"Walang kwenta." sambit ni Carol nang umalis si Kaycee para makita ang totoo niyang anak. Agad ring nawala sakanyang paningin si Crystal sa takot na may magawa pa siya rito.Ngumiti na lamang siya na tila walang nangyari. Hinarap niya ang apat na tao na siyang 'hostage' nya sa ngayon. Isa-isa niya silang tiningnan, iniisip na tila isang laro, kung anong klaseng pagtotormenta ang maari niyang gawin sakanila.
"This'll do. Total, kayo lang naman ang pakay ko rito. Except for you though," turo niya kay Deng. Ramdam parin ang inis dahil sa pangingialam nito tungkol sa totoong anak ni Kaycee. "Mabubuhay ka pa sana mamaya kung hindi ka lang sumasali. Anyways, since doctor ka, I could still put you to use." aniya at ipinatawag ang guard para ilipat si Deng sa ibang lugar.
Pinanood nila ang paglapit ng dalawang guards at marahas na hinila patayo si Deng saka inilabas.
"Now, now..." Pinagkrus ni Carol ang kamay saka pinalibutan ang tatlo. Wala silang kahit anong posas sa kamay o paa, pero alam nilang walang silbi ang manlaban dahil masyadong marami ang Dragons na siya ngayong pumoprotekta sa kanya.
"Wala akong naalalang may nagawa kami sayong masama." ani Li Fei, mas iniisip ngayon ang tungkol sa nangyayaring concert sa kasalukuyan.
"Well actually, ikaw nga ang pulot dulo kung bakit ko to ginagawa." Nanggagalaiting sabi ni Carol at saka nilapitan ang matanda. "Gu Shinzhu. Pamilyar ba sayo ang pangalang yon?"
Hindi siya sinagot ni Li Fei, sa halip ay binigyan lamang ng nagtatakang tingin. Lalong lumalim ang galit sa dibdib ni Carol. Tila ganon kababa ang tingin ng matanda sakanyang kuya at ni hindi nito naalala ang lahat.
Pagkatapos nitong sumikat ay hindi niya na alam kung paano bumalik sa nakaraan."Bago pa maging sayo ang SDFJ, isa kang CEO sa isang mas maliit na kompanya. Naalala mo yon, hindi ba?"
"I don't want to remember it."
"Talagang hindi. Dahil wala kang konsensya. Malaki ang kasanalan mo. Malaking malaki. You, Li Fei and Yao, because of your unending growth of ego, bumagsak ang maliit niyong entertainment."
"It was an accident. I have nothing to do with it." sagot naman ni Yao.
"Manahimik ka!" Bumabalik sa alaala ni Carol ang lahat habang tinitingnan ang dalawa. "Alam mo Yao. Alam mo na babagsak ang building pero anong ginawa mo? Nanahimik ka! Wala kang ginawa!" -Hingal niyang sabi.- "At ikaw, Li Fei. Ikaw ang nagpilit na magfilm ng MV ang mga artista mo sa lubak at lumang gusali. Total isa lang naman ang habol mo diba? Pera."
"That's not true."
"IT IS TRUE! Ang kuya ko, at maging ako na gusto lang sumuporta sakanya bago ang insidente, napahamak dahil sayo!" Nag-aapoy galit na saad ng babae. Subalit tila sanay na sanay na ito, at nagawa parin niyang ngumiti sakabila ng kahabag-habag na kwento. "Ngayon, hulaan mo kung anong nangyari sa kapatid ko pagkatapos bumagsak ng gusali."
Hindi pa man nakapagsalita si Li Fei ay nagulat ang lahat, maski si Wendy sa sunod na ginawa ni Carol. Tumalsik sakanyang pader ang dugo pagkatapos nitong barilin ang ulo mismo ng matanda. "Reveal the answer? Edi namatay." Sinundan niya iyon ng malakas na tawa.
Hindi lubos makapagsalita si Yao sa nasaksihan. Ang isang taong naging matalik niyang kaibigan at karibal, nemesis, ngayon ay duguan at malamig ang katawan nang nakahilata sa sahig. Sa halip na tuwa ang maramdaman, ay pagkasakit sa dibdib ang kanyang naramdaman.
Nanlalaki rin ang mata ni Wendy pagkatapos ng nangyari. "How...how dare you!" Sinubukan niyang tumayo ngunit umalma ang kanyang sugat sa tyan kayat napabagsak siya sa sahig. Naramdaman niyang siya naman ang nilapitan ngayon ng babae. May kakayahan mang lumaban si Wendy, ang sugat sa tyan ang ngayo'y pumipigil sakanya. Gaano man katapang, nakaramdam si Wendy ng takot habang dinig ang yabag ni Carol.
BINABASA MO ANG
The Heir - Stay ll
Fanfiction-STAY PART TWO- More than a decade since the Yao family vanished from the story. But that doesn't mean they're tired finding their own happy ending. Will the heirs be able to stop them? Date ended: June 15, 2022