Camela
Monday
Nagtuturo na ako dito sa first subject ko. Medyo mainit ang ulo ko ngayon. Halos dalawang gabi na rin kasi na hindi maganda ang tulog ko.
Paano naman kasi naiisip ko palagi si Fortalejo. Lalo na ang halik na pinagsaluhan namin nito sa kanyang condo.
Naiinis na ako sa sarili ko. Alam ko na straight ako at never pa akong nagkagusto sa kapwa ko babae. Kahit ba magaganda ang mga ito ay wala lang sa akin ang mga iyon.
Kaya nga naiinis din ako sa mga kaibigan ko na sobra ang pagiging territorial nila sa kanilang mga jowa na kapwa din lang nila babae at mga estudyante pa ng mga ito.
Ayaw ko matulad sa mga ito na sa estudyante lang din pumatol at mga babae pa ang mga ito.
Hindi naman sa homophobic akong tao pero mali kasi talaga na makipag relasyon ka sa kapwa mo babae lalo pa at estudyante mo ito. Pwede ka kasing matanggal sa trabaho at matanggalan pa ng licensed dahil lang doon. Tsaka pwede ka ring makulong
Hindi ko kakayanin na pag chismisan ako at ang issue ay dahil may karelasyon akong estudyante at babae pa.
Nakakatawa lang kung ganon ang mangyayari diba? Yung pinaglaban mo sa mga magulang mo na ganitong course ang kukunin mo tapos masisisra lang dahil doon.
Kaya nakapagpasya na ako habang maaga pa at hindi pa ako na a attached sa batang iyon ay iiwasan ko na siya.
Mas maganda na gawin ko na iyon ngayon pa lang.
Agad na akong nag dismissed sa mga ito pagtingin ko sa wristwatch ko na malapit ng matapos ang first period.
Mabilis lang na inayos ko ang mga gamit ko bago tuluyan ng lumabas sa room ng mga ito.
Medyo kinakabahan na ako dahil sila Fortalejo na ang susunod kong classes ngayon.
Hindi ko na lang ito titignan para hindi ako ma distract habang nag di discuss ako mamaya. Tama ganun na lang ang gagawin ko.
Nang makarating ako sa room ng mga ito ay agad na silang nagsipag tayuan sabay bati sa akin na tinanguan ko lang.
Pasimple ko naman na tinignan si Fortalejo na ngayon ay nakayuko na rin lang. Mukhang wala din yata itong plano na tignan ako.
Dahil doon ay di ko maiwasang masaktan. Kahit ba plano ko na iwasan ito ay masakit pa rin na ito ay iiwas sa akin.
Nag discuss na lang ako at pa minsan minsan ay pasimple pa rin akong tumitingin dito pero kahit kailan talaga ay never pa rin ako nitong tinignan.
Naiinis na ako dito sa totoo lang. Ano ito? Siya pa talaga ang may gana na hindi ma mansin? Bakit sino ba siya sa tingin niya? Naiinis na palihim ko na lang itong inirapan dahil doon.
Mainit pa rin ang ulo na agad na akong nag dismissed sa mga ito. Baka kasi sumabog lang ako doon.
Kapal ng mukha niya na hindi ako pansinin ha. Bahala siya dyan. Kainis
Huwag niyang sabihin na nagtatampo siya sa akin dahil sa hindi ko pag invite sa kanya na pumasok sa loob ng bahay ko? Hello para iyon lang nag kakaganyan siya.
Pero ng maisip ko rin na baka iyon nga ang dahilan ay parang gumaan na rin ang pakiramdam ko.
Agad na akong tumuloy sa aking office pagkarating ko sa faculty. Nilagay ko lang ang mga gamit ko doon at pumunta ako sa office ni Jane.
Balak ko kasi na sunduin na ito doon at medyo gutom na rin kasi ako eh.
Hindi kasi ako nakapag almusal kanina at medyo na late ako ng gising dahil nga sa late na ako nakatulog dahil kay Fortalejo.
Hindi na ako kumatok at diritso na akong pumasok sa office nito. Nagulat na lang ako na may kahalikan ito na halos magpalit na sila ng mukha ng asawa niyang si Avril.
Agad naman nag hiwalay ang dalawa at sinamaan ako ng tingin ni Jane. Mukhang na bitin pa yata ang gaga. Samantalang yung asawa nito iyon pulang pula na ang mukha. Halatang halata mo dito na nahihiya siya.
"Ano ba ang kailangan mo at agad agad kang pumapasok dito sa office ko na hindi man lang kumakatok?" Inis na sita nito sa akin habang inaayos niya ang kanyang sarili.
"Sino ba kasi ang nagsabi sa inyo na mag tukaan kayong mag asawa dito sa office mo? Hello school ito no at hindi ito bahay nyo. Mamaya may biglang pumasok at nahuli kayo dyan ma chismiss pa kayo." Inis rin na turan ko dito.
Siya pa talaga ang may ganang mainis sa akin. Mabuti nga at ako ang nakakita sa kanila sa ganitong sitwasyon eh.
"Inggit ka lang. Paano hanggang ngayon wala ka pa ring jowa." Nasabi na lang nito sa akin.
"Oh ano nga pala ang ipinunta mo dito sa office ko at kay aga aga ay ng e isturbo ka?" Tanong naman nito
Naupo muna ako sa couch nito malapit sa kinauupuan ng asawa nitong si Avril na tahimik lang na nag mamasid sa amin dalawa.
"Mag aaya na sana ako na kumain na tayo. Nagugutom na kasi ako eh. Hindi pa kaya ako nakapag breakfast at late na ako nagising." Pagaaya ko na dito.
Maya lang ay tumayo na rin ang asawa nito. Mukhang aalis na sana siya.
"Babe alis na ako ha. Baka hinihintay na ako ni Stephanie eh." Paalam nito kay Jane
"Bakit nag mamadali kang umalis? Siguro may kikitain kang babae doon no? Subukan mo lang talaga Avril at sinasabi ko sa iyo." Masungit na turan nito sa asawa niya.
Napakamot naman sa kanyang ulo si Avril dahil sa tinuran ni Jane dito.
"Babe naman alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko eh. Hindi ko magagawang mambabae dahil mahal po kita." Sabi naman nito kay Jane
"Siguruhin mo lang. Sige na umalis kana." Pagtataboy na nito kay Avril.
Nakangiti naman na itong umalis pero bago iyon ay nagnakaw pa muna ito ng halik sa asawa niya. Tsaka mabilis na itong umalis.
Habol tanaw na lang naming dalawa ni Jane ng tingin ang asawa nito. Ako na nakataas ang kilay dahil sa harap ko pa talaga nag lampungan ang mga ito.
Samantalang si Jane naman iyon. Anlaki ng ngiti na akala mo ay nanalo sa luto.
3/30/2022
BINABASA MO ANG
Ms. Camela Martin
RomanceLauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.