Chapter 5: Cole Cyrus

15 3 1
                                    


ZYLE

"Seryoso! Nakita ko yung anak ni Cole Cyrus!" tuwang tuwa kong sabi. Sino ba namang hindi? Maliban kay Daddy ay si Cole Cyrus ang pinaka pinaka paborito kong idol sa lahat. Oo alam kong sa panahong ito ay luma na ang mga kanta nya, but those songs still remain as masterpieces.

"Cole Cyrus? The one who stole his own friend's songs and claimed it as his?"
ani Zac

Inis ko siyang binato ng tsinelas. "Kakabasa mo kung anu-anong chismis pinapaniwalaan mo. Sigurado akong frame up yon"

"How could you say it's frame up? You're getting blinded by your obsession with a dead person." he rolled his eyes and tried to focus on the book he's reading.

"One more word, susunugin ko yung library mo." inis kong sabi dahil sumosobra na siya kakalait kay Cole Cyrus. "Pero alam mo? Nakakapagtaka lang na yung anak nya e sa palengke ngayon nagtatrabaho. Isn't that weird?"

"Nothing's weird with palengkes."

"Oo alam ko. Pero dude, si Cole Cyrus! One of the biggest stars in China the earlier decades is her father. Paanong nasa palengke sya?"

"I don't know and I don't care." saad ni Zac saka ako tinalikuran at nagpatuloy sa pagbabasa.

"My point is, her father is successful enough to earn a huge amount of money. She's too young para magtrabaho."

Wala akong nakuhang sagot at tahimik lang si Zac sa bed nya. Mukhang wala na siyang ganang magsalita ngayon at focus na focus sakanyang romance fiction book. Hindi na ako nagugulat sa mga pinagkukwento ni Zeiri na marami siyang babae sa Bashu.

Ilang beses pa akong nagsalita pero hindi parin nagsalita si Zac. Pero okay, lang, magkukwento parin ako.

Hindi ko talaga maiwasang ngumiti.
It's been five years since I saw her... again. Hindi parin siya nagbabago. She's still the half mahiyain, half masungit girl I met since fifth grade.

....

COLEEN

Alas singko ng hapon ay abala ako sa pagwawalis sa harapan ng pwesto namin dito sa palengke. Kanina ay umalis si Tita Rose, may kinakailangan raw gawin sa bahay. Bago siya umalis ay pinaalalahanan pa ako na maging mabait raw sa kostumer, lalong lalo na sa-

Isang piraso ng chips ang nahulog sa sahig na winawalisan ko. Maliban sa chips ay kitang-kita rin ang paa ng isang taong nakatayo. Nanlaki ang mata ko at dali-daling bumalik sa pwesto ko, nagkunwaring tapos na ako sa ginagawa. Umupo rin ako sa monobloc at nagkunwaring abala sa pagseselpon.

Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang may ari ng paang iyon. Bakit kaya siya nandito? Bibili ba siya ulit ng karne?

"Hello, anak ni Cole Cyrus" bati nya na hindi ko masyadong nagustuhan. Hindi ko siya tinitingnan pero sa awra palang ay ramdam kong nakangiti siya.

"Coleen. Yun ang pangalan ko." saad ko dahil ayaw kong banggitin niyang muli ang pangalan ng tatay ko.

"Zylester" aniya saka inilahad ang kamay nya. "Put your phone down, alam kong deadbat yan." natatawa niyang sabi. Ano ba kasing kailangan niya? Bakit siya nandito? Hindi naman siguro para lang magkaalaman kami ng pangalan diba?

Nilingon ko yung kamay niyang kanina pa naghihintay. Kahapon lang nung pinaghintay niya ako bago abutin yung mabigat na supot. Karma niya yun.

At saka, bakit ko naman aabutin yung kamay niya? Tiningnan ko yung kamay ko. Yung kamay ko na medyo nanlalagkit at amoy karne. Seryoso siyang makikipaghandshake siya?

The Heir - Stay llTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon