Chapter 3

217 3 0
                                    

"Uy! Narinig niyo ba ang balita? Na si asghjbs...."

"Punta tayong mall. Pagtapos nito. Para jajhgjjd..."

"Pare. 'Di ko matanggap na juhdjjjhf..."

'Yan ang tumambad sa akin pag pasok ko sa aming classrom. Akala ko pa naman tahimik dahil first day ngayon, 'di pala. Tapos na ang vacant hour namin nila Ace at Lindsey kaya pumunta na kami sa kanya- kanyang room. Tumambay lang kami ng FC(Food court) dahil nakaramdam si Ace ng gutom. Tababoy talaga.

Kasalukuyan akong naghahanap ng bakanteng upuan. Binilisan ko ang paghahanap dahil ayaw kong maubusan. Ayaw ko pa naman mapahiya. Kahit na maganda ako, 'di ko hilig ang attention. 'Cause simplicity is beauty. Chos! Ano daw? Hahaha

Ayun. Nakahanap din. Pero sa harapan. Naku! Baka ako lagi ang tawagin ng prof kapag oral recitation. Diba ganun 'yon? Basta pag nasa front row ka, ikaw laging tinatawag? Tinatamad na siguro ang prof tumingin sa likod kaya front row ang napagdidiskitahan.

"Hi." sabi nung girl sa likod ko sabay pa- cute.

"Uhmm... Hello? Hehe." awkwaaard. Nilalandi ata ako neto.

"My name is Joanne. How about you?" pagpapakilala niya.

"Err.. Laurel. Laurel Yee." sagot ko na medyo nai-ilang.

"Nice name. So manly." sabi niya sabay kindat.

'Di ko nalang siya sinagot at tinalikuran. Maba- badtrip lang ako.

Ilang minuto na ang lumipas pero 'di pa rin dumadating ang prof namin. Buti nalang din hindi na ako kinukulit nung girl sa likod.

Haist. Nabo- bored na ako. Gusto ko ng umalis. Mukhang hindi ata papasok ang prof namin.

Tatayo na sana ako ng biglang nag bukas ang pinto ng aming room. Iniluwa nito ang isang gwapo, matangkad at medyo may edad na lalake. May well- built na pangangatawan at bad boy na aura.

"Good morning class." isang baritonong boses ang umalingaw- ngaw sa apat na sulok ng aming silid- aralan.

"Good morning sir." sagot namin.

"Shet. Ang gwapo ni sir. Magkaka- sala pa ata ako sa boyfie ko." bulong ng isang babae sa gilid. 'Di ko alam kung bulong paba 'yon  kasi narinig ko naman.

"You may sit down." sabi nung prof namin habang papunta sa harapan.
Grabe! Prof ba ito? Mukhang model ah? Sus! Kung ako sakanya 'di na ako magtuturo dito. Hahanap ako ng mas magandang trabaho na magagamit ang pagiging engineer ko. Although may kalakihan ang suweldo dito at nagagamit din ang pagiging engineer pero mas maganda kung sa field mismo.

"You.may.sit.down." sabi ni prof.. err i don't know his name -slash- hot guy sa aking harapan.

Nagpalinga- linga ako only to find out na ako nalang ang nakatayo at silang lahat nakaupo.

Dali- dali akong naupo dahil narin sa napahiya ako.

"Thank you." Sabi ni prof i-still-don't-know-his-name.

"Nako! Mukhang may nababading na kay sir. Hahahaha." mahina ngunit dinig na dinig ko namang utas ng isa sa aking mga kaklaseng lalake.

Napairap ako sa aking isip. Sila lindsey lang ang dapat na nakakaalam ng aking tunay na katauhan. Kahit na medyo halata. Hehe.

"Shall we start?" tanong ni sir sa amin.

"Yes prof." sagot naman namin.

"Okay. Open your books on page 3. Adding and subtracting..." at nagpatuloy na sa pagtuturo si prof. Infairness! Magaling siyang magturo dahil naiintindihan mo talaga ang lesson.

Ngayon ko lang napansin. Hindi lang pala bad boy na aura at well- built na katawan ang meron si sir. Nakikita ko din ang pagiging mahusay na engineer nito nung kabataan. Siguro playboy ito nung kabataan. Bakit kaya dito niya gustong magtrabaho? Gusto ba niya ang pagtuturo? o baka naisipan na niyang mag retire ng maaga sa pagiging enhinyero sa field at magturo nalang? Haist. Ang dami kong tanong na gusto kong masagot.

"That's all for today. Class dismissed." sabi ng isang baritonong boses na nakapagpabalik sa akin sa huwisyo.

Nagsimula na akong magligpit ng tinawag niya ang atensyon ko.

"Mr. Yee?" sabi niya sakin. Teka. Paano niya nalaman ang apelyido ko?

"Po?" sagot ko habang nagtataka.

"Can you please erase the writings on the board?" sagot niya habang nakangiti or shall I say killer smile?

"Y-yes sir." kanda- utal kong sagot. Napaka- intimidating naman kasi ni sir. Oo. Intimidating is the right word. Nakakatakot ang ngiti niya kahit makalag-lag panty para sa mga kababaihan.

Habang nage- erase ako ng writings sa board, biglang nagsalita si sir.

"Nagtataka ka siguro kung bakit alam ko ang apelyido mo?" napahinto ako dahil sa sinabi niya. Nagtataka man ay tinignan ko siya.

"Nakalagay ang pangalan mo sa seat plan na pina- fill up'an ko sa inyo kanina. That's enough. Thank you Mr. Yee. I shall go now." sabi niya ng nakangiti at tumalikod na palabas ng room.

Shet! Nakalimutan ko nga palang pina- fill up'an nga kami ni sir sa seat plan. Akala ko pa naman kilala na niya ako. Assuming!

"Hoy Laurel. Tara na! Malelate na tayo sa next class." tawag sa akin ni Ace.

Dali- dali kong kinuha ang bag ko at lumabas ng room.

What just happened?

- - - - - - - - - - - - - -

Hi. Sorry sa late update. Busy lang sa school. Summer class. -_-
God bless us all. ^__^

-HNNYMS-

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon