COLEEN
Ilang araw ang lumipas ay hindi na rin siya bumalik pa. Dapat lang dahil hanggang ngayon ay naiinis parin ako sakanya. Dahil sa nangyari ay ilang gabi rin akong hindi nakatulog, iniisip kung bakit sa dinami-dami, isang sikat na idol pa ang naging tatay ko? Bakit sa dinami- daming bagay, pagnanakaw ang nagawa niyang gawin?
At bakit parang lahat ng kasalanan niya ay kami pa ni nanay ang nagbabayad?
Totoo rin ang sinabi ni Zyle na nagkaroon kami ng relasyon noong mas bata pa kami. Iyong relasyon na laru-laro lang. Dala na rin siguro ng tukso ng mga kaklase ko noong nag-aaral parin ako sa prestihiyosong paaralan. Hanggang sa sumabog ang malaking chismis at napilitan akong tumigil sa pag-aaral.
"Coleen, paanong nabili mo ang lahat ng gamot na to? Saan ka nakakuha ng pera?" tanong ni nanay at saka umubo-ubo. Tinulungan ko siyang tumayo at saka siya pinaupo sa harap ng lamesa.
"Nagkataon po kasing may mayamang bumili sa pwesto namin, nay. Ibinigay nalang ho ni Tita Rose dahil alam niyang kailangan natin."
"Aba, mangilan-ngilang mayayaman lang ngayon ang nagpupunta sa palengke. Maswerte kayo at ganoon." komento ni nanay.
Bumuntong hininga ako. Kahit naiinis ako, ang Zyle na iyon parin ang dahilan kung bakit kompleto ang gamot ngayon ni nanay. Siguro nga ay maswerte parin ako dahil nakilala ko siya.
Naramdaman ko ang paghawak ni nanay sa kamay ko. "Salamat, iha." Muli siyang umubo. "K-kahit hindi ako ang totoo mong ina, lagi paring-" naputol uli siya sa pagsasalita nang mapaubo.
"Nay, wala po sa dugo ang pagiging magulang. Kayo parin ang totoong nanay ko." saad ko at saka siya niyakap.
Ang sabi sakin noon ni nanay, bigla raw akong inuwi ni tatay at ipina-alaga sakanya. Takang-taka si nanay at naghinalang may anak si tatay sa ibang babae, pero kalaunan ay hindi niya nalaman ang totoo.
"Ang totoo po nyan, ako po dapat ang magpasalamat sa inyo dahil kahit hindi niyo alam ang pagkakakilanlan ko, tinanggap niyo parin ako at inalagaan."
....
Pagkatapos ng agahan ay namaalam na ako kay nanay para magpunta sa palengke. Nakangiti ako habang naglalakad. Simple, at hindi man madali ang pamumuhay namin ay kontento na ako. Maging magaling si nanay, yun lang ang kahilingan ko.
"Excuuuse Meee!" Nagulat ako sa malakas na sigaw na iyon at paglingon ko ay bumulaga sakin ang isang bike sakay ng isang babae!
Bago pa man ako maka-iwas ay sabay na kaming napabagsak sa kalsada.
Sakit sa tuhod, yun lang ang nararamdaman ko sa ngayon. Ramdam ko ang gulong ng bisikleta at ang bigat na nakadagan sa tuhod ko. Unti-unti akong nagising gayunrin iyong babae.
"Oh my gosh, I am so sorry. Are you alright? No ofcourse you're not alright argh! Stupid Zeiri!" inis niyang sabi at saka sinabunutan ang sarili niyang buhok. Nababaliw ba siya?
"Okay lang ako" saad ko pero mukhang hindi niya iyon narinig at patuloy sa kakasalita. Pareho sila ni Zyle na walang preno ang bibig. Tinulungan niya akong tumayo at saka inalalayan papunta sa poste. Iika-ika akong maglakad.
"Your bruise doesn't look mild at all. Don't worry, I'll bring you to the hospital okay? I'd just call Zachary to help us."
"Hospital? Hindi okay lang" sumenyas pa ako ng pagtanggi gamit ang kamay ko pero hindi niya parin yon pinansin at patuloy sa pagpipindot sa telepono. Parang wala nang silbing magsalita pa ako kaya nanahimik na lamang ako.
"Hang on, he said he's coming na" aniya at saka ngumiti.
"Salamat" iyon nalang ang sinabi ko dahil paniguradong wala nang silbi kung tatanggi pa ako.
Hindi siya muling nagsalita. Bagkus ay nakatitig lang siya sakin. Nagsimula akong mailang. May dumi ba sa mukha ko?
"You look familiar. I think I've seen you before."
Naiilang nalang akong pilit napatawa. Ano pa nga bang sasabihin nila? Anak ni Cole Cyrus. Ganoon siguro karaming tao ang nanood sa video noon kung saan pinapunta ako ni tatay sa stage mismo para magconcert kasama niya.
"Video?" suhestyon ko na lamang para hindi siya mahirapan.
"No, I feel like I've already met you personally."
Nangunot ako. Hindi mangyayari yon dahil base sa itsura niya ay mukha siyang mayaman. Hindi siya yung taong magpupunta sa palengke.
Napalingon kaming dalawa nang tumigil ang isang sasakyan. Hindi ko alam kung anong klaseng sasakyan iyon pero magarbo talaga ang itsura. Parang nahihiya tuloy akong pumasok at maupo.
"Come! Zac's patience isn't long sometimes. Lol" ngiti ni Zeiri at saka ako inalalayang pumasok sa sasakyan. Ako ang nasa backseat habang silang dalawa naman ay nasa harap.
Pagsilay ko palang sa salamin ay nanlaki ang mata ko. "Zylester?!" gulat kong sabi. Yung mukha kasi ay parehong pareho.
"You know my twin?"
"Oh my gosh, how did you know him? Have you met each other? It's a pretty encounter I'm sure!" natutuwang sabi ni Zeiri habang nakalingon sa gawi ko.
"N-nakilala ko siya sa palengke" nahihiya kong sabi dahil halatang mga rich kid ang kasama ko ngayon.
"Did I just hear my name?" may biglang gumalaw sa bandang likuran ko at paglingon ko ay pareho kaming napasigaw.
"Zyle?"
"Coleen?""A-anong ginagawa mo jan?" taka kong tanong. Natatakpan pa yung ulo hanggang katawan niya ng kumot at may yakap yakap rin siyang unan. Sa sasakyan ba siya natulog?
"Hindi ako umabot sa curfew last night so.." aniya at saka nagkibit balikat. "Goodmorning by the way. I've been dreaming about you last night." ngiti niya.
"O-okay" naiilang kong sabi at saka muling humarap. Nadinig kong tumawa yung kambal ni Zyle pero hindi ko alam kung bakit.
"Where in the world of blanket and pillows did you get those bruises of yours? Ah, it's Zaczac! How dare you na sagasaan siya?!"
"Hindi niya ako sinagasaan-"
"Ah, so maybe he punched you and turned you into one of his dolls! Zaczac you play boy!"
Nakita ko sa salamin ang pag-ikot ng mata ni Zaczac at bigla na lamang niyang iniikot ang manibela, dahilan parang gumewang ang sasakyan at mauntog si Zyle. Mabuti nalang at nakakapit kami ni Zeiri.
Lumipad ang isang tsinelas papunta sa harap pero salamin lang ang natamaan.
"Praying the police would catch you for driving without license!"Muling gumewang ang sasakyan pero ngayon ay mukhang handa na si Zyle at nagawa niyang kumapit. "Sige! Do it harder! Lakas pa!"
Mukhang iyon nga talaga ang gagawin ng kambal niya at nagsimulang pumindot ng kung anu-ano hanggang sa bumilis ang andar ng kotse, pagkatapos ay biglang tumigil kaya nauntog ang noo ni Zyle sa aircon. Malakas ang pagtama kaya nasisiguro kong masakit yon. Napapikit siya ng mariin. Hindi naman siguro siya naiiyak, diba?
"That's too much!" angil niya pero walang nagsalita. Doon lang namin napagtantong kahit iyong dalawa sa frontseat ay nagugulat rin. Nakatitig lamang silang dalawa sa windshield kung saan kitang kita ang mga nagtalsikang dugo.
"We didn't kill anyone, did we?"
BINABASA MO ANG
The Heir - Stay ll
Fanfiction-STAY PART TWO- More than a decade since the Yao family vanished from the story. But that doesn't mean they're tired finding their own happy ending. Will the heirs be able to stop them? Date ended: June 15, 2022