Chapter 1

13.3K 371 14
                                    

Lauren

Maaga akong nagising ngayong araw na ito. Paano first day of school na naman. Parang di ko man lang naramdaman ang 2 weeks na bakasyon. Paano naman kasi hindi man lang ako pinayagan na makapag bakasyon man lang nila Mommy. 


Magpahinga na lang daw ako dito sa bahay. Dahil dalawang linggo lang naman daw ang bakasyon. Saka na ako mag  vacation ng bongga sa summer. Mag family vacation nalang daw kami hindi yung ako lang magisa. Hindi palang sabihin na gusto lang nilang mag honeymoon ni Daddy dinahilan pa ako kuno. Magiging pasali sali lang naman ako sa dalawa dahil sa ka sweetan nila. 

Bakit hindi nalang sila mag bakasyon at hayaan din ako sa aking sarili. Duh malaki na ako noh. Kaya ko na ngang makabuntis kung gugustuhin ko lang at ng bubuntisin ko. 


Gusto ko pa naman sana pumunta sa mga pinsan ko sa Bohol. Miss ko na rin kasi ang mga iyon eh lalo na ang pag hiking namin at paliligo sa dagat. Tsaka like ko rin na maka langhap ng sariwang hangin hindi yung puro usok ng sasakyan ang nalalanghap ko dito. 


Agad ko ng ginawa ang aking daily routine at nagmamadali na ring bumaba. Lagot ako nito pag di ako kumain ng breakfast. 


Sobrang strict pa naman nito ni Mommy pagdating sa pagkain ko. Pinakaayaw nito sa lahat ay yung hindi ako kumakain sa tamang oras. Lalo na ang breakfast dahil ito daw ang pinaka important sa lahat. 

Naabutan ko na sila Mom at Dad na nasa dining na at nag be breakfast na. Agad ko namang nilapitan sila Mom and Dad saka humalik sa mga pisngi saka sila binati ng good morning. 


Umupo naman na ako at nag simula ng kumain ng biglang magsalita si Mommy. " Lauren mag dahan dahan ka ngang kumain dyan. Para kang di babae kung kumain ah." Paninita sa akin ni Mom. 


Babae naman ako ah. May mahaba at matabang talong nga lang. 


"Sorry Mom, medyo ma lalate na po kasi ako eh kaya nag mamadali na akong kumain." Katwiran ko naman dito saka ko na pinag patuloy pa ang aking pag kain. 


"Bakit naman kasi late ka ng nagising na bata ka eh alam mo naman na may pasok ka ngayon." Panenermon pa nito. 


"Mommy hayaan mo na si Lauren nakita mo na ngang nag mamadali na eh." Pag pipigil naman ni Dad kay Mom. 


"Kaya ganyan yang anak mo na yan paano lagi mong kinakampihan." Inis naman na turan dito ni Mom kay Dad. 


Maya lang ay silang dalawa na ang nag sasagutan kaya mabilis na akong tumayo mula sa dining table at nagmamadaling lumabas. Di na rin ako nagpaalam pa sa kanila. At baka madamay pa ako sa away nila mahirap pa naman pag nagsimula ng mag bunganga yang si Mommy. Hindi ka niyan titigilan hanggang hindi niya nailalabas ang gusto niyang sabihin. 


Agad na akong sumakay sa aking kotse at pinasibat na ito papunta ng school. 


Buti na lang talaga at di pa ganun ka traffic kaya mabilis lang ako nakarating ng school. Nang ma e park ko na ito ay di na muna ako bumaba ng aking kotse. 


Naghintay pa ako ng ilang sandali ng mapansin ko ang pagdating ng isang kotseng pinaka familiar sa akin. 



Biglang kumabog ang aking dibdib ng matanawan ko ang pagbaba mula doon ng isang napakagandang pigura ng isang tao. 


Ito ang kanina ko pa hinihintay na dumating eh. Ang isang magandang nilalang na bumubuo ng aking araw. 


Masilayan ko lang ito ay okay na ako. Kahit gaano ka badtrip ang aking araw ay di maaring gumaan ito basta makita ko lang sya. 


Nang makita kong papasok na ito sa building ng mga Professor ay inayos ko na rin ang aking sarili at saka bumaba na ng aking kotse. 


Magaan ang pakiramdam na dumiretso na ako sa aming classroom. Alam ko na kasi ang aking schedule. Nakuha ko na ito sa registrar noong nakaraang Linggo pa kaya di ko na kailangan pa ngayon makipag siksikan na pumila pa doon.



May mga ilang classmates na rin naman na nasa loob ng ako ay pumasok. Agad ko ng pinili ang pinaka dulong bahagi sa classroom at doon naupo. 


Ayaw ko kasi na umuupo sa may unahan banda. Di ko kasi feel na masyadong malapit doon tsaka masyado rin kasing pansinin. Eh napaka mahiyain ko pa naman ayaw ko na tinatawag ako. 


Tsaka sanay na rin naman sa akin itong mga classmates ko eh. Alam na nila na dito talaga ako naka pwesto ng upo. 


Maya lang ay halos mapuno na ang classroom ng biglang pumasok si Ma'am Angela na siyang professor namin ngayon. 


Di ko naman maiwasang di mapatitig dito. Ang ganda nya rin kasi parang manika. Ang liit pa ng mukha. Isa din sa mga kaibigan ng mga terror na Professor dito sa university. Kaibigan nang crush ko na professor din. 


Sabay sabay naman na tumayo kami ng mga classmates ko sabay bati dito ng good morning. Di man lang ito umimik o tiningnan man lang kami. Basta tuloy lang siya ng lakad papuntang table. 



Nilapag lang nito sa table mga dala nya saka kami tinignan ng naka taas pa ang isang kilay. Oo nga pala isa din itong tinaguriang terror na Professor dito. Mag kaka ugali din sila ng mga kaibigan nya. 



Nag pa pass lang sya ng index card with our name at di na nagpakilala na gaya ng madalas ginagawa pag unang araw sa school na meet and greet. 



Nag sulat na rin ito agad ng mga topic namin sa loob ng isang semester tsaka ito mabilis na umalis ng classroom. Ang suplada din naman talaga oh. 



Nang makalabas na si Ms. Angela ay siya naman sabay sabay namin pag hinga. Na para bang nabunutan kami ng tinik sa dibdib ng maka alis ito. 



Sino ba naman kasi ang di kakabahan pag ito ang naging teacher nyo. Ewan ko lang kung di ka maihi pag nag simula na itong magalit. Balita ko pa naman ay mahilig silang mamahiya ng mga estudyante lalo na iyong mga ta tanga tanga at bobo. 



Sayang at marami pa namang may crush sa kanila kaya lang ay parang buwis buhay naman kung mag kagusto ka sa kanila. Sa sobrang sama ba naman kasi ng ugali nila eh sino pa ba naman ang makakapag tyaga sa ganun. 



Pero kung si crush ang magsusuplada siguro sa akin ay okay lang. Baka naka ngiti pa ako dito na nakatitig lang sa kanya na parang tanga. 




Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon