Chapter 19

5.4K 284 11
                                    

Lauren



Pabalik na kami dito sa campus ni Janine. Grabi ang babae na ito. Halos maubos na niya ang allowance ko sa loob ng isang Linggo.


Nakasimangot lang ako na nakaupo dito sa front seat. Balak ko pa sana na sa may likod umupo kaya lang ay baka mag away lang kami nito.


Ngising aso naman ito na naka ngiti sa akin. Halata mo sa itsura nito na ng iinis talaga siya.


Sa susunod hindi na talaga ako papayag na ilibre pa ulit ito. Bahala siya dyan.


"Yang nguso mo pwede ng pag sabitan ng kaldero." Natatawang sita pa nito sa akin.


Umirap lang naman ako dito at di na nag comment pa. Bahala siya dyan. Hindi ko siya papansinin. Kainis siya


Nang makapasok na kami sa campus ay mabilis na akong bumaba sa kotse nito at hindi na siya hinintay pa na makababa.


Nag lalakad na ako pa puntang restroom. Medyo mabilis na rin ang kilos kp ngayon at baka ma late na naman ako sa next classes ko.


Buti na lang at mabait ang sunod namin na Professor sa History kaya lang nakaka antok naman kasi itong mag discuss.


Madalas pa nga na may nakikita ako na natutulog ng mga classmates ko habang nag di discuss ito eh.


Pero kahit ganun ay nakikinig pa rin ako ng mabuti sa kanya. Ayaw ko naman na bastusin ang Prof namin dahil lang doon.


Nang makarating na ako sa restroom ay mabilis na akong nag retouch ng makeup ko.


Maya lang ay pumasok na rin sa loob ang mga cheerleader dito sa campus.


Agad naman akong nginitian ng mga ito. Kaya hindi ko rin naman mapigilan na hindi gantihan ng ngiti ang mga ito.


Lalo na si Ms. Lavine na isa rin sa mga crush ko dito sa school. Ang ganda rin naman kasi nito. Lalo na pag ngumingiti siya. Lumalabas ang pantay pantay nito na ngipin na ang puti.


Tapos ang bait pa nito. Sa tuwing makikita nga ako nito ay palagi siyang ngingiti sa akin ng ganyan na para bang inaakit ako nito.


"Hi Lauren!," Masiglang bati nito sa akin.


Nagtataka din ako dito na kilala niya ako eh isa lang naman akong regular student dito sa school. Wala naman akong sinasalihan na kahit anong mga sports na pwede kaming magkakilala nito.


"Hello din po Ms. Lavine,!" Nakangiting bati ko din dito sabay ngiti ng malaki dito pati na rin ang mga kasama nito ay binati ko rin.


Nakita ko naman na parang namula ang mukha ni Ms. Lavine. Bakit mainit ba dito sa restroom? Feeling ko naman ay hindi. Kasi hindi naman ako naiinitan eh.


Ah baka masama siguro ang pakiramdam nito kaya siya namumula dyan. Baka ganun nga siguro. Sa isip isip ko.


Nakita ko pa na may binulong dito ang mga kasama nyang cheerleader sa kanya. Tapos parang mga kiti kiti na nag sundutan pa ng kanilang mga tagiliran.


Hays, ganito ba talaga ang mga ito? Parang mga timang kasi eh.


"Lauren may gagawin kaba mamayang gabi? Pwede bang invite ka namin sa condo ni Lavine? Mag luluto kasi siya eh." Nakangiti na sabi sa akin ng isa nitong kasama.


Hindi ko siya kilala pero familiar ang mukha niya sa akin. Hindi rin naman kasi ako ganun ka matandain sa pangalan eh.



"Tsaka huwag mo ng tawagin na Ms. Lavine sya ha. Lavine na o kaya naman ay baby." Nakangiting sabi naman ng isa sa akin.


Hindi naman ako nakaimik dahil doon. Ano daw tawagin ko na Lavine na lang or baby? Hello si Ms. Lavine kaya yan ang cheerleader captain nila. Tapos tatawagin ko lang na ganun.


Baka gusto ng mga ito na mapahamak ako sa mga fans nito dito sa campus at sa mga may gusto dito na lalaki pati na rin ng mga babae.


At ano raw? Pinapapunta nila ako sa condo nito? Hindi ba sila nabibigla nyan? Ako talaga ang invite nila? Eh hindi ko naman sila ka close ah at tsaka hindi naman si Ms. Lavine ang nag invite sa akin eh. Baka mapahiya lang ako pag pumayag ako dito.


Maya lang ay mas lalo akong hindi nakapag salita ng si Ms. Lavine na ang nag salita.


"Sana maka punta ka mamaya sa condo ko ha. Magluluto ako ng mga favorite mo." Nakangiti nitong sabi sa akin.


Na may hopeful sa mukha nito na sana nga ay pumunta ako.


Hindi makapaniwala na tinignan ko itong mabuti. Baka mamaya nyan ay bigla itong mag sabi sa akin ng joke di napahiya pa ako.


Pero mukhang seryoso nga talaga siya. Napakamot na lang tuloy ako sa aking batok dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin dito. Pero nakakahiya naman kung hindi ako pupunta diba.



Masyado naman akong pa important kung tatanggihan ko ito pati. Hello si Ms. Lavine na yan alangan na tanggihan ko pa diba.


Tsaka tama lang din na pumunta ako para naman malayo ang isip ko kay Ma'am Camela.


Nakangiting pumayag ako dito na pupunta ako kako. Maya lang ay kinukuha na nito ang kanyang cellphone sabay abot sa akin.


Nagtataka naman na tinignan ko ito.


"Pakilagay yung cellphone number mo. Para ma text ko sa iyo mamaya iyong address ko." Natutuwang sabi nito sa akin.


Mabilis ko naman na type ang aking cellphone number sabay bigay dito pabalik.


"Isa pa nga pala Lauren, pwede na Lavine na lang ang itawag mo sa akin." Nahihiyang sabi nito sa akin. Hanggang ngayon eh namumula pa rin ang mukha nito


"Sige Lavine kung yan ang gusto mo. Kaya lang baka awayin ako ng mga may gusto sa iyo dyan ha. Masabihan pa ako ng mga iyon na feeling close ako sa iyo." Nahihiya ding sabi ko dito.



Bakit ba parang lapitin ata ako ng mga popular na student dito sa campus.


Una si Janine. Tapos ito si Ms. Lavine naman ngayon. Hays sino naman kaya ang susunod. Sana naman po ay wala na.


Natutuwa naman na nag paalam na ang mga ito sa akin at nagsialisan na dito sa restroom.


Pero bago iyon ay mabilis na lumapit sa akin si Ms. Lavine sabay halik sa pisngi ko at nag mamadali ng lumabas.



Habol tingin na lang ang nagawa ko dito. Habang hawak ang hinalikan nitong pisngi ko.






3/26/2022

Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon