Chapter 10

143 3 2
                                    

Kinakabahan na ako rito sa aking upuan. Any minute now ay darating na si sir. Andito pa naman ako sa harapan. Baka ipahiya ako ni sir sa buong klase. Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi ng tababoy na iyon. Grrr! Malilintikan iyon sakin mamaya.

"Huy Laurel. Namumutla ka ata at balisa." sundot ni Glaiza sa aking tagiliran. Nagulat ako sakanya. Bakit ngayon lang siya pumasok eh nung monday pa ang simula ng pasukan?

"Kailangan ba manggulat Glaiza? Bakit ngayon ka lang pumasok?" inis kong tanong sakanya. Kaklase ko noong highschool si Glaiza. Nagulat na lang ako nung first sem na dito rin siya mag-aaral. Engineering student rin siya kaso Civil ang major. Gulat na gulat rin ako ngayon dahil hindi ko inaasahang magkaklase kami sa Algebra.

"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Laurel kaya 'wag kang tatanong pabalik." masungit niyang utas.

"A-ah e-h.. W-wala i-ito. N-nilalamig lang." paiwas kong sagot. Alangan namang aminin ko na kinakabahan ako sa pagdating ng prof namin sa Algebra. Paulanin din ako ng tukso tulad na lang nung highschool. Nalaman niya kasi na may something sa amin ni Aldrin. Ayun. Binagyo ako ng tukso sa buong school year.

"May sakit ka ba? Punta ka na lang kayang clinic?" nag a-alala niyang tanong.

"Wala ito. Don't mind me." Wait! Magandang ideya ang pagpunta ng clinic ah? Para maiwasan ko ang ano mang sabihin ni sir tungkol sa nangyari kanina. "Sige na nga. Hindi ko na kaya. Mabigat talaga pakiramdam ko." pagdadrama ko para maniwala si Glaiza. Tumango lang si Glaiza bilang pagsang-ayon. Akmang tatayo na ako at lalabas ng pumasok si sir. Teka! Kanina pa dapat siya pumasok ah?

"Oh Mr. Yee. Where are you going?" nakangiting tanong ni Prof. Bernardo sakin. Hindi ako agad nakasagot dahil na-starstruck ako sa kanyang ngiti. Deyum. Hindi pwede ito. Bakla lang ako. Dapat hindi ako magka-gusto sa kapwa ko lalake!

"Kaya naman pala may sakit. Na-love sick." bulong ni Glaiza habang tumatawa sa kanyang upuan. Shet! Nahalata ba niya?

"A-ah s-sir. P-pwede po b-bang p-pumunta ng c-clinic? M-medyo mabigat y-yung pakiramdam k-ko." kabado kong sagot kay sir. Sana hindi niya mapansin ang pag-iwas ko sakanya.

"Is that so? Samahan na muna kita sa clinic. Dun rin punta ko ngayon. Sandali lang" sabi ni sir at pumunta sa harapan.

"Sir. Bakit mo siya sasamahan? Eh kalalaking tao. Hindi ba niya kaya pumunta sa clinic ng mag-isa?" sigaw ng isang babae sa may likurang bahagi ng silid. Ngayon ko lang napansin na tahimik ang buong room. Narinig ata nila yung pag-uusap namin ni sir. Naku! Baka i-bully na naman ako nung mga lalaki tulad nung isang araw.

"May inutos kasi si Dean sa akin. Saktong pupunta si Mr. Yee sa clinic na kung saan pinapunta ako ni dean kaya sasamahan ko na muna siya. By the way, answer your workbooks on page 34-45. 1 whole sheet of paper. To be pass before the bell rings. Ibigay niyo na lang sa ating chairman of the board. Clear?" tanong ni sir sa kanila.

"Yes sir!"

"Let's go Mr. Yee." sabi ni sir at na unang lumabas. Haist! Akala ko pa naman sasamahan niya ako kasi nag-aalala siya sa akin. Yun pala may inutos lang si dean sakanya. Ang assuming ko talaga. Bumuntong hininga muna ako bago siya sinundan.

Hindi pa ako nakakalabas sa pinto ng narinig ko si Glaiza na nagsalita. "Kwentuhan mo ako next time, bakla." sabay kindat. Hindi ko na lang siya pinansin at sumunod na kay sir.

Nakita ko siyang hinihintay ako sa hallway. Lumapit ako sakanya at sabay kaming naglakad papuntang clinic. Binabagtas namin ang kahabaan ng corridors ng tahimik dahil nagka-klase ang ibang section. Awkward talaga ang atmosphere naming dalawa dahil sa nangyari kanina.

"Awkward ba na makasama ako Mr. Yee?" nagulat ako ng tinanong ako ni sir. Nababasa ba niya ang nasa isip ko?

"Hindi ako nakakabasa ng isip, Mr. Yee. Halata lang sa naging reaksyon mo." ngiting wika ni sir ng mapansin ang hindi ko pagsagot. Naglalakad parin patungong clinic.

"A-ah hindi naman s-sir." nai-ilang kong sagot.

"Kung gayun naman, bakit ang layo mo?" napatingin ako kay sir. Tama siya. Ilang metro ang layo ko kay sir. Baka kasi biglang ma amin ko sa sarili ko at sa kanya na crush ko na siya. Kaya lumayo na lang ako. Huhu.

"Kung iniisip mo yung pagsusumbong ng kaibigan mo sa akin kanina tungkol sa pagkakagusto mo sa akin, wala lang iyon. Alam ko naman napagtripan ka nun eh. Halata sa inaasta niya. Pero kung sakali man na totoo, okay lang din sakin. Atleast, hindi lang pala sa babae malakas ang sex appeal ko, pati na rin pala sa lalake." at bahagyang tumawa si sir. Nagulat ako sa naging sagot niya.

"Ah sir. Hindi po talaga totoo iyon. Naghihiganti lang yung kaibigan ko kasi napagtripan ko po kanina eh. Sorry sir kasi ikaw pa yung nadamay." paghingi ko ng paumanhin sakanya.

Nabigla ako ng hawakan ni sir ang aking kamay sa hallway. May kung anong kiliti sa aking bandang tiyan ng tinitigan ako ni sir sa mata. Hindi ko mabasa ang mga ekspresyon sa kanyang mga mata dahil na rin sa pagka balisa ko na baka may makakita. Bahagya pa akong nagulat ng narinig ko siyang magsalita sa isang mababa pero lalaking-lalaki na boses.

"I really don't mind about it, Laurel. If you like me, so be it."

My Prof in Algebra (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon