"Hoy! Nagpaparinig ka ba?" nakasimangot kong wika sakaniya.
"Oh bakit? Natamaan ka? Bato-bato sa langit, ang mataman siguradong pangit." wika ni Ace sabay labas ng dila sakin.
"Ano ba ang pinagsasabi mo, ha? At bakit naman ako matataman? Katawan ko lang ang lalake, hindi ang aking puso." at inirapan ko siya ng todo-todo.
"Duh! Whatever. Sana sinabi mo iyan nung hindi mo pinaasa yung girl."
"Hindi ko naman pinaasa ang girl ah? Sinabihan ko naman agad na hindi kami talo. Pero anong ginawa? Pinush mo iyan te parin ang panliligaw sakin." Hinilot ko ang aking sentido. Sumasakit kasi ang ulo ko kapag naalala iyon.
Naikwento ko kasi kina Ace na may babaeng nanligaw sa akin nung highschool. As in nastarstruck daw siya nung unang kita pa raw niya sakin kaya liligawan niya raw ako. Gusto niya raw akong maging boyfie niya at forever na raw kami. Yuck! Kadiri to the max. I never pictured myself loving a woman before. Kung man siguro ay pwede pa. Hehe. Siyempre tinurn down for what ko ang alok niya, pero ang gagi pinush. Hays.
"Eh 'di wow!" 'Yun na lang ang sinagot niya at ibinaling ang tingin sa iba. Si Sey naman namromroblema parin hanggang ngayon.
"Teka, 'diba si Sey ang main topic ng ating discussion? Ba't napunta sa 'kin?" Confused ang beauty ko na tumingin kay Ace.
"Bakla ka kasi." Poker faced niyang sagot.
"Thank you." At nagpacute sakanya. Yung parang mga loli sa anime.
Umarteng parang nasusuka si Ace. If I know nacu-cutan iyan sakin. Gwapo ko kaya. Ay este- maganda.
"Sandali nga, Sey. 'Diba sabi mo noon na pwede na si Andre dahil single and ready to mingle na siya?" Kung hindi niyo pa nakakalimutan, sinabi iyun ni Sey noong first day of school.
"Oy oy.. Bakit hindi ko alam iyan?" Tiningnan ni Ace si Sey na parang humihingi ng explanation. Ako lang ang nakaka-alam non kasi may klase si Ace that time.
"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, guys. Hindi ko na siya maintindihan." Malungkot niyang wika habang sapo-sapo ng dalawa niyang kamay ang kaniyang mukha.
Nagkatinginan kami ni Ace. Naawa kami sa sitwasyon ni Lindsey. Kung totoong lalake sana ako, hinamon ko na ng suntukan iyung gagong iyon. Pero dahil girlash sokems, sabunutan na lang. Hehe.
"'Wag mo ng isipin ang gagong iyon, Sey. Marami pa namang papabols sa tabi-tabi." Wika ko dito in a sincere tone. Chos!
"Tama!" Pag-aaprove ni Ace sa aking sinabi. "Si Laurel na lang ang mahalin mo."
Nashakira ang aking beauty dahil sa sinabi ni Ace. Sa dinami-dami ng mga adan sa mundo, ako pa talaga? "What?! Naku girl. Off limits na akez." Ngumiti ako ng matamis sa kanilang dalawa.
Nashakira rin si Sey sa aking revelation habang si Ace naman ngumiti ng nakakaloko. Alam kong kokontra ito sa sinabi ko.
"Sino kayang baliw ang pumatol sa'yo?" Ngisi ni Ace. Kitams? Hater ko ata 'tong tabs na ito.
"Hindi ibig sabihin na off limits ako, may jowa na. Malay mo hindi ko lang type si Sey." At iniripan siya ng bonggang- bongga.
Tumawa lang si Ace habang kibit- balikat lang ang reaksyon ni Sey ngunit nakangiti.
"Tara na nga. Dapat maaga tayong pumasok dahil may quiz tayo Ace." Tumayo na silang dalawa at tinapon ang basurang kanilang pinag-kainan.
Naglakad na kami patungong CEE. Maaga pa naman. May 20 minutes pang natitira sa aming vacant time pero kailangan nasa room na kami. Manghihiram rin kasi ako ng notes sa mga kaklase ko sa Algebra at sila may quiz.
Hinatid lang nila ako sa aking room at umalis agad. Mag sca-scan pa raw sila sa kanilang notes. Ako naman, pumasok na lang sa room at umupo sa aking upuan. Hinahanap ng aking mga mata si Glaiza para mang-hiram ng notes.
"Huy Laurel. Bakit ka absent?" Tanong ni Glaiza sabay sundot sa aking tagiliran. Humarap ako sa kaniya. Nakalimutan ko kasing magseat-mate nga pala kami kaya hinahanap ko siya sa may bandang likod ng room.
"Nagpahinga lang ako ng tatlong araw dahil na overfatigue. Pahiram nga ng notes mo. Pakopya." Sabi ko dito sabay kuha ng notebook ko sa bag.
"Hindi pa nagtuturo ng bagong lesson si sir kaya wala kang makokopya sakin na notes. Pinasagot lang kami ng mga exercises sa workbook. Isa kasi ito sa mga requirements ni sir sa pagtatapos ng sem." Semestral subject nga pala ang algebra.
"Ah ganun ba? Mabuti naman." Buti na lang hindi na ako magsusulat ng marami sa notebook. Hiningi ko na lang ang mga page ng libro kung saan sila pinasagot ni sir.
Habang sinusulat ko ang mga page na ipinasagot sa kanila ni sir sa notebook, narinig ko ang pagsara ng pinto malapit sa amin. Napa-angat ako ng tingin at nakasalubong ko ang mala-hazelnut na kulay na mga mata ni sir. Parang hinihigop nito ang aking diwa. Echusera! Haha.
Nagising ako sa tunog ng sapatos ni sir na naglalakad papuntang harapan. Inilagay niya ang kaniyang mga gamit sa mesa habang nakatitig parin sa akin. Nauna akong umiwas ng tingin. Masakit na eh. Hindi kasi ako kumukurap habang nakikipagtitigan kay sir. Ikaw ba naman tititigan ni sir ng matagal, hindi mo ba susulitin? Hahaha. Landi!
Bumati siya sa amin at ganun rin kami. Binuksan niya ang kaniyang libro at nagsimulang mag-discuss.
Buong mag-damag akong nakinig sakaniya. Ewan ko ba, parang hinahalina niya ako sa paraan ng kaniyang pagtuturo. Parang sinasabi niya na "Halika! Makinig ka sakin. Marami kang matututunan.". Parang ganun yung feeling.
Natapos na sa pagdi-discuss si sir. Nagpaalam na siya sa amin. Nagsimula na ring magsi-alisan ang mga kaklase ko. Meron kasing gagamit ng room pagkatapos namin. Niligpit ko na ang aking nga gamit at isinukbit ang aking bag. Paalis na sana ako ng magsalita si sir.
"Mr. Yee, okay ka na ba?" Tanong nito sa akin. Kami na lang kasi dalawa ang natitira.
"O-okay na ako sir. Salamat." Kinakabahan kong sagot. Bumalik kasi sa aking ala-ala yung panaginip o totoong insidente na nangyari nung araw na himatayin ako.
"Sir, ano po ba talaga ang nangyari nung araw na iyon?" Lakas-loob kong tanong kay sir. Nakita kong napatigil ito sa pag-aayos ng gamit at humarap sa akin.
"Sabay tayong naglalakad sa hallway papuntang clinic. Mga ilang metro nga ang layo mo sa akin nun. Sinabihan kita na 'wag mailang sakin dahil sa pantri-trip ng kaklase mo. Tapos, sinabihan rin kita na kung gusto mo talaga ako, so be it.." Sagot ni sir na tila nag-iisip pa na pwedeng idagdag.
"Hmm.. Yun lang." Tsaka ito ngumiti ng pagkalaki-laki.
Gusto ko pa sanang itanong kung hinila niya ba ako at isinandal sa pader at hahalikan sana, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ang awkward naman kasi. Baka panaginip lang talaga iyon.
Ngumiti lang ako kay sir. "Pasensya na po sir kung nasaksihan niyo ang nakakahiyang nangyari sakin. Hindi na talaga nakayanan ng katawan ko at bumigay." Paghingi ko ng paumanhin.
"No problem, Mr. Yee. Sayang lang at naudlot..." Hindi ko na narinig ang mga sumunod na sinabi niya pagkatapos niyang banggitin ang Mr. Yee dahil mahina lang ang pagkakasabi nito.
Tumango lang ako dito at ngumiti. Papalabas na sana ako ng room ng magsalita uli si sir.
"I really don't mind about it, Mr. Yee. If you like me, so be it." Sabay kindat at ngiti.
BINABASA MO ANG
My Prof in Algebra (boyxboy)
General FictionBaklang nagkagusto sa kanyang Prof na GWAPO at HOT kahit medyo may edad na. Magkatuluyan kaya sila? Anong kahahantungan ng istoryang ito? Abangan. This is not your typical romance story. I hope you enjoy ;]