ka lang diyan." sabi sa amin ni Ace. Nagkibit- balikat lang si Lindsey.

"Uhmm.. Kinikwento mo samin kung gaano ka gwapo sa paningin MO si KN at kung gaano mo siya ka- crush." sagot ko. Tumawa ng mahina si Lindsey dahil sa sagot ko.

"Aba't.. In- emphasize talaga ang MO ha. Bakit? 'Di ba siya gwapo para sa inyo?" sagot ni Ace na medyo nai- inis na.

"Hindi eh. Peace." sagot ko.

"Cute siya." sabi ni Lindsey.

"Grrrrrrr.. Laurel. Humanda ka talaga sakin. And by the way, hindi si KN ang topic natin kanina. May lumabas kasi na gwapo and hot na guy galing sa room niyo. Sino siya? Classmate niyo?" tanong ni Ace sakin.

"Uhmm.. Medyo may edad na rin yung gwapo na guy Ace kaya imposibleng classmate nila." sabat ni Lindsey samin.

"Oo nga noh? Pero pwede namang bumalik sa pag- aaral ah?" sagot ni Ace.

"Prof namin siya." sagot ko sa tanong ni Ace.

"HA?" sabay na sigaw ni Ace and lindsey. Napatingin lahat ng estudyante sa amin sa hallway. Papunta kasi kaming 3rd floor kung saan ang next subject namin.

"Oo. Prof namin siya sa Algebra." sagot ko ulit.

"Wow. Kung siya magiging prof ko next sem, siguradong inspired talaga ako. Meron palang mga pogi na prof dito. Alam mo ba pangalan niya?" tanong ni Ace sakin.

"Hindi eh." sagot ko.

"Ay sayang."

"Tingnan nalang natin mamaya sa bulletin board sa may dean's office. Andun daw yung mga names and pictures ng mga prof sa engineering." suggest ni Sey.

Oo nga n-.. Ayy teka teka. Bakit curious ako? Erase erase.

"Ang talino mo talaga Sey." sabi ni Ace na halatang excited.

"Hehe. Para na rin makita ko yung crush natin na Prof sa Basic Math last sem. Ayieee." kilig na kilig na sabi ni Sey.

"Pati Prof pagnanasahan? Hoy! May lavlav kana baka nakakalimutan mo?" sabi ko kay Sey.

"Eeh.. Idol lang naman eh. Hihi." sagot nito.

"Hoy tara na. Nagsisimula na ang next class." sambit ni Sey habang patungo sa room kung saan ang next class namin.

Naupo kami sa 2nd row sa right side. Yun nalang kasi ang bakante. Nahahati kasi ang aming klase into two groups. Bawat group ay may 5 na columns at 4 na rows.

Nagtuturo na ng Sociology ang Prof namin sa harap pero ang utak ko hindi maka- concentrate sa itinuturo ni Prof. Hindi pa talaga ako maka- get over sa nangyari kanina. Am I attracted to him? No. Never. Hindi pa ako seryosong nagkaka gusto sa kapwa ko lalaki. Maybe I'm just jealous of him because he got the face that every woman fantasizes, a perfect body that can make every woman drool, and a nice career that can make every man jealous. Wag natin kalimutan na straight siya. Hindi tulad ko baliko. Haha. Tindig pa lang lalaking lalaki na. Kung ako sakanya, siguro susulitin ko ang kada minuto ng buhay ko. Gagawa ng sariling engineering firm, maging sikat na modelo sa iba't ibang bansa, maging laman ng tv at commercials, o di kaya maging pulitiko, maging laman ng bar at siyempre, magkabilaan ang chiks. Haha. Kahit na bading ako eh naiisip ko rin ang mga ginagawa ng mga lalaki. 'Di ko lang masikmura.

Speaking of chiks, may asawa na kaya si sir? Mga anak? Bakit parang nadismaya ang kabila ng utak ko sa kaisipang meron ng pamilya si sir? Baka nanghihinayang lang siguro kasi 'di ko ma enjoy ang kada minuto ng buhay ko na maging single kung saka- sakaling ako si sir. Tama 'yun lang.

Ngayon ko lang na- alala. Ang bango- bango ni sir. Parang naligo ng sandamak- mak na perfume. At parang hindi pipitsugin ang amoy ha? Parang amoy mayaman. Kahit na mayaman ako eh, 'di ko ata afford ang perfume ni sir. Grabe nakakalasing...

"Hoy. Laurel." siko sa akin ni Lindsey.

"Bakit kagat- kagat mo labi mo?" tanong ni Ace.

"H-ha?" tanong ko sa kanila.

Si Ace naka- O.O ang mukha habang si Lindsey naman ay nakataas ang isang kilay.

Shit! Kagat- kagat ko ba talaga ang labi ko habang ina- alala ang mabangong amoy ni sir? Dafaq! Nakakahiya!

"Gayshit." pa- irap na utas ni Ace habang nag- liligpit ng gamit. 'Di ko nalang siya pinansin at luminga sa paligid. Eh? Tapos na pala ang klase? 'Di ko man lang napansin ang paglabas ng prof namin.

"Oy!" sinundot ni Sey ang tagiliran ko. Kami kasi ang magka-tabi.

"Oh?" wala sa sarili kong utas.

"Pinagpapantasyahan mo ba si Scandler kanina kaya ka nakagat- labi? Uyyyyyyy." kinikilig niyang sabi.

"Hindi ah. 'Di ko naman siya crush. Kamukha lang talaga niya ex- fling ko." sagot ko naman.

"Sus. Deny pa more. Tara na nga. Na una na si Ace dahil nagugutom na raw siya." hila ni Sey sakin.

Kung alam mo lang kung sino ang pinagpantasyahan ko kanina.

- - - - - - - - - -

Ito lang nakayanan. Hehe.

-HNNYMS-

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon