Chapter 5

181 3 0
                                    

"Ba't ang tagal niyo?" inis na salubong samin ni Grace sa table na ino- okupahan niya. Andito kami sa FC(food court) para kumain ng lunch.

"Sorry Ace. Medyo wala sa sarili si Laurel eh. Kailangan pa hilahin para gumalaw." hinging paumanhin ni Lindsey kay Ace.

"Tsk! Gutom na ako. Pumila na tayo. Hoy Laurel. Dito ka muna. Bantayan mo ang mga gamit. Bibili lang kami ni Sey ng makakain." tumango na lang ako sa sinabi ni Ace.

Habang naghihintay sa pila sina Ace, tumingin ako sa kabuuan ng FC. Hinahanap ko pa yung mga ibang miyembro ng barkadahan namin.

Medyo may kalakihan din ang foodcourt dito. May jollibee, KFC, greenwich at marami pang iba. Meron din nagbebenta ng ice cream. Basta andito na lahat.

"Eunice! Mae! Vann! Dito!" tawag ko sa mga kabarkada rin namin.

Agad naman sila lumapit at umupo sa mga bakanteng upuan.

"Himala at 'di kayo sa karendirya kumain." kumento ni Mae.

"Gutom na si Ace kaya dito nalang namin napagpasiyahang kumain. Alam mo na, magtatransform yun into a deadly creature pag nalipasan. Hahaha." sagot ko kay Mae.

"Hoy! Anong deadly creature? Ikaw Laurel ha? Back- stabber ka pala. Kala ko pa naman kaibigan ka namin. TRAYDOR!" pag- iinarte ni Ace. 'Di ko namalayang nakabili na pala sila ng pagkain at nakabalik na.

"'Di ako back- stabber at lalong 'di ako traydor. Masama bang mag sabi ng totoo?" ngising- aso kong utas.

"Eh gag- ooompphh" 'di na natuloy ni Ace ang sasabihin dahil sinubuan na siya ni Sey ng sandwich.

"Gutom lang yan Ace. Kumain kana." sabi ni Sey kay Ace.

"DAFAQ! Ba't mo ginawa yun Sey? Pano kung nabulunan ako at namatay?" paghi- hysterikal na Ace.

"Eh 'di ipaglalamay ka namin. LBC pa kami." utas ko sa namumulang mukha ni Ace. Tumawa lang sila Vann, Mae at Lindsey.

"Bakit ka ba nagrereklamo? Eh buhay ka pa naman?" nakangiting sabi ni Sey.

"Grrrr! Whatever!" inis na sagot ni Ace at ipinagpatuloy ang pag- lamon. Oo. Nabasa mo 'yon. LAMON.

"Sorry for interrupting your moment but what's the meaning of LBC?" tanong ni Eunice. Hindi yan foreigner ha? Mahilig lang yan mag- english. Para daw maging fluent na siya sa pang- banyagang wika.

"Lamay, biscuit, coffee." sagot ko sa tanong niya. Tumango na lang siya.

"Hi Ace." sabi ni Vann.

"Low." sagot naman ni Ace na hindi tumitingin kay Vann. Badtrip si girl. Hahaha.

Inilabas na namin ang aming mga baon at nagsimula ng kumain. Habang kumakain, nagkwe- kwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari kanina sa aming kaniya- kaniyang klase.

"Uy Sey. Kamusta ang klase niyo sa Basic Math?" tanong ni Mae habang ngumunguya.

"Mamaya pang 2:30 ang klase namin." sagot ni Sey habang may tinitipa sa cellphone.

"Ah okay. Ikaw Laurel. Kamusta ang Algebra? Nagsimula na kayo?" tanong ni Mae ulit sa akin.

"Okay lang." sagot ko.

"Eh? Bakit ang tipid ng sagot mo?" tanong ni Vann.

"Wag niyo ng tanungin iyan. Mukhang na- starstruck dun sa gwapo at hot nilang prof." pang- aasar ni Ace. I gave her a bored look. She just sticked her tongue out.

"Ano bang pangalan ng prof niyo? Si Prof. Ber-... hmmmm" putol ni Mae sa kanyang sasabihin at nag- isip ng mabuti. "Prof.. Uhmmm. Ano nga kasi pangalan nun? Nakalimutan ko. Basta kilala ko iyon. Medyo may edad na pero gwapo and hot parin. Yun ba?" tanong ni Mae.

"Oo yun na nga. Yung crush ni Laurel." sagot ni Ace.

"Hindi ko siya crush. Matanda na yun. Para ko narin siyang Lolo." matigas kong utas.

"Chill. Hahaha. Defensive much?" natatawang sabi ni Ace. If I know gusto lang niyan makabawi sa ginawa ko kanina.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nagligpit na lang ako ng aking kinainan at ganoon din ang ginawa nila. Pagtapos nun, bumili ang iba ng mai- inom. Habang hinihintay yung iba, nagsalita si Sey.

"Pagdating nila. Akyat na tayo sa CEE. Tutal wala na kayong klase at 'di pa naman din oras para sa BM namin, punta tayo sa Engineering Dean's Office."

"Ano naman gagawin natin 'dun?" tanong ko.

"Tignan nating yung bulletin board ng mga Professors sa Engineering." sagot ni Ace sa tanong ko.

"Oh ayan na pala sila. Let's go." sabi ni Sey. 'Di na ako naka- angal pa dahil lumakad na sila.

Umakyat kami sa hagdanan. Sa second floor kasi ang kuta namin mga engineering students. Third floor sa accountancy at 4th floor ay ang library. Nasa iba't ibang building ang ibang courses kung nagtataka kayo. Ang first floor naman ay ang mga labs. ME lab, EE lab, CE lab at iba pa.

Ng makarating kami sa office, agad nagtungo si Sey at Ace sa BB(bulletin board).

"Kyaaaah! Ang gwapo ni Sir Paulo dito." kinikilig na sabi ni Sey.

"Oo nga. Kyaaah!" pagsang- ayon ni Ace.

Tumingin ako sa ibang mga larawan. Grabe! Mga terror pala mga Prof sa Engg. Tss! Sana magaling sila magturo sa kabila ng nakakatakot na mukha nila tulad ni-

"Laurel. Ito yung hinahanap mo oh." sabay turo ni Ace sa isang larawan. Tinignan ko iyon.

Ang gwapo ni sir dito. Naka- uniform siya ng pang Prof at hapit na hapit sa kanyang katawan. Iisa lang ang masasabi ko, PERFECT. Mukha siyang Greek God.

Binasa ko ang mga info sa baba ng larawan niya.

Engr. Bernardo Castillo
Electronics Engineering - CU
Master Engineer (ECE) - CU

Anooo? Parehas kami ng major? Ibig sabihin makakasama namin siya sa lahat ng subject? Naku po!

----------------------------------------------------

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon