Lauren
Pagdating namin sa aking condo ay agad ko siyang ipinasok sa aking kwarto. Doon ko na siya papatulugin.
Wala na rin naman na available na kwarto dito sa condo ko at ginawa ko na siyang storage room.
Baka dito na lang muna ako pansamantala sa sala matutulog. Hindi naman pwede na tumabi ako sa kanya kahit gustuhin ko man.
Mahal ko pa ang buhay ko kaya mag titiis na lang ako na dito muna pansamantala matutulog.
Maingat ko siyang nilapag sa aking kama. Agad ko naman inalis ang kanyang suot na sandals bago inayos ang pagkakahiga nito.
Balak ko pa sana siyang palitan ng kanyang suot pero huwag na lang at baka ikapahamak ko lang iyon. Lalo pa at alam ko naman ang ugali nito.
Pupunasan ko na lang siya ng maligamgam na tubig ng mahimasmasan naman siya kahit paano.
Sana naman ay di sya magkaroon ng hangover pero alam ko naman na hindi malabong magkaroon ito pag gising niya
Nang masiguro ko na maayos na siyang naka higa sa aking kwarto ay nag mamadali na lumabas na ako.
Dumiretso na ako sa kitchen at agad akong nagpainit ng tubig at nilagay iyon sa isang palanggana. Saka ako kumuha ng dalawang malinis na towel.
Nang ma e ready ko na ang lahat ay agad ko na itong dinala papunta sa room ko.
Maingat na nilagay ko na ito sa table malapit sa aking kama.
Agad ko ng dinawdaw sa mainit na tubig ang towel saka ito piniga at pinunasan ang mukha ni Ma'am Camela.
Panay lang ang ungol nito pero hindi naman siya nagigising. Kaya pinag patuloy ko lang ang ginagawa ko.
Nang matapos sa kanyang mukha ay agad ko na itong pinunasan ng malinis na towel tsaka ko naman sinunod na pinunasan ang kanyang mga braso.
Nang matapos na ako ay niligpit ko na ang aking mga nagamit. Saka ko na ito binalingan at kinumutan.
Kumuha na rin lang ako ng unan at kumot ko at sa sala na nga lang ako matutulog.
Nang masiguro ko na okay na ito ay tuluyan na akong lumabas sa kwarto at dumiretso na sa couch dito sa sala.
Napapangiti na lang ako dito sa couch habang iniisip ko ang mga nangyari kanina. Mga ilang sandali pa ay nasa dreamland na ako.
Umaga
Mag ba bandang nine na ng umaga ako nagising. Medyo masakit pa ang aking katawan dala na rin ng pagkaka baluktot ko dito sa may couch.
Hindi pa masyadong nag po process ang utak ko kung bakit dito ako natulog ngayon.
Basta ang naaalala ko lang ay pumunta ako sa birthday party ni Carla tapos nagising na lang ako na nandito na sa condo ko.
Maya lang ay nakadinig ako na parang may lumagabog sa aking kwarto. Kaya nagmadali na akong tumayo upang tignan ito.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras na mag bihis. Naka sports bra lang ako at shorts ngayon. Ganito kasi ako minsan matulog eh.
Bitbit ang aking baseball bat ay dahan dahan ako na pumunta sa room ko. Maingat na binuksan ko naman ang pinto at dahan dahan na sumilip dito.
May nakita akong parang naka higa sa sahig. Mukhang nahulog yata ito mula sa kama.
Nakabalot din ng kumot ang buong katawan nito kaya hindi ko siya makilala.
Dahan dahan naman na nilapitan ko ito. Nang aalisin ko na sana ang pagkakabalot nito ng kumot ay sya naman biglang naisip ko ang nangyari kaninang madaling araw.
Nang maisip ko iyon ay mabilis na nilapag ko sa sahig ang bat na dala ko at agad nilapitan si Ma'am Camela.
Balak ko na ibalik ito sa kama upang makatulog ito ng maayos.
Ibang klase din pala pag nalalasing ito. Tulog lang ng tulog. Malaman ko palang mamaya kung ano naman ang ugali nya pag gising.
Bubuhatin ko na sana ito mula sa sahig ng bigla na lang mag mulat ang magaganda nitong mata na ngayon ay nakatitig lang sa akin at walang ka kurap kurap pa.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Kung ibababa ko na sya sa sahig, o sa may kama pa rin.
Nag tatalo ang isip ko ngayon at hindi rin makapag isip ng mabuti. Lalo pa at nakatingin lang ito sa akin ngayon.
Maya lang ay parang bigla itong nalito at nag lumikot na ang mata nito at parang pilit ako nitong kinikilala.
Kunot noo na kasi siya ngayon. Maya lang ay nag salita na siya.
"Anong ginagawa ko dito Fortalejo at bakit kasama kita ngayon at buhat buhat mo pa ako.?" Kunot ang noo na tanong agad nito sa akin.
Agad ko naman syang binaba sa aking kama upang makapag explain na rin sana dito ng maayos.
Ito na nga ba ang sinasabi ko na kailangan kong mag practice ng paliwanag sa kanya. Dahil malamang ay mag tataka talaga siya kung bakit kami mag kasama at bakit nandito siya sa aking condo.
"Ma'am Camela, sobrang lasing nyo po kasi kagabi at nakaalis na po si Ma'am Catherine na hindi kayo kasama. Kaysa po iwan ko kayo doon sa party na lang basta at di ko alam baka kung sino na lang ang mag uwe sa inyo." Paliwanag ko kaagad dito.
Hindi ko na lang sinabi na alam ko ang kanyang bahay at doon kami unang pumunta kaya lang ay hindi ko naman mahanap sa bag nya ang kanyang susi sa bahay nya.
Buti sana kung ang dali nya lang gisingin eh tulog mantika kaya siya. Buti na nga lang at mabait ako hindi ako gumawa ng ikakapahamak nito.
Kahit ba sabihin na sobrang crush ko siya eh di ko pa rin naman magagawa sa kanya ang mga bagay na iyon. Ang gusto ko ay both namin na gusto kung ano man ang mangyayari.
3/1/2022
BINABASA MO ANG
Ms. Camela Martin
RomanceLauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.