Chapter 18: truth

20 2 5
                                    

THIRD PERSON

"Hindi ata makakauwi ang mga bata ngayon, sayang naman itong mga iniluto mo" saad ni Carol na nakatingin sa mga pagkaing iniluto ni Wendy. Ito ang unang beses na sinubukan niyang magluto para sa pamilya.

"They will come." mariing sabi ni Wendy habang nakatuon ang mata sa bintana. Gayunpaman ay nasa dibdib niya na ang pag-aalala.

"Wo lai le" saad ng isang kakagaling lang sa trabaho. Zuo Hang. Namilog ang mata niya nang makita ang napakaraming pagkain sa lamesa.

"Carol, linuto mo ba to?" taka niyang sabi. Sa kanyang utak ay imposibleng si Wendy ang nagluto dahil ayaw na ayaw nito ang mga bagay pagdating sa cookery.

Humagikhik si Carol habang si Wendy ay naglakad lamang papalapit sa kay Zuo.

"Have you seen the boys?" nag-aalala niyang sabi

"Ang alam ko may pinuntahan yung dalawa. Ginamit yung sasakyan kaya napilitan akong magpahatid sa iba pauwi."

"Well then where could they be going?" Napahilot si Wendy sa sentido.

Halos ilang oras ang kanilang paghihintay. Walang dumating. Napilitan silang maunang kumain na lamang subalit si Wendy ay nananatiling walang laman ang tyan. Lagpas alas-dose ay nasa sala parin siya at nakaupo. Hinihintay ang kanilang pag-uwi.

"Matulog ka na, Wendy. Baka bukas pa makakauwi yung mga yon."

"They should be home at this hour. What if something happened to the both of them?"

"Walang mangyayaring masama. May tiwala ako sa kambal. Kaya nila ang sarili nila."

"You're talking as if you're so used to them not being home. Tell me, are you just letting them go wherever they want while I'm gone?"

"Hindi ah. Nagset pa nga ako ng curfew tsaka pinagbawalan ko silang gumamit ng sasakyan."

"But they still managed to leave. What punishments do you give?"

"Uhm, bawas 100 sa allowance."

"Make it 500. You should've been stricter."

"Sungit. Nga pala, may sinabi sakin si Carol."

"Oh what now?" napaikot ang mata ni Wendy. Hindi ito ang unang beses na nagsumbong ng kung anu-ano ang babysitter tungkol sa kanya. Alam niyang sinisiraan lamang siya nito.
Mabuti nalang at may natitira pa siyang pasensya.

"Paulit-ulit mo daw sinasabi na nakita mo si Kaycee pagkatapos niyong magmarket."

"T-that's true."

"Wendy alam nating matagal na siyang patay. Nakilamay pa nga tayo noon bago siya ilibing diba?"

"But I really did saw her. I even stared at her for a whole minute and the details all prove that it's her."

"Nakausap mo ba siya?"

"No. There were too many people who kept passing by."

"Siguro namamalik-mata ka lang. Kahit si Harper noon ay sinasabi mong nakita mo."

"But it's true! I saw him near Bashu riding a black motorcycle!"

Bumuntong hininga si Hang. "Wendy, nagsisimula na akong mag-alala sayo."

"So you're thinking I'm being crazy? Who gave you that idea? That babysitter again?"

"Wala siyang kinalaman kay Harper at Kaycee"

"Yeah but she keeps speaking lies to you about me. If she doesn't stop I would have no choice but to kick her out of the house, literally."

....

Kinaumagahan ay nagising si Zuo Hang dahil sa isang malakas na sigaw ng babae. Lumabas siya ng kwarto at naabutan si Wendy na nakatayo sa harap ng hagdanan, nanlalaki ang mata habang nakatingin sa baba.

"Anong nangyari?" Agad na lumapit si Zuo at sinunod rin ang tingin niya. Doon sa baba ay nakahilata si Carol sa sahig at walang malay.

"I didn't... I didn't do that..." iyon lang ang nasabi ni Wendy.

ZUO HANG

"I didn't do it. You know I can't do that, right?"

"S-sabi ng pulis, nakita nila ang fingerprint mo sa likod ni Carol."

"But I really didn't push her! When I walked close she just tripped her self on the stairs. She's doing everything on purpose!" Pagpapaliwanag ni Wendy. "You believe me, don't you?"

"Una, si Harper at Kaycee. Ngayon si Carol..."

"Ma'am, sumama po kayo sa amin"

"What?! No I am not crazy!" "Zuo Hang!" Tumingin siya saakin na tila hinahanap ang pagtitiwala sa mga mata ko.

"Ngayon lang ito okay? I promise" saad ko sakanya bago sya alisin ng mga nurse sa paningin ko.

"There must be something behind this that we do not know." saad ng isang boses at agad akong napalingon. Matagal tagal na rin mula nung huli kaming magkita.

"Deng Jiaxin" saad ko. Hindi sya sumagot sa halip ay hinayaan na lamang akong magsalita. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko."

"Hindi ka ba naniniwala sa kanya?"

"Naniniwala ako." walang pasubali kong sabi. "Pero... sa nangyayari ngayon parang mahirap nang paniwalaan. Matagal nang wala si Kaycee. Si Harper, paano kung namamalikmata lang sya?"

Umiwas ng tingin si Deng. "About Kaycee.." sandali siyang natahimik. "Nabuhay siya."

Natigilan ako. "Ano?"

"I saw her with my two eyes. Face to face. I even became her doctor when she was admitted here."

"Pero paano? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"

"Hindi ako pwedeng magkamali." sagot niya, puno ng kasiguraduhan.

.....

Pinili naming ipagpatuloy ang usapan sa opisina ni Deng.

"Sixteen years ago na noong naidala siya rito sa hospital."

"Bakit? Anong sakit niya? Tsaka paano parin siya biglang nabuhay?" Hindi ko napigilang sabihin ang sunod sunod na tanong sa utak ko.
Kung totoo nga, ibig sabihin lamang ay hindi nagsisinungaling si Wendy.

"Hindi ko alam kung paano. But she was brought here in the hospital.. dahil manganganak na siya."

"And the most unexpected part is, Zhang Ji is the father."

Ilang segundo akong hindi nakapagsalita sa sinabi niya. Kung ako nga ay gulat na gulat ngayon, paano pa kaya si Deng mismo noon?

"Although, pagkatapos ipanganak ang bata, isang malalang sakit ang kumapit kay Kaycee. She went on the state of comatose, at hanggang ngayon ay nasa higaan parin."

"Pero kung nasa comatose siya, paano iyong sinasabing nakita ni Wendy?"

"That's the questionable part. Either Wendy is hallucinating, or Kaycee isn't actually in comatose anymore."

The Heir - Stay llTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon