Chapter 11

146 5 0
                                    

"I really don't mind about it, Laurel. If you like me, so be it."

Natulala ako sa sinabi ni sir. He don't mind? Well, I do mind. Unang-una, Professor ko siya at estudyante niya ako. Pangalawa, Professional na siya samantalang nag-aaral pa ako. Pangatlo, matanda na siya at minor pa ako. At higit sa lahat, LALAKE SIYA AT LALAKE RIN AKO.

"S-sir? A-are you o-out of y-your mind?" kinakabahan kong tanong.

Bigla akong hinila ni sir at tinulak sa pader ng hallway. Nagulat ako sa ginawa niya. Tinignan ko ang paligid kung may nakakita or makakakita sa amin sa ganitong awkward na posisyon. Mabuti na lang wala. Thank goodness!

"No, Laurel. I'm completely in my sanity. I don't care if others misjudge you for liking a man especially your professor." bulong niya sa tenga ko. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Ang posisyon namin is nakahilig ang kaliwang kamay niya sa bandang ulohan ko tapos yung kanan naman ay nakahawak sa braso kong hinigit niya kanina. Samantalang ako nakasandal sa pader, pinagpapawisan ng malapot, hindi makahinga, kinakabahan at nanginginig na. Hindi ko malaman kung ano ang nararamdam o dapat na maramdam ko sa mga narinig. Kung makasabi si sir ng ganito parang walang asawa. Ay annulled na pala sila. Nalilito atienza na sok.

"Unang kita ko pa lang sa'yo, 'di ko na ma-explain ang naramdaman ko. Kahit 'di pwede kasi lalake tayo pareho, it felt right." wika niya sa mababang boses. "Kahit gusto ko mabawi ang asawa ko, parang umatras lahat ng plano ko dahil nakita kita sa algebra class ko." pagpapatuloy niya pa. "I know these things happened so fast right now but I just can't help it. Please like me back, coz' I already like you." bulong niya sabay himas sa braso ko na kanina ay hawak niya. Hinimas himas niya lang ito hanggang sa nagsitayuan ang balahibo ko. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata pero kinakabahan na ako. Nawewerla na sok. Yung himas niya, parang may ipinapahiwatig. Parang, pagnanasa. Waaaah! Virgin pa po ako. Kahit na medyo kinikilig na ako(Hoy! Huwag kayong manghusga! Hindi lang puro lalake at babae ang may karapatang kiligin no? Kaming mga paminta rin), hindi parin maitago ang aking pagka-ilang lalo na't unti-unting lumalapit ang ulo ni sir sa akin. Psh! Alam kong hahalikan ako ni sir. Napaka-cliché naman ng scene na ito. Wala na bang bago riyan?

Unti-unti ng lumalapit ang ulo na sir. Mga isang dangkal na lang. Ayan naaaaa! Malapit naaaaa! Konting-konti na langgggg...

*PAAAAAAK*

"Aray koooo." Napadaing ako sa sakit. May sumampal kasi sakin eh. Mukhang na-dislocate pa ata panga ko. Huhu.

"Sawakas! Nagising ka rin." Nakita ko si Ace sa gilid ko pagmulat ko ng mata.

"Ano bang ginawa ko sa'yo? Bakit ka nananampal?" Pagalit kong bulyaw sakanya.

"Eh kasi, kanina ka pa namin ginigising. Sigaw ka ng sigaw ng 'RAPE! RAPE!' pero nakanguso naman na parang may hinahalikan kaya ayun, sinampal na lang kita para magising." Parang wala lang kay Ace ang pagkalakas-lakas niyang sampal sakin kasi cool lang ito habang nagsa-salita.

"Salamat ha?" Sarkastiko kong sagot. "Walang anuman." Ngumiti siya ng nakaka-irita.

Tiningnan ko ang buong paligid. Puro puti ang wallpaper at maraming hospital beds ang andito. Napansin kong nakahiga ako at sa tingin ko eh, nasa clinic kami.

"Ano bang nangyari? Bakit ako andito? Ang naalala ko lang eh, naghahal- I mean, sabay kami ni sir na naglalakad sa hallway at papunta ng clinic. Pano ako nakarating dito? Ang sabi mo kanina tulog ako?" muntik pang madulas ang naghahalikan na scene. Buti naagapan ko. Hindi ko yata kayang ikwento sa kanila ang nangyari kanina dahil panigurado, tutuksuhin ako neto.

"Eh ang sabi ni sir, hinimatay ka daw sa hallway habang papunta kayo rito. Ang sabi ng nurse, over fatigue daw ang cause. Ano bang pinagkaka-abalahan mo at bakit ka na-over fatigue?" Eh? Kanina pa pala ako tulog? So, hindi nangyari yung kanina?

"Tinulungan ko kasi si ate mag-aral dahil exam week nila ngayon. Teka, paano niyo nalaman na andito ako?" Tanong ko sa dalawa.

"Pinuntahan kami ni sir sa 3rd floor. Sinabi niya ang nangyari sa'yo. Ang thoughtful niya kaya magpasalamat ka." Si Lindsey na ang sumagot. Wait, wait. Kung nahimatay ako kanina sa hallway habang papunta rito, ibig sabihin binuhat ako ni sir? OH EM GEE!

"Aah. Hehe. Siyempre magpapasalamat ako kay sir. Na-abala ko pa siya." Wala na akong maisagot. A part of me is happy of the thought that sir carried me all the way here habang ang kabila naman ay nanghihinayang sa kaisipang hindi nangyari ang mga nangyari kanina sa hallway. "Pano pala ako nakarating dito? May nasabi ba sa inyo si sir?"

"Hmm.. Ah, oo. Ang sabi niya, tumawag daw siya rito sa clinic para sabihing nahimatay ka. Hindi kaw raw niya kayang buhatin dahil medyo malayo sa CEE builing ang clinic, kaya ayun. Mga nurse ang nagdala sa'yo rito." Sagot ni Ace ng nakatitig sakin. Ouch! Assume pa more.

"Ah ganun ba? Sige. Magpapahinga muna ako sandali. Babawi ako ng tulog para hindi ako magka-sakit." Tumalikod na ako sa kanila at pumikit. Nawalan tuloy ako ng gana kausapin sila.

"Sige, Laurel. Tulog ka muna. Pasok na kami sa next class namin. Babalikan ka na lang namin mamayang lunch." Sabi ni Ace habang patungong pintuan. Nauna ng lumabas si Sey dahil nauuhaw.

Ng mawala na sila ay bumuntong hininga ako. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Nalilito na ako lalo na sa nangyari kanina.

'What have you done to me, sir?'

- - - - - - - - - - - -

Sorry kung nakakalito or may mga grammatical errors. First time kong gumawa ng story kaya medyo hindi pa ako bihasa sa pag-eexpress ng thoughts and ideas ko, so bear with me guys.

Vote or comment please.

-HNNYMS-

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon