Chapter 6

173 5 0
                                    

Nakauwi na ako at lahat-lahat ay 'di ko parin magawang kalimutan ang nalaman ko kanina. Shems! Same kami ng major ni Prof. Teka nga lang. Bakit ba ako namomroblema? Eh ano naman ngayon kung pwede namin siyang maging adviser pag- 4th year namin? Mamamatay ba ako? Oo. Mamatay sa kilig. Whaaaaat? Erase erase. The heck. Hindi pwede ito. Mas mabuti pang manuod na lang ako ng anime para naman makapag-relax ako.

-

-

-

-

***

Aaargh! Hindi ako makapag-concentrate sa pinapanuod ko. Kada makakita ako ng gwapo at hot na anime guy ay na-aalala ko na naman si sir. Psh!

"Laurel! Hindi mo siya type. Hindi mo siya type. Gurang na iyon. Hindi na ata tinatayuan iyon." bulong ko sa sarili. Mukhang niloloko ko pa ang sarili ko sa mga katagang hindi na ata tinatayuan iyon. Alam na alam ko sa kaibuturan ng sarili ko na malaki, mahaba at tinatayuan pa ang gwapong gurang na iyon.

"Makapag-fb na nga lang. Iinisin ko na lang si Ace sa chat para malibang at makalimutan ko ang mga iniisip ko." pag-aalo ko sa sarili ko. Agad akong tumayo at pinatay ang tv at DVD player.

Dali-dali kong kinuha ang laptop ko at nag-online. Hinanap ko sa online friends ko si Ace. Kaso offline ang gaga kay wala akong mapag-tripan. Ganun din si Sey kaya no choice. Tinignan ko na lang ang mga notifs, messages and friend request ko. Wala naman akong nakitang interesting kaya nag-scroll down na lang ako sa newsfeed.

Habang nagscro-scroll down, ay may nahagip ang aking mga mata. SI EX-FLING MAY KASAMANG GIRL. Pinindot ko ang pic. "With the girl that I love" quote nung picture ni Aldrin kasama ang love kuno niya. Ang sweet sweet nila sa pic. Nakakasuka. Parang hindi ako kinuhit at niyayang mag-motel nung highschool. Sabi pa niya, hihintayin daw niya ako kung kelan pwede na tapos ito ang makikita ko? Sus. Hoy Guys! Hindi ako bitter ha? Na-alala ko lang. Hahaha. Hindi ko pinatulan nun si Aldrin kasi gusto ko pag-tapos ng college pa ako lalandi. Para pag nabuntis ako, eh may ipinagmamalaki na ako. Yeah nabasa mo iyon. I know in the near future, all impossible things can be possible with the help of technology. Kaya nga ECE ang course ko.

"Hoy gayshit." chat sa akin ni Ace.

"Hoy tababoy!!" reply ko naman. Maasar ka sana.

"Nag-join group ka na ba sa ECESS?" tanong niya? Himala! Hindi niya ako minura nung tinawag ko siyang tababoy.

"Huh? Anong ECESS" reply ko sakanya.

"Yung FB group ng organization ng mga ECE students. -_-"

"Wala pa. Teka. Chat you later. Mag-jojoin group muna ako."

"Sige. See you tomorrow Laurel. Expect the living hell for calling me tababoy. :)"

"Expect the unexpected. ;)" reply ko tapos inexit ang chatbox. Alam ko namang 'di na iyon mag'rereply sa sobrang inis. 'Di naman ako natatakot dun. Alam ko namang mahal niya ako kahit papano(Yuck!).

Agad kong sinearch sa search box ang group ng ECESS. Pagkakita ko, agad akong nag-join group at halos limang minuto lang ang tinagal bago ako inaccept. Niclick ko na lang iyon at napunta sa wall ng group. Nag-scroll down lang ako. After ilang minutes, ay na-bored ako. I e-exit ko na sana ng may napansin ako. Agad ko itong niclick at napunta sa wall ng taong laman ng isipan ko.

Bernardo Castillo
Add as a friend | Follow

Hindi ki alam na merong fb si sir at kasali pa talaga siya sa group ng ECESS. Kala ko pa naman tagBuks siya. Taga-bundok.

Pinindot ko lang ang kanyang profile pic at tinignan. Grabe. Ang gwapo talaga ni sir kahit may edad na. Sa picture, naka-summer attire siya. Isang hawaiian polo na nakabukas lahat ng buttones at lantad ang mainit-init pang pandesal. Six pack. Pak na pak talaga ang pandesal ni sir. Parang gusto kong pumapak. Sa pang-ibaba naman ay isang khaki shorts na kulay dirty white at bakat na bakat ang dapat bumakat. Pwedeng maging model ng brief dito si sir. Hihi.

Pagtapos kong pag-sawaan ang kanyang katawan at mukha sa naunang picture, ay niclick ko ang next. Agad lumabas sa sumunod na pic ang isang napakagandang babae na tantiya ko ay ka'edad lang ni sir. Sa sobrang ganda niya ay parang na'insecure ako kahit na hindi ako tunay na babae. Bigla akong nanlumo lalo na sa nabasa ko.

"She chose to leave me and break my heart. But I'm still loving her even though we are now annulled. I'm not giving up. I'll get you back."

Married na pala si sir. Ang kaliwang bahagi ng utak ko ay nanghihiniyang pero ang kanan ay masaya dahil annulled na pala sila. No! Hindi pwede ito. Hindi pwedeng madevelop itong nararamdaman ko. Prof ko lang siya sa isang required na subject. After nitong algebra, mawawala na itong pagkalitong ito. Tama! After nitong sem na ito, mawawala lahat ng bumabagabag sakin. Tiwala lang.

-------------------------------
Pasensya na kung nakakalito. I e-edit ko nalang pag natapos na. :)

-HNNYMS-

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon