COLEEN
Huminga ako ng malalim. Tiningnan ko ang bawat taong nagsisidaanan, bawat isa ay may sari-sariling ginagawa.Inilagay ko ang lata sa harapan ko at saka ay naupo habang hawak-hawak ang isang gitara. Sigurado ba talaga ako sa gagawin ko? Tiningnan kong muli ang mga tao. Kaya ko ba talaga?
Napapikit ako. Kung para sa nanay ko, kakayanin ko.
Sinimulan kong i-strum ang gitara.
Now playing: Just Give Me A Reason
Right from the start
You were a thief
You stole my heart
And I your willing victimIminulat ko ang mga mata ko. Lahat ng tao ay nagsisilagpasan at tila walang pakialam. Sabi ko nga, bakit ko pa ngaba naisip kumanta sa tabi ng kalsadang lahat ng tao walang pakialam?
Now you've been talking in your sleep
Oh oh
Things you never say to me
Oh oh
Tell me that you've had enough
Of our love, our loveHuwag kang susuko, Coleen. Sa simula lang mahirap ang lahat. Para ito kay nanay.
Just give me a reason
Just a little bits enough
Just a second were not broken just bent
And we can learn to love againI'm sorry— Natigil ako sa linya nang may kusang sumabay roon.
"I'm sorry I don't understand
Where all of this is coming from
I thought that we were fine"Rumehistro ang pagtataka sa utak ko. Anong ginagawa niya? Bakit siya nandito?
"Your head is running wild again
My dear we still have everything
And it's all in your mind""Yeah, but this is happening."
Parang halos maluluha ako habang kumakanta. Nahospital ang nanay pagkatapos atakihin. Hindi ko alam kung saan kukuha ng pambayad. Wala akong ibang maisip gawin kundi ito.Pagdating sa koro ay sabay na namin iyong kinanta. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero tila bumabalik ang saya ko habang kumakanta. Gumaan ng konti ang pakiramdam ko at hindi ko malaman kung paano. Dahil ba sa kanta? O dahil nandito siya para samahan ako?
Nang matapos na ang kanta saka ko lang napagtanto ang aking paligid. Ang mga taong nagsisidaanan lang kanina, ngayon ay nakatigil at nakatingin saamin ang mga mata. Ang iba pa ay nagvivideo rin. Bumaba ang tingin ko sa latang iniwan ko kanina, punong puno na ng mga salapi!
"Salamat po" malawak ang ngiti ko at saka yumuko sa mga taong nagsipalakpakan. Hindi ako makapaniwala.
"You didn't tell me na kakanta ka. Edi sana nagdala pa ako ng malalaking speaker" saad ni Zyle. "By the way, you'd have to libre me some food"
Ngumiti nalang ako. "Opo, manong Zyle"
Muli kong ibinalik ang tingin sa mga tao. Karamihan sa kanila ay mga teenagers. Maraming humihiling na kumanta pa kami. Nagkatinginan kami ni Zyle at iyon nga ang aming ginawa.
....
Pagkatapos ng mahabang gabi ay sa wakas natapos na rin kaming 'magconcert' sa kalsada. Nakakahiya man pero dinala ko na lamang si Zyle dito sa maliit naming bahay. May curfew kasi para sa mga bata kaya hindi na kami maaaring kumain sa labas. Naiintindihan rin ni Zyle na kailangan ko ng pera kaya sinabi niya na itabi ko nalang iyon. Sinabi niya kanina na ilibre ko siya pero ngayon ay siya naman ang nanlibre saakin.
"Thankyou" tanging iyon lang ata ang magawa kong sabihin sakanya.
"You've been saying that for a thousand times. Walang anuman." sagot niya saka ngumiti. Sa wakas ay natapos ko ring ilipat sa plato ang mga pagkaing ipinatake-out niya.
"G-gusto ko nga palang tanungin, bakit mo 'to ginagawa? Maliban sa... idol mo ang tatay ko?"
"Tinatanong pa ba yan? Syempre dahil girlfriend kita."
Napaubo-ubo ako nang sabihin niya iyon. Sakto pa namang tinitikman ko yung mga pagkain nang sumagot siya.
"Zyle, wala na tayo sa elementarya. T-tsaka... malaki na tayo, kailangan nang magseryoso sa mga bagay."
"So? From what I remember, we never broke up before. You just left and we lost our conversation. Buti nga at nahanap parin kita. And to answer the last sentence, ofcourse, I would definitely take our relationship seriously."
Napalunok ako. Kung titingnan siya sa kanyang mata ay puno iyon ng sinseridad. Walang bakas ng biro o kalokohan. Seryoso rin ang tindig at pananalita niya.
"Pero..." bumuntong hininga ako. "Hindi na ako kasing yaman gaya ng dati, Zyle. Wala na rin ang tatay ko na siyang lagi mong gusto makita. Iba na ang mundong kinagagalawan natin ngayon."
"We're both living on Earth. And please, ikaw naman yung jinowa ko, not your father." aniya at saka ngumuso. "You keep making excuses. Don't you want to be my girlfriend anymore?"
Hindi ako nakasagot. Nanlaki ang mata ko nang sumandal ang kanyang katawan sa mesa at saka lumapit sa mukha ko.
"Don't you have feelings for me anymore?" Sandali siyang tumigil. "Because I still do, and always will."
Napaatras na lamang ako. Hindi ko talaga malaman ang sasabihin. Masyado ring malapit ang mukha niya kaya naiilang ako.
"Uhm, baka lumamig ang pagkain. Kumain na tayo" saad ko na lamang kayat bumalik siya sa pagkaka-upo.
"I'm sorry for surprising you a bit much. Nasa hospital pa nga pala ang nanay mo. You shouldn't worry about things other than that."
Ngumiti ako. "Mukhang lumaki ka na ah. Hindi na ikaw yung spoiled brat na nakilala ko years ago." pang-aasar ko.
"Oh I'm the most handsome brat. And ofcourse lalaki talaga ako. I can't stay at my same height I had nung elementary."
"Pilosopo" tawa ko at saka linagyan ng karne yung plato niya. Napamaang siya kasi hindi talaga siya kumakain ng karne noon pa. Nagulat nga rin ako nung halos araw-araw siyang bumili ng karne sa palengke kahit vegetarian siya. "Kainin mo yan para magkalaman ka kahit konti"
Nangunot ako nung lagyan naman niya ng pansit yung plato ko.
"Hindi lang yan pampahaba ng buhay, pampahaba rin ng pasensya para di na mangulelat yung forehead mo sa stress"
"Mahaba naman yung pasensya ko ah" depensa ko at isinubo na lamang yung pansit.
"Really? Kaya ba yung mga costumers takot nang bumili sayo?"
"Bakit sila matatakot? Hindi ko naman sila kakainin"
"Learn to smile kasi. Like this oh" turo niya sa mukha niya na nakangiti. Nawa'y lahat maganda ang itsura pag ngumiti. Ako kasi parang ewan.
Hindi ko siya pinansin at pinuno na lamang ng pagkain ang bunganga ko hanggang sa tumaba ang mga pisngi ko.
"Hey, I told you to smile." aniya habang nakapakita parin sakin ang kanyang ngiti. Umiwas parin ako kaya sa huli ay hinawakan niya ang mukha ko, saka ay ang labi ko. Hindi ko inaasahan.
Naramdaman kong igalaw niya ang bibig ko at kusa naman akong sumunod. Ngiti na kung ngiti.
Mayamaya ay napabulalas siya ng tawa. Nagsalubong nalang kilay ko at inis ko siyang tinulak para mapabalik sa upuan niya. Sabi ko nga. Gaya noon ay madalas niya akong asarin na para akong si Momo kapag ngumingiti. Kaya simula non ay mukha na akong nakasimangot kahit pinipilit ko lang namang gawing blangko ang mukha ko.
Ito na ata ang isa sa mga 'first time' na nangyari sa buhay ko. First time kumanta sa gilid ng kalsada. At lalong first time magdala ng lalaki sa bahay. Papatayin siguro ako ng nanay ko kapag nalaman niya ang pinaggagawa ko.
BINABASA MO ANG
The Heir - Stay ll
Fanfiction-STAY PART TWO- More than a decade since the Yao family vanished from the story. But that doesn't mean they're tired finding their own happy ending. Will the heirs be able to stop them? Date ended: June 15, 2022