Chapter 27: Hyena Company

9 2 1
                                    


COLEEN

(flashback chapter)

Malakas na hangin ang sumalubong saakin habang nakatingin ako sa matayog na gusali sa aking harapan. Sa harap noon ay ang isang malaking sulat. Hyena.

Hindi ako sigurado kung gagawin ko nga ba ang bagay na to. Pero siguro, kailangan ko ring gumawa ng bagay na bago at naiiba. Ang kaso nga lang ay baka magalit si nanay.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko to. Sinubukan kong palakasin ang sariling loob at saka umapak sa sahig ng Hyena. Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Hindi kasing lawak sa TF pero malawak parin naman. Pagpasok ko sa lugar ay inisip ko kung anong pagbabago kaya ang makukuha ko sa kompanyang ito. Bahagya akong nakakaramdam ng eksaytment.

Napabahing ako nang maamoy ang tila napakalakas na pabango. Anong klaseng pabango ba iyon?

"Ehem." Sa isang babae pala nanggaling ang amoy.

Bahagya akong tumungo. "Pasensya na, nga pala, magtatanong-"

"Yeah, apology accepted. Wag haharang harang sa susunod." aniya at saka naglakad palayo, dinig na dinig ang tunog ng kanyang takong habang humahakbang papalabas.

Pagpasok na pagpasok palang ay mukhang hindi na maganda ang impresyon ko sa mga klase ng tao rito. Nawala ang excitement na nararamdaman ko kanina. Sana lang talaga ay maging maayos ang sitwasyon ko rito.

"Bagong recruit ka ba?" Isang babae naman ang sumulpot. Bahagya akong dumistansya dahil baka kagaya siya nung babaeng nakasalubong ko kanina. Wirdo niya akong tiningnan.

"Ah, oo." Maikli kong sagot. Tiningnan ko ang kasuotan niya, napakaikli at halos kita lahat ng balat. Wala naman akong problema kung iyon ang tipo niyang damit, pero hindi ba siya nalalamigan?

"I'm Ria." Pagpapakilala niya kasabay ng maikling ngiti. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "How much do you weigh?"

Tiningnan ko ang katawan ko. Weigh? Ilan nga ba? "Hindi ko alam, karne lang kasi ng baboy at manok ang kinikilo ko," sagot ko sakanya.


Napataas ang kanyang kilay. "Eugh, really?" Humarap siya sa ibang banda. "Anyways, this way. I will tour you to the place."

"Hindi ba ako kakausapin ng lider ng kompanya? Yung interview, ganon?"

"Miss CEO is currently busy. And hey, you're recruited na so no need for interviews"

Tumango na lamang ako. Pakiramdam ko kasi ay nagmumuka akong tanga kakatanong.

"So what made you want to join Hyena?" tanong ni Ria.

"Gusto ko kasing maging magaling na singer. Kailangan ko rin ng pera para sa pagamot ni nanay."

"Singer huh, sorry but... they actually don't care about talents here. But money? sure. The company can give you that. Depending on your performance."

"Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti lamang siya. "I don't want to scare you, but if your main goal is to cultivate your talent, nagkamali kang pumasok dito." seryoso niyang sabi. "But anyways, money is everything. Yun naman ang importante."

Nanatili akong tahimik. Habang tumatagal ay tila nagsisisi akong pumasok dito. Sa isang iglap ay naisip ko kung saan kaya nagpunta si Zyle at ang kakambal niya. Dapat talaga hinintay ko nalang na bumalik siya.

"Just to tell you about the rules.
One, never question whatever you see that's happening in this building. Two, do everything as the CEO says, and you're safe."

The Heir - Stay llTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon