Chapter 9

5.9K 255 4
                                    

Lauren

Nang makarating na kami sa bahay nito ay pansin ko lang na parang naka tulog na ata si Ma'am. Paano nakapikit ito habang medyo nakabuka ng kunti ang kanyang bibig. Ang cute lang nito sa ayos niyang yun. Mabilis ko naman kinuha ang aking phone at nagmamadaling mag picture dito. Pagkakataon ko na ito kaya lulubos lubusin ko na ngayon.

Hindi naman niya malalaman eh. Kaming dalawa lang naman dito sa kotse ko. Kung masama nga lang akong tao baka hinalikan ko na itong si Ma'am Camela pero syempre hindi ko na gagawin ang bagay na yun mas maganda na ang first kiss namin ay yung both na gusto naming dalawa hindi yung ako lang ang nag e enjoy.

After ko makakuha ng maraming picture dito ay bahagya ko naman na itong tinapik sa kanyang braso upang gisingin na siya.

Panay lang ang tapik ko dito ng mahina at baka masaktan kasi pag nilakasan ko. Ayaw ko pa naman na masasaktan ito.

Pero wala pa rin talaga tulog mantika pa rin ito. Ganito pala pag nalalasing si Ma'am Camela. Ang hirap gisingin.

Hayst paano ko naman kaya sya maipapasok sa loob ng kanyang bahay kung ganitong wala naman kaming susi nya. Hindi ko naman alam kung saan ito nakalagay.

Papakialamanan ko na lang muna siguro ang kanyang dalang bag. Baka sakali na nasa loob nito ang kanyang susi. Hindi naman siguro ito magagalit sa akin pag ginawa ko ang bagay na iyon. Tsaka para rin naman sa kanya itong ginagawa ko ah. Gusto ko na rin kasi makauwi at anong oras na. Kanina pa ako inaantok. Sama nyo pa na nakainom din ako.


Maingat na kinuha ko mula dito ang kanyang shoulder bag at binusisi ang laman nito. Pero halos nailabas ko na ang lahat ng laman nya pero ni anino ng susi nito ay hindi ko pa rin nakikita.

Saan naman kaya nito nilagay yun? Dapat nandito lang sa bag niya yun eh. Hayst


Subukan ko na lang ulit na gisingin siya at baka sakali na magising na rin ito.


May mga naka ready naman na akong dahilan dito kung bakit magkasama kami ngayon at kung bakit naka sakay na ito sa kotse ko.


Pero sa ngayon ay hindi muna iyon ang aking dapat isipin. Ang dapat muna ay kung paano ko siya maipapasok sa loob ng kanyang bahay.


Ang tanga lang kasi, bakit ba di ko naisip kanina na hindi ko nga pala siya maipapasok doon sa bahay niya.


Hindi yung nag hada hada na lang ako na dinala siya dito. Kaya ito problemado kung ano ang gagawin ko sa kanya ngayon.


"Ma'am Camela, gising na po kayo. Nandito na po tayo sa bahay nyo."  Pang gigising ko dito. Habang niyuyugyog siya ng bahagya.


Ayaw ko naman na pwersahin itong gisingin at baka maya ay malagot pa ako sa kanya. Kaya ito nag pa paka hinahon ako na panggising sa kanya.

"Hmmm" dinig kong sagot lang nito sa akin at pinagpatuloy ulit ang kanyang pagtulog.

Hayst ano ba naman yan? Natulog lang ulit. Wala hindi ko talaga makakausap ng maayos pag ganito siya.


Nang tignan ko naman kung anong oras na ay napailing na lang ako. Mag 2 am na pala. Kaya naman pala halos bumagsak na ang aking mga mata dala ng antok at ng mga nainom ko rin na alak.

Madami dami din yun ha. Kaya pilit ko na lang na nilalabanan ang antok ko ngayon.

Nang matansya ko na di ko na talaga siya magigising ay nag pasya na lang ako na umuwi na siya ng tuluyan sa condo ko.


Oo doon ko na lang muna siya da dalhin at baka pag sa bahay pa e maiskandalo lang sila Mommy pag nakita nila na may inuwi akong babae malagot pa ako sa mga ito.

Lalo na siguro pag nalaman pa nila na professor ko pa pala ito. Ay baka mas lalo na akong malagot sa kanila.


Ayaw pa naman ng mga iyon na nagpupunta ako sa mga party na ganyan at baka daw malasing ako at di ko na alam ang ginagawa ko.


Maya daw ay maka buntis ako ng di ko namamalayan dala ng kalasingan ko. Oo tama kayo ng basa may kasarian ako ng panlalaki at ayon sa aking doktor ay pwede daw akong makabuntis kaya naman todo ingat sila Mom sa akin.

Katwiran nila kasi ay, hindi pa raw sila handa para maging lola. Hahaha

Sus baka pag naka buntis ako dyan at makita nila ang little version ko ay kainin nila ang sinabi nilang ayaw pa nilang magka apo.


Pero pag si Ma'am Camela iyon. Naku kahit magalit na ang lahat. Hindi ko bibitawan yun.


Baka mas anakan ko pa siya. Para tuluyan ng maging akin sya. Pero bago ang lahat eh dapat ko munang ayusin itong si Ma'am at baka nangangalay na ito dito sa upuan ng kotse ko.

Kaya mabilis na nag drive na ulit ako ng aking kotse at dumiretso na papunta sa aking condo.


Saka ko na lang iisipin ang sasabihin ko dito pag nagising na siya. Pero for the meantime eh iuuwi ko muna siya doon.


Habang nag da drive na ako ay panay pa rin ang sulyap ko dito. Nasisiyahan ang puso ko na katabi ko lang siya ngayon dito sa aking kotse.


Feeling ko tuloy ay parang girlfriend ko ito na ihahatid pauwi sa kanilang bahay.

Nakakatuwa lang na kahit sa ganitong bagay ay ma feel ko na parang girlfriend ko na rin siya.


Maya lang ay nag pa tugtog na lang ako ng music medyo malayo kasi ang aking condo sa bahay niya eh. sakto naman  na passenger seat ang song na pumailanlang sa aking stereo ngayon.

Mas lalo naman na kinilig ako habang nakikinig at sinasabayan ang kanta. Saktong sakto sa amin ni Ma'am ang kanta na ito. 

Mga ilang minuto pa ang itinagal ng biyahe namin ng makarating kami sa aking condo.

Mabilis na nag park ako ng aking kotse at bumaba na rin.

Umikot lang ako sa may kabila upang alisin ang pagka seatbelt ni Ma'am Camela.

Maingat na binuhat ko naman ito ng pa bridal style mula sa aking kotse at pumasok na kami sa lobby ng building.

Nginitian ko na lang ang receptionist at tumuloy na sa elevator upang makarating na kami sa aking unit.

Medyo may kabigatan man ay kinaya ko pa rin naman na buhatin siya. Hays ang bango niya talaga at ang lambot ng kanyang katawan. Medyo nakakawala lang sa wisyo ito pero hindi muna dapat yun ang isipin ko.

Siguro kung gising itong si Ma'am Camela malamang na hindi ito mag papabuhat sa akin ng ganito ngayon.

Baka masampal pa siguro ako nito. Lalo na pag nalaman nya na may gusto ako sa kanya. Baka nga pag bintangan pa ako nito na hinipuan ko sya eh.

Hays buti na lang at nakatulog siya. Meron kasi iyong ibang mga lasing na ang kukulit eh.

Madami na rin kasi akong nakitang mga ganun. Tapos sobrang clingy pa nila at panay ang yakap sa iyo.

Lalo na yung pinsan ko, aruy pag nalalasing yun bigla na lang nang hahalik na kala mo eh di babae kung kumilos.

Kaya nga pag nag aaya sa akin na mag bar kami noon ay halos di ako sumama sa kanya eh. Paano ilang beses na kasi akong nahalikan nya. Pero sa pisngi lang ha. Never ko itong pinahalik sa iba. Maliban lang kay Ma'am Camela. Dahil siya lang ang gusto kong makahalik sa aking labi naka reserve na kaya ito sa kanya.



Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon