ZUO HANG
"HINGANG malalim Wendy, okay? hingang malalim.." Tumango-tango siya saakin at gaya ng sabi ko ay humugot siya ng hininga. Sumabay rin ako sa pag-iinhale. "Inhale.. Exhale."
Hindi ko maiwasang kabahan. Kanina pa kami dito sa hospital pero hindi parin nakakapanganak si Wendy. Pano ba naman kasi? Chinese New Year kaya karamihang doktor nasa bakasyon. Naisakto rin na maraming nanay ngayon ang manganganak. In short, pila pila.
Nanlaki ang mata ko nang magbukas ang pinto para sa room ng panganakan.
"Dok, kami na po yung sunod" agad kong sunggab bago pa ako maunahan.
"Sorry sir pero meron pa tayong pila." aniya at nagreact naman ng 'oo nga!' yung mga tao.
"Pero yung asawa ko manganganak na! Triplets ho yung anak ko, triplets! Tingin nyo kakayanin niya yon sa bagal nyong gumalaw?" Hindi ko napigilang magsalita ng masama. Lalo akong nainis nung abala pa sila kakatingin sa mga hawak-hawak nilang papel imbes na sa pasyente. Punitin ko eh.
"Zuo Hang!" dali-dali akong lumapit kay Wendy nung tawagin nya ako. Kitang kita na namimilipit na siya sa sakit. Mag-isip ka Hang! Hindi pwedeng maghintay nalang kayo dito buong oras!
Isang nurse ang biglang dumaan at lalagpasan na sana kami nang bigla ko itong hawakan ng mahigpit sa braso. Wala na akong pakialam kung doktor siya o hindi.
"Nagmamakaawa ako"
.....
"Ire pa po!"
Malakas na sumigaw si Wendy at ipinagpatuloy ang pag-ire. Parang kahit ako ay mapapasigaw na rin sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko. Konti nalang mababali na ata ang mga buto ko sa daliri. Pero alam kong walang wala to sa nararamdaman ngayon ni Wendy.
Narito kami ngayon sa isang lugar na hindi ko malaman kung ano. Wala ni isang bintana o kaya'y simpleng higaan manlang sana. Punuan rin kasi lahat ng kwarto, literal raw na walang bakante kaya dinala kami rito ng nurse. Nakahiga lang ngayon si Wendy sa sahig. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa araw ng pagsisilang nya.
Halos limampung minuto ang lumipas at sa wakas ay nailabas ang pangatlo kong anak. Lahat sila ay sari-sariling iyak. Yung una hindi naman masyadong malakas ang iyak, yung pangalawa ay hindi matigil sa kakasipa, at yung panghuli, siya talaga yung may pinakamalakas na iyak sa lahat.
Hindi ko rin mapigilan ang sarili kong maluha. Hindi ko alam kung sino sa tatlong lalaki kong anak ang una kong hahawakan.
"Eto si Zachary," turo ko sa mahina yung iyak. "tapos eto si Zylester." saad ko at itinuro naman yung may pinakamalakas na iyak. Hinayaan kong si Wendy yung magpangalan sa isang hindi matigil kakasipa ng paa, total pareho naman silang mahilig manipa.
"Harper. His name is Harper." ani Wendy habang nakatagilid ng tingin sa tatlo niyang anak na nasa kanyang gilid.
"Sir, dadalhin ko lang po siya sa intensive care unit para malinisan at madamitan." ani ng nurse at saka binuhat si Harper.
"Teka, yung dalawang- hoy teka!" Nagulat ako nang dali-daling tumakbo yung nurse papalabas ng pinto. Hindi ako nag-alinlangang sumunod, lalo pa at dinig na dinig kong mas lumakas yung iyak ni Harper na tila nasasaktan.
Hindi kami natigil kakaakyat sa mga hagdanan at kakatakbo sa hallway. Gaano ba kalaki ang ospital na to? Biglang naharangan yung harapan ko ng mga katawang nasa stretcher, mga wala ng buhay. Halos itulak ko lahat ng taong nasa daan hanggang sa lalo pa silang dumami ng dumami na akala mo may fiesta. Walang tigil rin ako kakasigaw lalo na sa mga guwardiyang nakatayo at saka itinuro iyong nurse.
At umabot na nga sa puntong kinatatakutan ko. Hindi ko na mahanap yung nurse, kasama ang anak ko.
BINABASA MO ANG
The Heir - Stay ll
Fanfiction-STAY PART TWO- More than a decade since the Yao family vanished from the story. But that doesn't mean they're tired finding their own happy ending. Will the heirs be able to stop them? Date ended: June 15, 2022