Chapter 8

146 3 0
                                    

Sa lahat ng narinig kong pag-suporta galing sa dalawa kong mabubuting kaibigan, napagpasyahan kong magpakatotoo na sa sarili. Isisigaw ko na sa buong mundo na isa akong maya, MAYABADING. Wala siguro akong magiging problem kung malalaman ng pamilya ko at kamag-anak kung lumadlad na akong tuluyan dahil sa masyado ng halata. Boses pa lang, juding na pakinggan. Pero 'di naman sila nagtatanong. Alam ko at ramdam ko na tatanggapin nila ako. Sa outside world naman, minsan dinedeny ko pa ang tunay kong katauhan. Takot ko lang na baka discriminate ako, perahan ng mga lalake dahil sa isa akong pusong babae, pagsalitaan ng masasama at kung ano-ano pa. Kaya sa mga malalapit na kaibigan ko lang pinapakita kung ano talaga ako. Pero ngayon, iba na. Hindi na ako magtatago sa ilalim ng brief ko at lalabas na ng naka-panty. Ibabandera ko na ang watawat ng LGBT!

"Oh Laurel. May nagbago ata sa'yo ah." pangbungad agad sakin ni Sey kinabukasan. Nagkaroon kasi ng urgent meeting ang mga prof kahapon kaya maaga kaming na-dismiss at umuwi. Hindi ko rin nakita si Sir. So sad.

"Buti naman nahalata mo." ngumiti ako sakanya ng matamis. Andito kami sa room ng first subject of the day nami, which is English.

"Yeah nahalata ko nga, pero 'di ko naman matukoy kung ano. Magpaliwanag ka nga." sagot ni Sey habang kinikilatis ang bawat galaw ko.

"Napag-isipan ko lahat ng sinabi niyo sakin kahapon. Kaya eto, lumadlad na sok. 'Di na ako maghahayden kho sa tunay kong pagkatao." malandi kong utas.

"Watda? Ibig sabihin, mag g-gay lingo ka na rin? Mag co-cross dressed? Magpapataas ng buhok? Maghahanap ng boylet?" 'di makapaniwala niyang tanong.

"Hmm.. Gay lingo? Minsanan lang. Cross dressing? NO WAY! At bawal kaya iyon dito. Magpapataas ng buhok? No need. May wig na ako sa bahay. You know, cosplayer. And maghahanap ng boylet? After college na." ngingiti kong utas.

Sinapak ako ni Sey ng libro sa ulo. "Grabe. Mali ata pagkaka-intindi mo sa advices namin ni Ace. Ang sabi namin, tanggapin ang sarili hindi baguhin. Nako, kung andito lang si Ace masasapak ka nun. Left and right."

"Aray naman. Sa gusto kong magbago bawal ba? Inggit ka lang kasi mas maganda ako sa'yo pag naging babae ako. Lilipat sakin lahat ng admirer mo." pa-irap kong sagot sa kanya.

"Whatever Laurel. Kahit mas maganda ka sakin, kung wala ka naman p*ke eh wala parin." at tumawa siya ng malakas.

"Aanhin ko iyang p*ke mo kung mabantot?" ako naman ang tumawa ng malakas.

"Ang bad mo." pa-nguso niyang sagot. "Pero sana Laurel, hindi ka tuluyang magbago. Gagawin ka pa naming lalake eh. Sayang ka kasi."

Tignan mo nga itong babaeng ito. Kahapon, ang sabi niya maging ako daw. Tanggapin kung ano ako. Tapos ngayon gusto akong baguhin at gawing tunay na hombre? Hay nako. Sumasakit ang ulo ko sakanilang dalawa ni Ace.

"Ikaw ha? Sabi mo sakin kahapon, 'wag kong pansinin ang mga pinagsasabi nila pag lumadlad ako, ngayon naman gusto mo akong gawing lalaki. Pinagnanasahan mo ba ako? Hoy 'di tayo talo! Lalake gusto ko!" sabi ko sabay yakap sa katawan ko

"A-ano? Ang kapal mo ha! Hindi ako tumatalo ng kaibigan lalo na kung bading!" pasigaw niyang utas.

"Edi wow!" tumatawa kong sagot. Hooo! Buti nalang.

"Uy. Andyan na si Sir. Balik na ako sa upuan." pagpapa-alam niya sakin. Tumango lang ako at umupo ng tuwid.

Buong klase ay nakinig lang ako sa itinuturo ng Prof namin sa English. Hindi naman masyadong mahirap ang subject na ito kasi parang review lang ng mga English lessons nung elementary at highschool. Nag pa-quiz lang si Sir para malaman niya kung na iintindihan ba raw namin ang tinuturo niya. Pagtapos nun, ay pinalabas na kami. Una akong lumabas kesa kay Sey dahil hindi pa siya tapos. Paglabas ko, nakita ko si Ace na naghihintay samin. Wala siguro itong Prof.

"Oy Ace. Wala kayong prof?" tanong ko rito

"Obvious naman diba?" pa-irap niyang sagot. "Teka. May nagbago sa'yo."

"Nahalata mo rin pala Ace." biglang sabat ni Sey na kakalabas lang galing sa room.

"Sino bang hindi makakahalata eh before mukhang bading, ngayon, nagmukhang matronang bading. Ladlad ka na talaga?" panlalait ni Ace sakin.

"Oo Ace. 'Di talaga ako makapaniwalang tinanggap niya ang advice natin kahapon at namis-interpret." sagot ni Sey at napasapo sa kanyang noo. Edi ikaw na Sey. Ako iyong tinanong, ikaw sumagot. Psh!

"Huh? Namis-interpret?" nagtatakang tanong ni Ace kay Sey at binalingan ako ng tingin.

"Eh kasi naman, sabi niya kanina, magbabago na daw siya. Mag g-gay lingo tapos maghahanap ng boylet pagtapos ng college! Diba ang gusto nating ipa-intindi sa kanya ay tanggapin ang sarili at tunay na katauhan niya? Hindi iyong magbago siya!" histerikal niyang sabi kay Ace.

"Ano namang mali dun?" tanong ni Ace kay Sey. Napatingin ako kay Ace. Medyo naging masaya ako sa naging sagot niya.

"Pero diba gusto natin siyang gawing isang tunay na lalake?" nalilitong tanong ni Sey kay Ace. Huh? May plano pala silang gawin akong tunay na hombre. Hindi ko man lang alam. Para akong tinraydor at tinusok ng isang mahabang punyal sa puso sa mga narinig ko. Pero joke lang iyon. Hehe. Hindi ko na didibdibin lalo na't wala akong dibdib at gusto lang nila ang nakakabuti para sakin.

"Kalimutan na natin yun Sey. Dito masaya si Laurel eh kaya suportahan nalang natin." sabi ni Ace na nakangiti at nakatingin sa akin. Hindi ko inaasahan ang naging sagot niya. Kala ko pa naman ipu-push niya.

"Sabagay." pagsuko ni Sey.

"Aaawe! Na'touch ako. Group hug nga." sabay hablot sa dalawa at niyakap. Hinding-hindi ako magsisi na naging kaibigan ko itong dalawang ito dahil tinanggap nila kung sino talaga ako.

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon