Chapter 13

127 2 0
                                    

Simula nung nangyari kanina, ay high na high na ang aura ni Ace. Parang nakahithit ng sampung pakete ng shabu at marijuana dahil ngingiti. Minsan naman bumubungisngis. Iyan na ba ang epekto ng love sa kanya?

"Hoy! Kanina ka pa bumubungisngis jan. Naka droga ka ba?" Naiirita kong tanong sa kanya. Kanina pa ako naririndi sa boses niya na parang ipis.

"Grabe ka. Pwede bang inspired muna bago adik?" At nagsmirk pa ang bruha. "Kumain ka na nga lang diyan."

Nandito lang naman kami sa tambayan ng bayan, ang FOOD COURT. Dito kami nagkikita-kita ng mga barkada namin tuwing vacant hour or lunch time. Sa ngayon, kaming tatlo lang ang nandito dahil may klase pa ang iba. Hindi kami same ng schedule dahil nauna silang nagpa enroll.

"Oh Sey. Kanina ko pa napapansin na mukhang matamlay ka? Kahit ngingiti ka kanina ay kita parin ang gloomy mong aura. Ano bang nangyari?" Tanong ko kay Sey ng mapansin kong tahimik lang siya.

"W-wala ito L-laurel." At yumuko.

"Hoy Ace. Kausapin mo nga 'tong bestfriend mo. May problema ata." Pang-iistorbo ko sa kanyang daydreaming at nginuso ang nakayukong si Sey. Natauhan naman ito at kinausap si Sey.

"Hey, Sey. What's the prob?" Pag i-english ni Ace.

"S-si Andre k-kasi..." Tamo tong babaeng 'to. Pag ako nagtanong hindi aamin. Pag si Ace isang tanong lang, sagot agad. Hay naku. Mukha ba talaga akong hindi katiwa-tiwala?

"Ouch! Nasaktan talaga ako Sey. Buti pa si Ace, inamin mo kaagad na may problema ka. Kailangan ko pa bang lumuhod sa harapan mo para sabihin mo lang ang problema mo?" At inirapan siya. Oh-kay. Ako na ang exag.

"Hindi naman sa ganun, L-laurel. N-nahihiya k-kasi ako sa'yo. L-lalake ka parin kahit na b-bakla ka. B-baka pagtawanan m-mo l-lang ako p-pagsinabi k-kong l-lalake a-ang p-problema k-ko." Nakayuko niyang wika. Ngayon pa nahiya ang gaga eh halos 6 months na kaming nagsasama.

"Bakit ka naman mahihiya sa akin? Ang kapal nga ng mukha mo." Pagpapatawa ko dito. "Dapat 'di ka mahiya sakin magsabi ng problema mo Sey. Kaibigan mo rin ako. Maasahan mo kahit saan wag lang sa kagipitan." Tumawa lang silang dalawa sa sinabi ko.

"Ang kuripot mo talaga kahit na mayaman ka. Hindi mo naman madadala sa langit ang pera." Pang-aasar ni Ace sakin.

"My money is for emergency use only. Atsaka kung palagi ko kayong ililibre baka abusuhin niyo ang kabaitan ko." Tinaasan ko siya ng kilay. Kung sa walang kwentang bagay lang pala magagastos ang aking pera, eh wag na lang. Hindi man halata sa aking mukha, ay meron akong ginintuang puso. Takte! Ang lalim.

"Eh 'di ikaw na." Sagot ni Ace sakin. "Balik tayo sa'yo Sey. Ano bang problema mo dun sa asungot na iyon?" Baling niyang tanong kay Sey.

Nagbuntong-hininga muna si Sey bago sumagot. "Eh kasi, pumunta kahapon si Andre sa kanilang probinsya. Hindi siya nagpaalam sakin." Malungkot niyang wika.

"Eh ano naman problema doon?" Nalilitong tanong ni Ace. Akala ko pa naman malaki talaga ang problema ng babaeng ito. Imbes na sumabat sa kanilang dalawa ay nakinig na lang ako.

"Sabi niya sa akin, unexpected lang daw ang pagpunta niya roon. Nagkita raw sila ng pinsang buo niya dito at niyaya siyang umuwi sa probinsya. Tapos ang sabi pa niya, perfect timing na rin daw ang pag uwi niya para makipag-hiwalay na sa kanyang girlfriend." Malungkot parin siya. Diba dapat masaya siya? Eh malapit ng mangyari ang pinaka-aasam niya.

"Oh bakit ka malungkot? Diba dapat mag-bunyi ka dahil halos 7 months ka nagmukhang kabit?" Tanong ni Ace ulit kay Sey. Ang tabas talaga ng dila nitong tababoy na 'to. Tsk!

"Eh iyon na nga eh!" Medyo napataas ang boses ni Sey. Nainsulto ata. "Imbes maging masaya ako, eh hindi. Nakita ko lang naman ang mga tagged photos ni Andre sa fb na kasama ang gf niya at mukhang masaya pa sila sa paglalangoy sa pool. Ang sabi pa niya reunion lang daw iyon. At ako naman naniwala." Yumuko ito. Alam kong hindi ito umiiyak dahil hindi yumuyugyog ang balikat nito. "Tapos kaninang umaga, tinanong ko siya kung nakipag-hiwalay na ba siya sa gf niya.." Pagpapatuloy niya. "..ang sabi niya hindi raw siya makahanap ng tiyempo dahil andun din daw ang mga pinsan ng babae. Malapit kasi siya sa mga kamag-anak nito kay nahirapan raw siya." Pagtatapos nito sa kwento.

"T*ng *na niya!" Pagmumura ni Ace. Ang laki talaga ng galit ng babaeng ito kay Andre. San kaya ito humuhugot ng galit? "Kung mahal ka talaga niya, dapat matagal na niyang hiniwalayan iyon. Dapat matagal na siyang nakahanap ng tamang tiyempo. Naku Sey. Baka pinapaikot ka lang nun." Litanya ni Ace.

"Di ko na alam ang gagawin ko Ace."

"Mahal mo ba siya?" Tanong uli ni Ace. Masaya pa lang makinig sa usapan ng mga babae. Hihi.

"Oo Ace. Pero hindi kasing grabe tulad ng kay Edrianne." Malungkot na wika ni Sey.

"Mag-move on ka na lang Sey. Kalimutan mo na ang g*gong iyon. Ganyan naman talaga ang mga lalake eh, masarap magmahal sa una pero pag nagsawa na, ang sarap magmura. Lolokohin ka lang at bibigyan ng mga acheche lines. Papaisipin ka na forever na talaga kayo, pero wala talagang forever kaya natutuloy sa hiwalayan. Ang sarap talaga nilang sapakin, lalo na ang isang LALAKE DIYAN." Pinaparinggan ata ako nito. Hindi kaya ako tulad nung Andre na iyon. Nasaktan lang ng isang lalake ang babae damay na lahat ng lalake sa world. Pati ata mga bading nasali na rin. Wanted na rin ba ang aking mga kafederasyon?

-----------------------------------------------------

Sorry late update.

-HNNYMS-

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon