Lauren
Lunes
Nagmamadali na akong pumasok sa campus. Paano naman kasi late na ako nagising eh. Napuyat kasi ako kagabi. Hindi ko kasi na e set ung alarm ko kaya tuloy feeling ko e maaga pa.
Kaya nga nung tignan ko ung time sa cellphone ko ay nag madali na akong kumilos. Hindi na nga ako nakapag agahan pa sa kamamadali ko.
Mahirap ng ma late at terror pa naman ang teacher ko sa first subject. Kaya nga nagmadali na akong pumunta dito sa school eh.
Hindi na rin muna ako sisilay sa aking crush dahil hindi ko na rin naman ito naabutan pa. Bawi na lang mamaya sa subject ko sa kanya.
Mabilis ang mga hakbang na pumunta an ako sa room namin. Dahil ilang minuto na lang at mag be bell na para sa first subject.
Katakot pa naman iyon si Ms. Angela at namamahiya din kasi iyon ng mga late eh.
Buti na lang at wala pa ito kaya naman dumiretso na ako sa aking table sa may dulong bahagi ng classroom.
Saktong pagkaupo ko ay siya naman ang dating ni Ma'am Angela. Ang seryoso ng mukha nito na para bang masama ang timpla nya.
Kaya tuloy iyong takot namin dito ay nadagdagan pa. Hays bakit naman kasi sila ganyan makatingin. Kahit hindi mag salita ay nakakatakot pa rin.
Padabog nitong nilapag sa table ang kanyang mga gamit. Kami naman ay sabay sabay ng tumayo upang batiin ito ng good morning.
"Good morning Ms. Angela Mondragon." Ang pag bati namin dito.
Pero hindi manlang kami nito pinansin at panay lang ang pag type nya sa dala nyang laptop.
Umupo na lang kami at tahimik na nanood dito. Nag hintay na lang kami kung ano ang ipapagawa or gagawin nito.
Pag ganito kasi na masama ang timpla nito ay hindi na kami umiimik pa dahil baka kasi kami ang pag balingan nito ng kanyang galit.
Maya lang ay nag discuss na si Ms. Angela kaya naman kami ay nakinig na lang ng mabuti dito.
Baka kasi bigla na lang ito mag tawag at hindi mo nasagot ng maayos ang kanyang tanong baka palabasin ka na lang nito o di naman kaya ay talakan ka at sabihan ng bobo.
Kaya naman takot talaga kami sa kanya. Mahirap ng mapahiya sa klase nito no.
Maya nga lang ay nag tawag na ito ng mga classmates ko at pinasagutan ang mga problem sa board.
May ibang mali ang pag kaka solve at may iba naman na tama kaya pinaupo na nito iyong naka sagot ng tama. At pinaiwan ang mga mali ang ginawa.
"Nakikinig ba kayo habang nag di discuss ako kanina?" Inis na sabi nito sa dalawang may mali ang sagot.
Hindi naman umiimik iyong dalawa at naka yuko lang ang mga ito. Na para bang hiyang hiya na sa kanilang sarili.
Nakita ko naman na parang kinakalma na ni Ms. Angela ang kanyang sarili dahil panay lang ang hinga nito ng malalim.
"Get out!" Mahina nitong sabi sa dalawa kaya parang alam ko na kung ano ang ibig nitong sabihin.
Mabilis naman na umalis sa harap ung dalawa at nag mamadali na kinuha nila ang kanilang mga gamit at lumabas na ng classroom.
Nag tawag na ulit si Ms. Angela ng panibagong mag sa sagot sa board. Kaya naman halos lahat na ay parang nag pa pray na huwag sila ang matawag.
Automatic kasi na zero na sa recitation yung dalawa kanina at absent pa kaya naman halos wala ng gusto na sumagot pa.
Maya lang ay "Ms. Fortalejo at Mr. De Guzman." Tawag sa amin ni Ma'am kaya naman nag madali na akong tumayo at pumunta sa board sabay answer nung problem.
Buti na nga lang at alam ko ito dahil kung hindi ay nakakahiya naman.
"Very good" ang nasabi na lang sa amin ni Ma'am saka nagpatuloy na ulit ito sa kanyang discussion.
Maya lang ay nagpaalam na rin ito saka lang kami naka hinga ng maluwag ng makalabas na ang isang dragon.
Hays tapos na ang isang dragon. Pero may kasunod kaagad ito na same lang nito ng ugali. Pero kahit ganun ehem crush ko ito.
Maya lang ay lumipat na ako sa may unahan banda kung saan ako pina pwesto ni Ma'am Camela ng upuan.
Nang maisip ko na naman si Ma'am Camela ay heto nanaman ang pa pansin kong puso na nag wawala na naman sa pag tibok.
Sana naman huwag ito mag pa pansin mamaya dahil baka matulala ulit ako sa harap nito. Lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nag papalit ng aking punda at bedsheet sa condo dahil naaamoy ko pa rin siya doon.
Hayst ganito na ba talaga ang effect nito sa akin. At pag dating sa mga bagay na involved sya eh nagiging ganito ako.
Mga ilang sandali lang na nakakaalis si Ma'am Angela ay siya namang pagdating ni Ma'am Camela na seryoso din ang mukha.
Ano ba namang mga Professor naming ito at parang mga pinag lihi sa sama ng loob kung kumilos.
Wala man lang yata balak ang mga ito na ngumiti man lang. Sana naman ay hindi ito mag ala dragon ngayong araw na ito. First day of school pa naman tapos mag gaganito sila.
Nag attendance muna ito bago sya nag discuss kaagad. Tahimik lang naman ako na nakikinig dito. Kanina ko pa napapansin dito kay Ma'am Camela na hindi man lang ako nito tinitignan kahit minsan.
Panay lang ang salita nito at pag nagagawi na ang paningin nito dito sa may banda ko ay bigla na lang ito mag iiba ng tingin.
Kahit nga panay ang taas ko ng kamay sa kanya pag nag tatanong ito ay hindi nya man lang ako tinatawag kahit wala namang ibang nag vo volunteer ay ayaw nya pa rin.
Nahihiwagaan na ako dito kay Ma'am Camela ngayon. Ano ito? Iiwasan niya na ba ako?
Nang ma realize ko na baka ganun nga ay nag baba na rin lang ako ng kamay ko at nakinig na rin lang dito.
Total mukhang ganun nga talaga ang balak nito. Matapos nito mag discuss ay lumabas na rin ito kaagad sa room. Habol tingin na lang ang aking nagawa.
Malungkot na kinuha ko na ang aking mga gamit at tumayo na rin mula sa aking kinauupuan.
Bigla na lang ako parang nawalan ng gana ngayong araw na ito.
Pupunta na lang ulit ako sa office nila Janine at doon na lang ulit ta tambay. Aayain ko na lang ito na sa labas na lang kami kumain dahil ayaw kong makita si Ma'am Camela sa cafeteria mamaya.
Baka mawalan lang ako ng gana. Nasasaktan lang kasi ako sa ginagawa nitong hindi pag pansin sa akin eh.
3/17/2022
BINABASA MO ANG
Ms. Camela Martin
RomanceLauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.