Chapter 10: the nanny

14 3 0
                                    


ZUO HANG

Pinanood ko si Wendy na buhat-buhat ngayon si Eri. Hindi ako makapaniwalang nandito na ulit siya kasama namin. Kahit kailan talaga binabalak niya akong atakihin sa puso. Hindi siya nagpapaalam na uuwi para makapanggulat.

Bawat isa saamin ay naupo na sa palibot ng lamesa. Akalain mo nga naman at puro paborito namin ang nakasalang sa hapag. Noon kasi ay puro
karne ang inuuwi ni Zyle kaya karne ang naaabutan ko sa mesa.

Gaya ng dati, nag-agawan na naman ang kambal sa ulam na buttered chicken. Kahit sabihin nating tahimik at maayos magisip si Zac ay hindi parin nito mahandle ng maayos ang kapatid.

"Mom, have you ever heard about the Yaos before?" tanong bigla ni Zyle na ikinagulat naming dalawa ni Wendy.
Pareho kaming nagkatitigan.

"No, why? What made you curious about them?" pagsisinungaling ni Wendy.

"Nothing, I just heard the name Yao Mitch before. Years ago pa, actually. Ngayon ko lang kasi naalala."

"From what I know, Yao Mitch is a girl trainee before. Then she suddenly disappeared and no one knows where she is." singit ng panganay.

"Zac, stop reading idol blogs that has something to do with the past."

"Why not? I think their interesting."

"Zachary." Naroon na ang pagbabanta ni Wendy. Napatikom nalang si Zac. Kahit ako ay hindi manlang magawang magsalita. Ayokong magkamali sa mga maari kong masabi. Mahirap na.

"How about you dad? Have you ever heard about Yao Mitch?"

Oo. Yung babaeng pinanggigilan ng nanay niyo kaya napaderetso sa ospital.

Hindi ako nakasagot. Ang ayoko sa lahat ay ang pagsisinungaling sa mga anak ko. Naramdaman ko ang tingin sakin ni Wendy.

"No, I haven't" maikli kong sagot at sinakmal na lamang ang pagkain ko.

"Momma, wee-wee" Pagpapaalam ni Eri sa nanay niya. Natutuwa naman siyang tumayo at saka binuhat ito papunta sa CR. Mukhang namiss niya talagang alagaan si Eri.

"I think you know something, dad. I saw your yearbook last 2021. It says that classmate mo si Yao Mitch and even si Shushu Zhang Ji na ngayon ay bigla ring nawala. Isn't that mysterious?"

Bumuntong hininga ako. Si Zac yung tipo ng batang kapag tinanong ka, aasahan mong alam niya na ang sagot at sinusubok ka lang kung magsisinungaling ka o hindi.

"It seems like your spending more of your time about other things. How about your studies? Your training?" pag-iiba ko sa usapan. Natahimik siya at saka dahan-dahang napayuko. Hindi ko alam kung bakit.

"Daddy! Daddy, help!" biglang sigaw ni Eri mula sa CR na ikinamilog ng mata ko. Agad akong tumayo at saka dumeretso sa kinaroroonan nila.

"Eri? Eri anong nangyari?" mabilis kong sabi at saka paulit-ulit na kinatok ang pinto.

"No, nothing happened! Go back to your food!" sigaw naman ni Wendy kaya lalo akong napakunot.

"Blood daddy, there's blood! Oh no, mommy's in danger!"

"Blood? Dugo? Wendy ano ba kasing nangyayari?"

"Shh, Eri. I'm okay" dinig kong saad ni Wendy sa loob.

"No you're not okay. Kuya Zac said blood is there when you're hurt!"

"Car is parked outside the house! Eri open the door so we can bring mommy to the hospital!" bulyaw naman ni Zyle na ngayon ay mukhang napapraning na rin gaya ko.

"Zac, ano pang ginagawa mo? Go prepare the car na!" baling niya sa kuya niya na ngayon ay kalmado lang ang postura.

"It's menstrual blood. There's nothing to worry about."

"Mens- what?"

"Didn't you listen to your teacher when you were grade five?"

"Yung pinag-aralan nga namin kahapon di ko maalala, nung grade five pa kaya?"

Unti-unting bumalik sa utak ko yung mga nangyari noon. Ganitong ganito rin yung nangyari. May nakita akong dugo tapos...

Tsk. History repeats itself nga naman.

"Napkin! We need napkin!"

"Napkin?" tumakbo si Zyle papunta sa kusina at saka nagmamadaling bumalik. "Here! Here's the napkin! Don't worry mommy, your blood can stop because I have a napkin!"

"We're all boys. There won't be any napkin inside the house. Zyle you should by one."

"But department stores are miles away from our house!"

"I know. Now go"

"Ayaw! And correction, aside from Eri, may isa pang babae dito sa bahay."

"Oo nga pala" saad ko at saka dali-daling tumakbo papunta sa kwarto ni Carol na nasa ground floor lang rin. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang mga gamit na maayos ang pagkakalagay. Yung parang walang taong nakatira. Minimalistic siguro yung tao.

Iginala ko pa ang mga mata ko. Hindi masyadong marami ang mga gamit niya. Ang totoo niyan ay maliban sa unan at kumot ay isang kahon lang ang naroroon. Akma ko iyong lalapitan nang may magsalita sa likod.

"May kailangan ka, Hang?" si Carol, nakangiti.

"N-napkin" nahihiya kong sabi. Hindi ako makapaniwalang sa tanang buhay ko ay mahihiya nanaman ako ng ganito dahil sa dugo.

Nangunot siya. "Para saan?"

"Please, nagmamadali ako"

Natigil siya. "Bumalik na po ba siya?"

Tumango ako.

"Edi ibig sabihin..." nangunot ako nung humakbang siya papalapit saakin. Napahakbang ako paatras. "Sayang naman"

"K-kung wala kang napkin, sige lalabas na ako" saad ko at saka umiwas na ng daan at lumabas. Nagulat ako nang makitang nakatayo roon si Wendy.

"Okay ka na?" tanong ko

"Zeiri came and luckily nautusan siyang bumili. I'm okay." Ngiti niya. Humakbang siya papasok sa kwarto ni Carol

"So you're Eri's babysitter. Nice to meet you." ngumiti siya at saka inilahad ang kamay. Taliwas sa inaasahan kong baka samaan niya lang iyon ng tingin.

Ngumiti naman si Carol at saka tinanggap ang nakalahad na kamay ni Wendy. "Ako rin po ma'am. Masaya po akong maging pangalawang ina ng anak nyo"

Napalunok ako nang magkuyom ang kamay ni Wendy. Ano ba kasing sinasabi nito? Bakit may padiin? Hindi naman siya ganito dati ah?

"A-ahh, Carol, tingin ko pwede mo munang ituloy ang bakasyon mo kung saan mo man gustong pumunta."

"No, it's okay for me if she stays here. I'd like to know her more." aniya at saka hinawakan ang kamay ko. "Let's go? Our children might be waiting."






The Heir - Stay llTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon