Chapter 4: reddish meat

20 3 2
                                    

COLEEN


Bumuntong hininga ako habang tinitingnan sa phone ang mga sikat na idolo. Kita ang ngiti sa kanilang mukha habang sila ay nagpeperform. Paulit-ulit na ako sa pagscroll pero hindi parin matigil sa kakalitaw ang mga idolong ito.

Hindi ko mapigilang mapaisip. May gusto akong gawin, pero nasisiguro kong hindi rin naman ako papayagan ni mama. Ayokong bigyan siya ng dagdag pang sakit sa ulo.

"Iha! Magkano 'to sabi?" bulyaw sakin ng isang mamimili kaya napabaling ako ng tingin sakanya. Nakaturo ang kanyang kamay sa hiniwang paa ng baboy.

"200 po"

"Grabe naman, ang mahal ah, hindi ba pwedeng tumawad?"

"Ang totoo po nyan ay 220 dapat talaga ang presyo, bago pa ho kayo magtanong ay tinawadan ko na po" ngumiti ako.

Nangungunot nyang tiningnan iyong paa ng baboy, tila kinikilatis ito. Nakakunot pa ang kanyang kilay. "Eto 220? Eh mukha namang maliit oh, tapos ang taas ng presyo?"

"Sa lahat po ng naging kostumer ay kayo lang po ang nagreklamo sa 220. Kayo lang ho ata iyong namamahalan." kaunti kong insulto. Kung ayaw nya sa paninda ko ay mabuting pumili nalang sya ng ibang mapagbibilhan.

"Aba, eh kaya naman pala hindi maubos-ubos itong paninda mo dahil jan sa ugali mo- teka, teka, may kamukha ka ah" aniya habang nakaduro saakin ang daliri. Walang gana ko siyang tinignan. Alam ko naman na kung anong sasabihin nya. "Ahh, ikaw yung anak nung magnanakaw ano? Hah, hindi na ako magtataka kung malalaman ko nalang na pati itong mga karne mo ay nakaw den"

Taas noong umalis iyong babae sa harap ko, napapatawa pa. Hindi ko napigilang ikuyom ang palad ko. Halos isang dekada na ang nakakalipas magmula nung mangyari ang bagay na iyon pero hindi parin malimut-limutan ng mga tao. Mukhang ganon siguro talaga kasikat si papa. Dahil sa pangyayaring iyon, tila hanggang ngayon ay apektado parin kami.

Sa pagkakataong ito, mukhang malaki rin ang salot na pwedeng ibigay ng kasikatan, lalo na kung gumawa ka ng mali.

"Oh, anong nangyari doon sa aleng yon?" tanong ni Tita Marie, kaibigan ni mama. Para makatulong sa gastusin ay nagpasya akong maging katulong ni tita sa pagbebenta.

"Ewan ko po, inaasahan atang piso ang mga karne ngayon"

"Asus, kaya naman pala. Naku naku, dapat kasi ay marunong kang maglabas ng matatamis na salita para maengganyo ang kostumer, Coleen!" pinalo ako ni tita sa balikat nang may ngiti sa mukha. Sa kabila ng ginawa ko ay hindi siya nagalit. Ganoon siguro kabait si tita.

"Malulugi naman po kasi tayo kung panay sila ng tawad, tita."

"Kaya ngayon, dapat matuto kang mag-entertain ng mga taong mukhang mapera." Natigil siya sa pagsasalita at biglang itinuro ang kamay sa isang tao. "Ayun! Pogi! Batang pogi! Maganda ba ang hanap mo? Meron ako dito!"

Napabaling ako sa tinuturo ni tita. Isang lalaki na medyo mas matangkad sakin pero mukhang kasing edad ko lang. Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko.

"Maraming maganda at masarap dito, namumula mula pa!" pag-eentertain pa ni tita sa lalaki na ngayon ay papalapit na sa pwesto namin.

Agad akong umupo para makapagtago at tinakpan ang pisngi ko na ngayon ay siguradong mas pula pa sa kamatis. "Tita, ano po bang sinasabi nyo?"

"Huh? Masarap at magandang karne na namumula, bakit?" pa-inosente pa nyang tanong, gayong alam ko naman kung anong totoong ibig nyang sabihin.

"Ah, pabili po ako nitong tyan ng baboy, tatlong kilo po" dinig kong saad nung lalaki. Pamilyar yung boses nya ah...

"Aba naman, may dalang camera si pogi ah, nagvivideo ka iho?"

The Heir - Stay llTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon