Camela
Nandito na ako sa Mall at nag iikot pansamantala. Parang gusto ko muna yatang manood ng sine. Okay lang naman siguro kahit ako lang mag isa ang manood.
Pinili ko ay yung last full show. Kakain muna ako saglit bago ako manood. Kaya bumili lang muna ako ng ticket ko.
Okay lang naman na late na ako makauwe sa bahay. Wala na rin naman ako gagawin.
Maya lang ay nakatanggap ako ng message sa mga friends ko. Nag ta tanong sila kung nasaan daw ako. Dahil nandoon daw sila sa bahay ko.
Nag reply lang ako sa mga ito na umuwe na sila kasi hindi ako matutulog ngayon sa bahay ko. Nandito ako sa bahay ng parents ko dahil may gathering's kami ng familia.
Yun na lang ang dinahilan ko sa mga ito para hindi na magtanong pa. Wala pa rin ako sa mood na kausapin ang mga ito. Baka mag away lang kami. Lalo na at wala pa naman gusto magpatalo sa aming mag kakaibigan.
Pagkabili ko ng ticket ay bumaba na muna ako sa first floor ng Mall at kakain muna ako.
Kumakain na ako ng mamataan ko si Fortalejo na dumaan. May napansin ako na bouquet ng flowers na bitbit nito at parang may isa pa itong dala na di ko na nakita pa kung ano iyon. Nagmamadali kasi ito ng lakad. Mukhang siya nga iyong binabanggit na Lauren kanina ng mga cheerleader.
Naiinis na tinapos ko na kaagad ang aking pagkain. Halos naka pangalahati nga lang ang nabawas ko doon eh.
Tumayo na ako at umalis na sa restaurant. Uuwe na lang ako. Hindi na muna ako manonood ngayon. Mas lalo lang nawalan ako ng gana.
Nasa parking lot an ako ng Mall ng di ko mapigilan na igala ang aking paningin. Baka kasi ma tyempuhan ko pa si Fortalejo dito eh di mas maganda na makausap ko na ito at pag bawalan na siya na pumunta sa nag invite dito.
Pero naka ilang ikot na ako ng aking paningin pero kahit anino nito ay wala. Baka naka alis na ito bago pa lang ako makarating dito.
Nag da drive na ako pauwe sa bahay ko. Sana hindi na lang ako dumaan sa Mall ng hindi ko sana nakita ito doon at hindi iyong nag iisip na ako kung ano ang dapat kong gawin.
Ang pigilan ito sa pag punta sa condo ni Lavine. O ang hayaan na lang ito sa gusto niya. Dahil wala naman akong pakialam dapat dito kung saan man ito mag punta at gawin nya. As long na hindi affected ang grades nito sa akin.
Nang makarating sa bahay ay dumiretso na ako sa aking room. Balak kong mag babad sa bathtub ng mabawasan naman ang stress na nararamdaman ko ngayon.
Tsaka ayaw ko muna sana mag isip ng kung ano. Pero hindi ko talaga mapigilan eh.
Naka babad na ako dito sa bathtub at may hawak na champagne na paunti unti kong iniinum.
Hanggang ngayon ay di pa rin mawaglit sa isip ko kung ano na kaya ang ginagawa ng dalawa ngayon.
Baka mamaya eh hindi lang dinner ang gawin ng dalawang iyon ah. Sa isipin na iyon ay agad na akong tumayo sa bathtub at nag mamadali na kinuha ang cellphone ko sa kama.
Mabilis na dial ko ang number ni Fortalejo. Nakailang ring muna ito bago nito nasagot ang tawag ko.
Don't tell me may ginagawa na kaagad silang kabulastugan kaya matagal niyang sinagot ang tawag ko.
Huwag na kayong magtaka kung paano ako nagkaroon ng number nya. Duh Prof nya kaya ako. Natural na may number ako nila.
Pagkasagot nito sa tawag ko ay agad ko itong tinanong.
"Nasaan ka? Pumunta ka ngayon din dito sa bahay ko at may mahalaga tayong pag uusapan. Ayaw ko ng pinag hihintay. Gusto ko ngayon na. Mayroon ka lang 30 minutes na makapunta dito. Dahil kung hindi ay pag sisisihan mo iyon Fortalejo." Sunod sunod na sabi ko dito sabay patay ng aking tawag.
Hindi ko na ito hinintay pa na makapag salita at matanong pa ako ng kung ano ano. Dahil kahit ako sa sarili ko ay hindi alam kung bakit ko ito tinawagan at pinapapunta dito ngayon din.
Mabilis na pumasok ulit ako ng Shower at tuluyan ng naligo. Baka mamaya eh nandito na si Fortalejo na hindi pa ako nakakapag bihis mahirap na.
Pinamadali ko pa naman ito na pumunta ngayon dito sa bahay ko tapos ako naman pala itong hindi pa nakaayos.
Tsaka tama lang yun na mag madali siyang pumunta dito. Akala ng Lavine na iyon ay maka isa siya kay Fortalejo. Ma swerte siya kung papayag ako na mangyari iyon.
Pasalamat nga siya at naka punta pa sa kanya si Fortalejo kahit papaano eh. Magulo pa lang kasi ang isip ko kanina kaya nakalusot ito.
Pero ngayon nakapag decide na ako. Hindi na ako mag papaka epokrita pa. Alam ko at ramdam ko na may pagtingin ako sa bata na iyon.
Hindi pa nga lang matanggap ng isip ko na sa isang estudyante ko lang ako magkakagusto.
Pero mas hindi kayang tanggapin ng puso at isip ko na may ibang kasama ngayon si Fortalejo na maaring maging sila pa nito pag hinayaan ko lang sila ngayon doon at wala akong ginawa para pigilan pa iyon.
Kaysa mag sisi ako sa huli at nagmatigas ako eh pagbigyan ko na lang ang gusto ng puso ko.
Nakita ko naman kasi kung paano sumaya ang mga kaibigan ko sa mga girlfriend at asawa nilang mga estudyante.
Maliban na nga lang kay Catherine na hanggang ngayon ay nag hahabol pa rin sa kapatid ng boyfriend niya.
Tanga kasi eh. Mahal naman pala niya yung bata eh hindi ito ang sinagot kundi iyong kuya nung bata. Ngayon mag hahabol siya doon kung kailan tumigil na ito sa pangungulit sa kanya.
Ayaw kong matulad dito na halos gabi gabi na lang yata umiiyak dahil sa di pag pansin dito nung bata.
Nang matapos ako mag shower ay nag bihis na ako kaagad at pinili ang medyo revealing kung damit. Nag sando lang ako na halos kita na ang cleavage sa baba ng neckline. Tapos pekpek shorts na kunting yuko lang ay kita na ang kuyukot.
Gusto ko lang akitin ngayon si Fortalejo. Tignan lang natin kung ma resist nito ang charm ko.
________
Gusto ko lang humingi ng sorry sa mahal ko. Sorry na po baby ko. Wag na po magalit please 🥺🥺🥺 i love you mahal.4/10/2022
BINABASA MO ANG
Ms. Camela Martin
RomanceLauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.