Lauren
Nakasimangot na naka sunod lang ito sa akin. Kanina ko pa na papansin na masama na ang timpla nito mula nung sumakay kami sa elevator.
Ano na naman kaya ang nangyari at mainit na naman ang ulo nya. Wala naman akong natatandaan na ginawa ko dito na dapat niyang ikagalit.
Napapakamot na lang ako ng ulo na giniya na siya pa punta sa aking sasakyan.
Inalalayan ko ito habang pasakay siya sa kotse ko. At nag mamadali na umikot ako pakabila upang makapasok na sa driver seat.
Nang makapasok na ako ay napansin ko na di pa nito kinakabit ang kanyang seatbelt kaya ako na ang gumawa para dito.
Nabigla naman ito sa ginawa kong pag lapit agad sa kanya. Hays naamoy ko na naman ang nakaka adik nitong amoy.
Nag madali ko ng kinabit ito at baka kung ano ulit ang magawa ko sa kanya pag ganito na sobrang lapit niya sa akin ay nawawala pa naman ako sa aking sarili at parang hindi na alam ang aking ginagawa.
Nang maikabit ko na ay mabilis na akong bumalik sa upuan ko at parang doon pa lang ako nakahinga ng maayos.
Hays bakit naman kasi ganito ang epekto nito sa akin. Yung mapalapit lang ako sa kanya ay para na akong nawawala sa aking sarili.
Ganito na ba ako sobrang nag kakagusto sa kanya. Parang hindi ko na ata gusto itong nararamdaman ko para dito.
Sana naman po ay pag hanga lang ito. Dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pag lumagpas pa doon itong nararamdaman ko para dito.
Dahil alam ko naman na ang kahihinatnat ko pag lumampas pa ito doon. Malamang na masasaktan lang ako. Dahil hindi naman nito masusuklian ang nararamdaman ko para sa kanya.
Baka nga iwasan na lang ako nito o di naman kaya ay pag initan nya. Hanggang sa kusa na lang ako umalis dito sa school na ito.
Dahil sa isiping iyon ay di ko maiwasang masaktan. Lalo na iyong lalayuan nito ako at di na pa pansinin pa.
Bigla na lang tuloy nag iba ang pakiramdam ko. Parang bigla akong nawalan ng gana at nalungkot.
Tumahimik na lang ako at nag drive na papunta sa bahay ni Ma'am Camela.
Hindi rin naman nag sasalita itong katabi ko kaya parang nahiya na rin ako na mag open ng topic namin. Para sana kahit paano ay may pinag uusapan kami habang nasa byahe.
Pero mukhang wala din ito sa mood na magsalita.
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng bigla itong mag salita at mag tanong sa akin.
"Fortalejo, iyong babaeng espasol kanina sa elevator may relasyon ba kayo nito?" Tanong nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.
Bakit naman nito naitanong sa akin ang bagay na iyon? At ano ang tawag nito kay Carlota? Babaeng espasol. Gusto ko sana matawa sa sinabi nito pero mas pinili ko na lang na manahimik pa. Tsaka ano daw may relasyon kami ni Carlota? Eh friends ko lang ito eh.
"Si Carlota po ba ang tinutukoy nyo Ma'am Camela? Nako wala po kaming relasyon non. Magkaibigan lang po kaming dalawa." Mabilis na sagot ko dito.
Kahit nalilito pa rin sa tanong nito ay sinagot ko na lang ito.
Hindi naman nakaligtas sa mapanuri kong mga mata ang bahagyang pag ngiti nito na bigla din namang nawala.
"Good," nadinig kong pabulong na sabi nito na para bang sa kanya lang dapat iyon pero na voice out nya pa rin.
Nagkibit balikat na lang ako at di na pinansin pa ang sinabi nito.
Kita ko rin na parang relax na ito at hindi na ganun naka kunot ang noo nito.
Maya lang ay nandito na kami sa tapat ng bahay niya. Mabilis naman na itong bumaba sa kotse ko at hindi na ako nito hinintay pa na makababa at ipag bukas pa sana siya ng pinto.
Mukhang nag mamadali ito at parang wala din balak na imbitahan ako sa loob ng kanyang bahay at painumin manlang ng malamig na tubig.
Gusto ko din sana na makapag pahinga muna bago ulit mag drive pauwe pero mukhang wala talaga itong balak.
Umikot na lang ito sa aking pwesto banda saka nag pasalamat.
"Salamat sa pag hatid sa akin Fortalejo." Iyon lang ang sinabi nito at tuluyan ng umalis saka pumasok sa kanyang bahay. Hindi talaga ako nito inalok kahit pabalat bunga man lang sana.
Napapailing na lang ako dahil dito. Hays ano pa nga ba ang expect ko kay Ma'am Camela. Na mag magandang loob ito at alokin ako pumasok sa bahay nya.
Pag nangyari siguro yun ay malapit ng magunaw ang mundo. Dahil gumagawa na ito ng mabuti sa kapwa nya.
Naiiling na nag maniobra na ako ng kotse at nag drive na ulit.
Gusto ko man na medyo magtampo dahil sa ginawa nito ay wala din naman akong magagawa pa doon.
Pupunta na lang muna ako sa bahay at na mi miss ko na rin sila Mommy. Kahit naman madalang lang kami magkita ng mga ito ay na mi miss ko pa rin naman sila.
Mabilis na nag drive na ako pauwe. Pero sa saglit muna ako sa Mall at bi bilhan ko ng favorite cookies nya si Mom.
Sana naman eh nasa bahay sila ni Dad. Pag ganito kasi na nalulungkot ako eh dito sa bahay gusto ko tumambay.
Mas maganda na dito ako kahit paano ay nalilibang ako. Lalo na at pag sumasama ako kay Dad pag may mga dinadaluhan itong business meeting.
Sinasanay na rin kasi ako nito na magpalakad ng aming business kaya kapag nasa bahay lang ako at may pu puntahan itong mga pag titipon ay sinasama nila ako ni Mom.
Kaya sanay din ako na makiharap sa mga business partner ng mga ito. Madalas din na ako ang pinapadalo ng mga ito sa meeting sa office lalo na pag nasa abroad sila ni Mom.
Nang makarating sa bahay ay agad na akong binati ng mga guards at aming mga kasambahay.
"Manang nandyan po sila Mommy?" Agad na tanong ko dito ng makasalubong ko sya sa living room.
"Hay naku senorita wala po sila at nag out of town po. Nasa Davao po sila ngayon. May business daw po silang itatayo doon." Sabi nito sa akin.
Napasimangot naman ako dahil doon. Buti pa sila manang alam kung nasaan ang magulang ko. Ako na anak nila hindi alam kung nasaan ang mga ito.
Malungkot na inabot ko na lang sa mga ito ang ang dala kong cookies at tuluyan ng umakyat pa punta sa aking kwarto.
_________
Medyo sinipag ng kunti kaya nakapag update.3/9/2022
![](https://img.wattpad.com/cover/284109096-288-k765898.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Camela Martin
RomantikLauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.