Chapter 7

6.6K 273 13
                                    

Lauren

Katatapos lang namin kumain at nagpapahinga pa kami ni Janine dito sa kanyang office. Maganda kasi tumambay dito eh. May sarili siyang tv at may room pa na pwede kang matulog doon. Minsan nga sinasamahan ko pa yan na mag sleep over dito lalo pa at may mga importante silang ginagawa at kailangang gawin overnight. Lalo na kung foundation week, halos hindi na kami umuuwi ng bahay. Uuwi lang para kumuha ng damit. Hindi ko rin naman kasi siya maiwan lang dito mag isa. Ano pang silbi ko na kaibigan nito kung gagawin ko iyon. Madalas din kasi akong tumulong sa kanila lalo na pag wala naman akong ginagawa at okay lang din naman kila Mommy basta magpapaalam ako sa mga ito.

Kaya mas like ko talaga na pumupunta dito kaysa mag pa ikot ikot ako dyan sa campus. Tapos ang makikita ko rin lang naman ay yung mga nag haharutan na estudyante. Maiinggit lang ako nun. Mabuti sana kung kaharutan ko si Ma'am Camela baka sa office na niya ako tumambay pag ganun. Hindi na makikita nitong si Janine ang anino ko. Hahaha

"Magpahinga ka na lang muna doon sa room Lauren kung gusto mo. Medyo marami pa kasi akong gagawin eh. Anong oras ba ang next subject mo?" Tanong nito sa akin

"Mayang 2 pm pa naman eh. Manonood na lang muna ako sa room ha. Maiwan na kita diyan at baka maka istorbo pa ako sa iyo." Pag papaalam ko dito sabay pasok sa room nito.

Agad ko namang open ang tv nito at nag hanap ng magandang panoorin. Panay lang ang lipat ko ng channel pero wala pa rin akong nagugustuhan.

Sa inis ko ay pinatay ko na lang ito. Ta tambay na lang ako sa Facebook. Buti doon eh makikita ko si Ma'am Camela. Pwede ko na namang titigan ang napaka ganda nitong mukha.

Pasalamat na nga lang ako na di naka private ang FB nito eh. Kaya tuloy lagi akong updated sa mga nangyayari dito. Yung iba kasi nitong mga kaibigan ay mga naka private ang mga account nila eh. Sabagay wala naman akong pakialam doon kasi nasa kanya lang naman ang gusto kong malaman at makita.

Busy na ako ngayon sa pagtingin ng mga picture ni Ma'am Camela. Ito na naman ang aking dibdib nag papaligsahan ulit sa pagbilis ng tibok.

Hays ang ganda nya talaga. Mabigyan lang talaga ako ng pagkakataon na mapalapit dito ay gagawin ko talaga ang lahat ng paraan mapaibig ko lang sya.

Panay lang ang scroll ko sa Facebook nito kaya naka ngiti lang naman ako ng malaki ngayon na parang tanga.

Di ko tuloy napansin ang pagpasok ni Janine dito sa kwarto at may ngiti ng pang aasar na nakatingin ito sa akin.

"Oh tama na yang pag titig mo sa crush mo. Mag 2pm na, kaya mag ayos kana rin at lumayas na dito sa office ko. Isa kapang kalat dito. " Pang aasar na may kasamang pang tataboy nito sa akin.

Sinamaan ko naman ito ng tingin. Makapalayas naman kala mo hindi ako napapakinabangan pag nandito ako.

Hala mag 2pm na pala di ko ulit namalayan ang oras. Basta pag sya ang nakikita ko eh parang napaka bilis lang nito sa akin.

Agad ko naman ng close ang Cellphone ko at tumayo na rin dito sa aking kinahihigaan.

Nag hilamos lang ako ng mukha at nag apply ng kaunting makeup nang di naman maging putlain ang itsura ko.

Nang makita ko na mukha na rin naman akong tao ay tuluyan na akong nagpaalam dito kay Janine.

" President una na ako ha." Paalam ko dito. Tumango lang naman ito sa akin kaya tuluyan na akong umalis sa office niya.

Paglabas ko ng room ay nakita ko ulit ang ibang mga officer's na busy pa rin sa kanilang mga ginagawa.

Hay ano ba yan. Unang araw pa lang ng pasukan, pero mukhang mga naluging ewan na ang mga officers na ito. Sa isip isip ko. Masyadong ginalingan at kahit free time nila nagtatrabaho pa rin sila.

Kaya ayaw ko sumali sa mga ganyan eh.

Paglabas ko sa office ng SSC ay dumiretso na ako sa room kung saan ang susunod kung subject.

Nakasalubong ko pa ang mga kaibigan ni Ma'am Camela ko. Binati ko naman agad ang mga ito pero as usual walang pagbabago di ako pinansin. Tuloy tuloy lang sila sa pag lakad nila na parang ginawang runway ng mga models ang hallway ng school.

Wala ka naman talaga itulak kabigin sa mga ito kung pagandahan lang ang labanan. Pero kung pagandahan naman siguro ng ugali eh itutulak mo na lang ang mga ito sa sama ng ugali.

Pagdating ko sa room ay wala pa rin si Prof. Sabagay maaga pa naman kasi eh. Agad na akong umupo sa dulong bahagi ng room saka ko nilabas ang binabasa kong libro.

Dinig ko ang pag chi chismisan ng mga classmates ko pero wala akong pakialam sa mga ito. Ang mahalaga sa akin ay makapag basa ako dito sa sulok at walang mang iistorbo sa akin.

Mababait naman ang mga iyan di naman ako guguluhin dito sa tabi. Maya lang ay lumapit sa akin iyong classmates ko. Mukhang nagkamali ata ako sa word na di guguluhin ah.

"Ahmmm Lauren, pwede ka bang invite sa birthday ko sa Linggo? May party kasi sa bahay. Baka naman gusto mo pumunta." Pa cute na pag i invite nito sa akin habang di siya mapakali sa kanyang kinauupuan.

Panay kasi ang laperot nito sa kanyang kamay na para bang hiyang hiya sa kanyang mga sinasabi.

Balak ko pa sana dito sabihin na di ako pumupunta sa mga party na ganyan. Pero kasi yung itsura nito ngayon eh nakaka ano na biruin.

Kaya napa sagot na lang ako sa kanya ng ganito.

"Ahmmm, pag isipan ko pa ha. Di ko kasi sure kung payagan ako eh. " Dahilan ko na lang dito.

Ako kasi iyong klase ng nerd na mahilig pumunta sa mga party. Di ako yung tipo na loner. Na nasa gilid lang at binubully lang ng kung sinong popular dito sa school.

Tsaka di nila ako kayang e bully dito no. Subukan lang naman nila. Lagot sila sa best friend ko na isang Presidente lang naman ng SSC dito sa campus.


Baka sila pa ang e bully ko. Pero syempre di ko gagawin yun no. Mabait kaya akong nilalang na may pagka cute lang. Kaya nga maraming nagpapa cute sa akin dyan eh di ko lang pinapansin.hahaha


Pero di ako ang nagsabi na cute ako ha. Yung mga nakakausap ko lang ang nag sa sabi sa akin nun. Ang hilig kasi nilang hawakan ang mukha ko tapos kukurutin iyon. Sakit kaya nila manggigil bago bitawan ang mukha ko eh todo pula na.  Mga sadistang ewan.



Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon