Chapter 9

149 3 4
                                    

"Laurel. Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo?" pang-uudyok sa akin ni Sey.

"Ano ka ba Sey. 'Wag mo ng ipilit ang hindi na mangyayari. Pag ipinanganak na bakla, lalaking bakla." sabat ni Ace habang ngumunguya. Andito kasi kami sa FC. Vacant hour namin kaya si tababoy- ay este- Ace, ay nag b-breakfast dahil hindi pinakain sa kanila.

"Korekong(korek). Kaya dapat tanggapin mo na ng buo sa loob Sey na hindi na ako magiging straight." sagot ko kay Sey.

"Sayang ka daw kasi eh. Kalat na sa buong building ang paglalad-lad mo. Siguro by now, eh buong school na ang nakaka-alam sa pagkakawala ng iyong katauhan sa hawla." exag na sabi ni Sey sakin.

"Eh ano naman ngayon? Naku, ikaw talaga Sey. Nalilito na ako sa'yo ha? Ano bang gusto mong maging ako? paminta o sprite?" tanong ko sakanya.

"Ha? Sprite?" nalilitong tanong niya pabalik.

"Magpakatotoo. Tss." sagot ko na pa-irap.

"Ay ang corny. Haha." side comment nung isa.

"Corny daw pero tumawa. Hayst." pabulong kong utas pero sinigurado kong maririnig niya.

"Psh. Whatever." at pinagpatuloy ang pagkain.

"Osiya sige na. Suko na ako. Juding ka na talaga. 'Di na kita mapipigilan." buntong-hininga niyang utas.

"Hehe. Naman."

"Kelan nag simula iyan?" tanong ulit ni Sey. Naku! Andaming tanong nitong babaeng ito. Nakaka stress ng beauty.

"Simula pa nung fetus ako." diretso kong sagot.

"Weh? Yung totoo?" di makapaniwala niyang sabi.

"Kita mo 'tong babaeng ito. Nagtatanong tapos hindi nananiwala." tumatawa kong sagot. Actually hindi iyan ang reason ko. Matripan nga ito.

"Seryoso nga."

"Hmmm.. Nung panahon ng dinosaurs." sagot ko at humalagpak ng tawa. Nakisabay rin si Ace sa naging sagot ko.

"Ihhh.. Seryoso nga." nagdadabog na sabi ni Sey.

"Hmmm.. Sige na nga. Actually, hindi pa ako ganito noon. Nagsimula ata ito noong panahon na niyaya ako ni ate mag-shopping..." pagsisimula ko sa kwento ng buhay ko. Agad na lumapit sa akin si Sey at nakinig ng taimtim habang si Ace ay pinagpatuloy ang paglamon at nakikinig din. "Bili dito, bili roon. Sukat dito, sukat doon. Punta rito, punta roon. Halos hinalughog na namin ang mall sa kakabili ni ate. Kaya pala niyaya ako kasi gagawin pala akong alalay at taga-bitbit." umarte ako na parang pagod na pagod at medyo parang na-praning. "Kaya pag uwi ko non sinabi ko kay ate na.. grabe ate. ganyan pala kayong mga babae. Ang daming arte. Naku! Kung ako ang naging boyfriend mo, hihiwalayan talaga kita. Pinagod mo ako sa kakasunod sa'yo. Kawawa ang magiging bf or asawa mo dahil naging instant alalay sa pagsho-shopping mo." pagtatapos ko sa instant throwback thursday na pangyayari.

Laglag panga sila sa narinig. "Yun yung reason mo kaya ka nagka-ganyan? Laurel! Napaka-babaw. Kung love mo ang girl, titiisin mo talaga ang pagsama sakanya sa pagsho-shopping at sa pagiging alalay niya kasi ayaw mo siyang mahirapan. 'Di baleng ikaw ang magpakahirap, atleast, napasaya mo ang babaeng pinakamamahal mo." react ni Sey.

"Sensya at hindi ako ganyan kaya nagka-ganito ako. Ayaw ko sa mga babae kasi napaka arte. Gusto ko ang mga boys kasi walang abubot sa katawan." malanding utas ko.

"Haaaaaaay.. Ewan ko sa'yo Laurel. Ang kitid ng utak mo." si Sey sabay buntong hininga.

"Sabi sa'yo Sey eh. Walang kwentang makipagtalo sa bading." sabi ni Ace kay Sey sabay humagikhik. Hinampas ko nga ng panyo.

"You're so nice talaga Ace. Insulting a person in front of them." pa-irap kong sabi kay Ace

"You're welcome." sabi niya at tumayo. Tumayo na rin si Sey at nag tapon ng basura. Tameme si girl. "Tara na at baka malate pa tayo sa next class. Sa third floor pa naman tayo Sey. Hoy, Laurel. Ihahatid ka namin sa room mo."

"Char. Sige. Haha." sabi ko sabay tayo na rin. "Himala ha?"

"Siyempre. That's what friends are for ika nga nila." sabi ni Ace habang naunang lumakad. Hindi na ako nag kumento at sumunod na sa kanilang dalawa.

Hanggang second floor lang ako ngayon at 'yong dalawa third. May algebra pa kasi ako eh. Filipino kasi ang susunod na subject nila. Minor subject. Mamaya pa ang klase ko sa third at magkaklase kaming tatlo.

"Dito na lang ako girls. Wala pa naman si Prof eh. Titignan ko nalang kayo habang papunta kayo sa taas." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Ay ang gentleman naman. Hindi kami ihahatid sa taas." sarkastikong sabi ni Sey.

"Ang sabi kasi ni Ace ihahatid niyo ako kaya dito lang ako. 'Di niyo naman sinabi na ako pala dapat ang maghahatid sa inyo." sarkastiko rin ang pagsagot ko.

"Oy oy chill lang guys. 'Wag na kayong mag-away. Tara na Sey baka late na tayo. Bye Laurel." pamamaalam ni Ace sakin sabay hila kay Sey.

"Aral ang atupagin, huwag sige landi." pagpapa alala ko sa kanilang dalawa.

Hindi pa sila gaanong nakakalayo ng nakita kong papalapit na sir sa aming room. As usual, gwapo and hot parin siya sa kanyang suit and tie. Papasok na sana ako ng room ng naring ko si Ace na nagsalita..

"Good morning sir. Do you know Mr. Yee? He's in your class now in Algebra. I bet he's already waiting for your arrival outside the room sir and he is really excited. He has a huge crush on you sir. Regards daw." sabi ni Ace kay sir na nakatalikod sa aking view. "Bye sir." At dali-daling umakyat sa hagdanan. Whatda? Anong pinagsasabi ni Ace?

Nahigit ko ang aking hininga ng tumama ang kanyang mala hazelnut na mata sa aking mala-abong mga mata at ngumiti. Sa sobrang pagka-bigla ay dali-dali akong pumasok ng room at umupo habang hawak-hawak ang aking kabadong dibdib.

"Lagot ka talaga sakin mamaya Ace. Malilibing talaga kita ng buhay. Bwisit ka!"


-----------------------------------

Comment naman kayo kung kamusta ang update. :l

-HNNYMS-

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon