Chapter 16

5.9K 260 13
                                    

Camela




Nandito na kami sa harap ng bahay. Kaya agad na akong bumaba sa kotse nito at hindi na ito hinintay pa na ipag bukas niya ako ng pinto.



Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Dahil parang hindi ako itong nasa katawan ko ngayon.



Sobrang nahihiya na ako sa mga pinag gagawa ko. Ano ang nakain ko at naitanong ko ang tungkol sa babaeng espasol na iyon sa kanya.



Hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin kanina. Basta feeling ko kasi ay hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang relasyon nilang dalawa ni Fortalejo.



At aaminin ko na natuwa ako kanina sa sinabi nito na kaibigan nya lang ang babae na iyon.



Para bang nabunutan ako ng tinik sa dibdib at naka hinga ng maluwag ng sabihin nito ang bagay na iyon.



Kaya heto ako ngayon nahihiya dito sa pinag gagawa ko kanina. Ano na lang kaya ang iisipin nito sa akin.



Baka maya isipin pa nya na may gusto ako sa kanya kaya nag tanong ako ng bagay na iyon.



Dapat talaga habang maaga pa ay layuan ko na ito. Hindi kasi ako comfortable pag nasa malapit lang ito eh.



Gaya na lang nung nasa condo kami nito kung ano na lang ang ginawa ko doon. Pati nga ang gumanti dito ng halik ay nagawa ko rin eh.



Kaya heto ako ngayon kahit na gusto ko sana itong e invite na pumasok muna sa loob at alukin siya ng meryenda ay di ko na lang ginawa. Baka kasi ano pa ang mangyari pag nasa loob na kami ng bahay ko.



Nang makalapit sa kabila kung saan siya nandoon ay bigla ko na lang sinabi dito na " maraming salamat sa pag hatid Fortalejo," tsaka nagmadali na itong tinalikuran at tuloy tuloy na akong pumasok sa bahay ko.



Pagkapasok ko sa loob ay parang doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. My god ano ba itong nangyayari sa akin at bakit ako nag kakaganito?



Para sa isang estudyante lang eh mag kakaganito na ako? Ano ba ang meron sa Fortalejo na iyon? Hays kainis.



Nag tuloy tuloy na ako sa aking kwarto at agad na akong nag handa ng aking isusuot. Sobrang nakakatihan at nababahuan na ako sa sarili ko.



Isa din iyon sa kinakahiya ko kay Fortalejo. Alam ko na medyo may amoy na ako ng kunti kaya halos ayaw ko na lumapit dito o ito sa akin eh.



Dahil baka mabahuan lang ito. Nakakahiya pa sa kanya. Maya e chismiss pa ako nito sa school.



Nang ma ready ko na ang aking mga susuotin ay maliligo na sana ako ng maisip ko na tignan ang cellphone ko.



Kanina ko pa ito hindi na check eh. Baka may mga important na message at call na akong hindi na read at na received.



Pagtingin ko sa cellphone ko ay low bat pala ito kaya naman pala wala akong narinig na notification mula dito.



Nag charge na muna ako bago naligo na.



After ko maka pag bath at makapag bihis na rin ay agad ko ng on ang cellphone ko.



Sunod sunod na notification ang natanggap ko. At halos karamihan ay galing kay Catherine. Sa babaeng iyon.



Matapos ko siyang samahan sa mga pagpapaka gaga nya ay iiwan niya lang ako mag isa doon sa party.



Naiinis pa rin talaga ako dito hanggang ngayon. Manigas siya dyan. Hindi ko siya papansinin. Paano na lang pala kung hindi ako nakita noon ni Fortalejo baka kung ano na ang nangyari sa akin.



Maya lang ay nag ring na ito at si Catherine nga ang tumatawag. Ignore ko lang ito. Naiinis pa rin kasi ako eh.



Nang manawa na ata itong tumawag ay nakatanggap naman ako ng message mula dito.



"Bes asan kanaba? Please sagutin mo naman ang tawag ko oh. Nag aalala na ako sa iyo. Wala pa akong tulog mula kagabi. Please naman bes. Sorry na." Message nito sa akin.



Kilala ko rin na hindi marunong humingi ng sorry ang babaeng ito. Pero naman kasi sobrang nakakainis ang ginawa niya.



Muntik ko ng ikapahamak kaya iyon. Mabuti na nga lang ay napunta ako sa mabuti kong estudyante. Dahil pag nagkataon eh baka nawala na lang basta ang perlas ng silangan ko at kung kanino ko na lang ito naibigay.



Nag dadalawang isip kung sasagutin ko ba ang message nito o ignore ko na lang ulit. Pero mas maganda ng mag message na lang ako dito.



Kawawa din naman kasi at hanggang ngayon daw ay di pa rin siya nakakatulog.



Nag message na lang ako dito ng. " Okay lang ako, nandito na ako sa bahay. Huwag mo na lang muna ako tawagan ngayon at naiinis pa rin ako sa iyo." Message ko dito



Alam ko naman na na gets na nito ang ibig kong sabihin. Dahil pareho lang ang ugali naming mag kakaibigan. Kaya nga nagka sundo kaming lima eh.



Nang ma send ko na ito sa kanya ay nagpatuyo na agad ako ng buhok.



Need ko na matulog ulit dahil hanggang ngayon ay masakit pa rin ang aking ulo. Kahit ba biniyan na ako ng gamot kanina ni Fortalejo eh nabawasan lang ang sakit pero need ko pa rin talaga na matulog.



Feeling ko kasi ay sobrang puyat ang pakiramdam ko ngayon eh.



Nang matuyo ko na ang aking buhok ay natulog na ako. Pero nakahiga na ako at lahat di pa rin ako dalawin ng antok.



Panay lang ang ikot ko sa kama pero hindi naman ako makatulog. Parang may gusto akong gawin na hindi ko naman alam kung ano iyon.



Tapos pag pipikit ko ang mga mata ko eh si Fortalejo naman ang naiisip ko na para bang gusto ko ulit bumalik sa condo nito at doon na lang tumambay mag hapon.



Naiinis na napabangon na lang ako sa aking kama. Ano ba talaga ang nangyayari sa akin? Kailangan ko na bang magpatingin sa Doctor at ng malaman ko kung ano ang sakit na ito?



O baka naman kinulam ako ni Fortalejo. Simula kasi nung halikan niya ako eh ganito na ang nararamdaman ko na para bang siya lang ang nakikita ko.



Sabagay wala pa naman akong ibang nakikita mula kaninang pag gising ko.



Hays dala lang siguro ito ng hangover. Kaya hindi na talaga ako iinum pa.




3/11/2022






































Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon