Chapter 7

158 3 0
                                    

Mga bandang alas tres na ng umaga ako nakatulog. Bukod sa tinulungan ko sa Ate na mag-study, naiisip ko parin siya. Buti na lang talaga at naisipan ni Ate ang magpatulong sakin para kahit papano, ma-divert ang atensyon ko.

"Oh Laurel. Bakit ganyan mukha mo? Mukha kang zombie." tanong sakin ni Kuya pagbaba ko sa hagdanan. Tapos na akong maligo at lahat-lahat. Kakain na lang ang kulang.

"Si Ate kasi nagpa-tulong sakin kagabi na mag-study. Exam daw nila ngayon." sagot ko habang papunta sa may hapag.

"Tsk tsk. Yung Ate mo talaga. Subsob sa pag-aaral. Dinamay ka pa. Nako kung hindi lang talaga Medicine ang course ng Ate mo, hindi ko talaga ito-tolerate ang ganoong attitude."

"Okay lang naman sakin kuya. Wala rin naman akong ginawa masyado kagabi." sagot ko sakanya sabay upo. Hinihintay namin si Ate at Papa para sabay na mag almusal.

"Asan na si Blossom at ang Papa niyo?" tanong samin ni Mama na gaking sa kusina at iniligay ang dalang ulam sa aming harapan.

"Tulog pa ata si Ate, Mama. Si Papa nagbibihis pa ata." sagot ko kay mama.

"Oh sige. Kumain na kayo. Puntahan ko muna Papa niyo." sabi samin ni mama at pumunta sa taas.

Tahimik lang kami kumain ni kuya. Hindi na kasi kami masyadong close kasi palagi itong umaalis ng bahay. Sa gensan kasi siya nagtatrabaho. Isa siyang Industrial Engineer sa isang planta doon. Pag nagkikita kami, chika-chika lang sandali then 'yon na iyon.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumaba na ang mga magulang namin. Ang sweet nilang tignan. Nakahawak sa bewang ni mama si papa at kapwa nag-uusap ng masaya. Kahit ilang taon na ang lumipas, 'di parin nawawala ang kanilang pagmamahalan. Kaya medyo naniniwala ako sa forever. Hehe.

"Good morning mga anak." bati samin ni papa.

"Good morning din Pa." sagot namin ni kuya.

Nag chikahan lang kaming mag-anak sa hapag habang kumakain. Nag-tatanong lang si Papa kung kamusta ang pag-aaral ko, ang trabaho ni kuya at marami pang iba. Nang matapos kaming kumain, ay nagsalita si Papa.

"Laurel. Ihahatid kita sa school. 7:45 na kasi at baka malate ka pa sa school pag hinayaan pa kitang mag commute."

"Sige po papa. Akyat po muna ako sa taas. Kukunin ko pa po ang mga gamit ko." sagot ko.

"Oh siya sige. Dalian mo para maka iwas tayo sa traffic."

Agad akong tumakbo sa taas at kinuha ang mga gamit ko. Pagkatapos ay bumaba na ako at nag paalam kay kuya at mama at sumakay sa kotse ni papa. Habang nasa biyahe, tahimik lang kami ni papa. After 30 mins, nakarating na kami sa entrance ng aking school. Bumaba na ako at nagpaalam. Tumakbo na ako patungong entrance at pumasok. Habang naglalakad, may mga babaeng nakatingin sa akin at nagbubulungan.

"Girl, ang gwapo niya. Ano kaya ang pangalan niya at course?"

"Mukha siyang K-Popstar."

"Ang gwapo talaga niya."

"Mukhang bading."

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Ng marating ko ang aming building ay umakyat ako patungo sa ikalawang palapag. Hindi pa nga ako nakakatapak sa panghuling hagdan ng biglang may bumangga sa aking kaliwang braso.

"Ay sorr- oh. Andito pala iyong classmate natin sa Algebra. Yung natulala kay sir. Hahaha." sabi nung lalaki na bumunggo sakin sa mga alipores niya.

Hindi ko na sana sila papansinin at lalakad na lang palayo nang hinigit niya ang braso ko.

"Bading ka ba?" tanong niya sakin.

"H-hindi a-ah. Aalis na ako. Malelate na ako sa klase ko." sabi ko at hinigit ang braso ko sabay takbo. Buti nalang at hindi na nila ako hinabol pa.

Nang marating ko ang aming room, agad akong umupo at naglabas ng isang malakas na buntong-hininga.

"Oh Laurel? Bakit ka hinihingal at mukhang pagod? Tumakbo ka ba?" nagtatakang tanong ni Sey.

"Gaga. Natural tumakbo ako. Nakakapagod ba ang maglakad?" tanong ko pabalik.

"Oo. Lalo na kung paakyat ka ng hagdanan. Kulang na lang gumapang ka sa sobrang pagod." sagot nito na para bang mukha akong tanga.

"Ewan ko sa'yo." sagot ko pabalik. "May ishe'share ako."

"Anu naman 'yan? Teka. Itetext ko muna si Ace at papapuntahin dito para isahan na lang. Sigurado akong wala din yung prof nila ngayon." sabi ni Sey at nagsimulang magtext.
Makalipas ang isang minuto ay dumating si Ace.

"Oh anong chika?" sabi nito na mukhang excited. Basta talaga chika mabilis ito.

"Uhmm.. Kanina, habang papunta ako dito, may nakabangga sa aking lalaki, at ......" at chinika ko na sa kanila ang lahat ng detalye sa nangyari kanina.

"Eh g*go pala siya. Ano naman ngayon kung bakla ka?" matigas na utas ni Ace pero pabulong. "Ituro mo nga 'yan sakin para maturuan ng leksyon."

"Chill lang Ace. Ang dugo. Baka ma altapresyon ka niyan." natatawang utas ni Sey.

"Paano ako magchi-chill kung may naagrabyado tayong kaibigan? Humanda talaga sakin iyon."

"Hay nako. Ikaw talaga Ace. Oh, ikaw naman Laurel. Pabayaan mo kung ano ang sabihin nila. Kung bading ka, huwag mong itago. Dapat proud ka. Hayaan mong i misjudge ka nila. Hindi ka naman mawawalan." pang aadvice ni Sey sakin.

"Eh paano kung pagtawanan ako? Laitin? I discriminate?"

"Laurel. Kung saan ka masaya, doon ka. Sabi nga sa kanta ng siakol, At kahit na ano pa ang gusto mo basta wala ka lang tinatapakan na tao, ituloy mo lang ito. Ang mahalaga ikaw ay masaya, huwag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Sila ang may problema." biglang sabat ni Ace habang kumakanta na may kasama pang head bang na animo'y nasa isang rock concert.

Napaisip ako sa mga sinabi ng dalawa kong kaibigan. Tama sila. Dapat hindi ko ikahiya ang sarili ko. Simula bukas, magbabago na ako. Tatanggapin ko na ang sarili ko. Bianca sokems*.

- - - - - - - - - - - - - -

*Bianca sokems - maganda ako/ maganda kaya ako.

Narinig ko lang yan sa isang kaibigan ko. Hehe.

-HNNYMS-

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon