"HOW'S SCHOOL?" tanong ko sa anak ko pagpasok nito ng sasakyan. Anak. Labing-anim na taon na sila pero hindi parin ako makapaniwala. Parang kahapon lang noong nagtetraining lang ako sa kompanya. Ngayon ay may sarili na akong pamilya.
"Okay lang po" maikling sagot ni Zachary. Ang panganay. Tahimik lang siyang nakatingin sa bintana, tila malalim ang iniisip. Manang-mana siya kay Wendy na hindi masyadong mahilig sa pagdaldal.
"May nakaaway ka ba? May pasa ka sa mukha," puna ko saka pinaandar na ang sasakyan. Wala naman akong nararamdamang galit o ano pa man. Para sakin ay normal rin sa bata ang mapasabak sa bagay gaya ng suntukan. Real man!
"Uhm..." sandaling natahimik si Zachary. "Sinapak po ako ng babae, dad"
Napapreno kaagad ako ng kotse at napalingon kay Zac. "Bakit? May ginawa ka ba sa kanya? Did you kiss her or something?" Nagugulat kong tanong.
"O-ofcourse not Dad!" bulalas nya at napabuntong hininga. "She's just-" He followed with a grunt. "I hate that girl."
"Oohh" Namamangha kong sabi. Na-miss ko tuloy si Wendy. Yung dating Wendy, yung mananakit talaga kapag ginalit mo. Pero syempre, hinding hindi niya gagawin yon sakin dahil mahal na mahal ako non. Bumuntong hininga ako. Nasa ibang bansa ulit siya ngayon, isa nang architect.
Yes. Ako ang nag-aalaga sa mga bata habang siya naman ay nagtatrabaho. Pero syempre, nagtatrabaho parin ako dito sa Chongqing bilang aktor. Pumasok nanaman tuloy sa utak ko yung apat na mga yon.
Si Zhixin, isa rin siyang aktor kagaya ko, huli ko siyang nakita pagkatapos naming ifilm yung isang movie kung saan magkasama kaming dalawa bilang bida.
Si Xinhao, bumalik siya ngayon sa pagmomodel at pag-eendorse ng naglalakihang produkto ng mga kompanya. At lahat ng products na yon, out of stock agad sa isang pitik.
Si Deng, isa na siya ngayong doktor. Kaya hindi magkanda-ugaga ang mga babae kakasabing masakit yung puso nila. Yung sarili niya kayang puso, kamusta?
Si Ji?
Ang totoo nyan ay hindi ko alam. Pagkatapos ng disbandment, bigla nalang siyang nawala na parang bula.
Wala kaming kahit anong nabalitaan tungkol sa kanya, ang alam lang namin ay nagpunta raw siya sa probinsya.Ganoon siguro talaga ang buhay. Kung titingin ka sa nakaraan, napakalaki na ng pagbabago, hindi mo lang namamalayan.
Natigil ako sa pagbalik sa mga ala-ala nang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko iyon para sagutin. Si Zyle.
"Zylester? Nasundo ko na ang kambal mo. Where are you?"
"Daddy! Nandito po ako sa Xiongbao, the haunted house!"
"Ano?! Anong ginagawa mo jan?"
"Vlogging, daddy. And now I'm being chased by ghosts! I'm on my way to the door but-"
Biglaang naputol ang linya at napapakunot nalang akong napatingin sa telepono. Dali dali kong pinaharurot ang sasakyan.
Si Zyle, kambal ni Zac, sya naman yung anak kong manang mana saakin. Maingay, hyper, pero nasobrahan naman ata at kung saan saan pa nagsusuot, madalas ay mga haunted house ang binibisita.(Ewan ko kung kanino niya namana yon, imposibleng sakin.) Mahilig rin siyang magvlog.
Hindi pa kami nakakaabot sa haunted house na sinasabi ni Zyle ay bigla nalang nagbukas ang pinto ng sasakyan at biglaang pumasok doon ang pangalawang anak ko. Hawak-hawak parin niya ang kamera at wala pang tigil sa pagvlog. Ngayon, kompleto na ang kambal.
BINABASA MO ANG
The Heir - Stay ll
Fanfiction-STAY PART TWO- More than a decade since the Yao family vanished from the story. But that doesn't mean they're tired finding their own happy ending. Will the heirs be able to stop them? Date ended: June 15, 2022