Chapter 4

6.8K 297 12
                                    

Camela


Maaga akong pumasok ngayong araw na ito. First day of school na naman kasi eh. Di na nga ako nakapag breakfast kasi nga medyo late na rin ako nagising.

Paano naman kasi nag bar pa kami kagabi ni Catherine dahil may binabantayan ito doon sa bar. Na isang matigas ang ulo na kapatid ng boyfriend niya. Anong oras na kasi bago palang niya ito nilapitan at napapayag ni Catherine na umuwi na. Kung wala pa siguro ditong lumapit na babae at hinarot ito ay malamang na hanggang tingin palang muna ang gagawin nito. Kaya naman medyo puyat din ako. Dahil halos dis oras na ng gabi ng umuwi iyong batang kanyang binabantayan.


Di pa lang kasi nilapitan nito at niyaya ng umuwi tuloy na damay pa ako sa pagpupuyat nito. Panay lang naman ang tingin nito ng masama doon sa bata lalo na pag nakikita namin na may kaharutan ito doon.


Bilib nga rin ako sa kanya kagabi eh. Alam ko na maikli din lang pasensya nito na katulad naming magkakaibigan kaya napahanga niya talaga ako na nakapag pigil pa sya.

Tanga din kasi. Yung kapatid ang gusto pero yung kuya ang pinili at sinagot. Hayst tapos idadamay ako sa pagbabantay niya dito sa lahat ng pinupuntahan nung bata. Tapos magagalit kapag may gustong lapitan yung bata. Parang tanga.


Nang makarating na ako sa school ay agad na akong tumuloy sa aking office at hinanda na agad ang aking mga dadalhin para sa aking first subject ngayong araw na ito.

Mabilis din lang ang mga kilos na pumunta na ako sa room kung saan ako naka assign ngayon.

Agad namang tumahimik ang mga estudyante ng makita na pumasok na ako sa loob. Mahahalata mo sa mukha ng mga ito na takot sila sa akin kaya napapangiti ako ng palihim dahil sa bagay na yun. Tama lang yan na matakot kayo sa akin para madali ko lang kayo mapapasunod. Pinaka ayaw ko pa naman ay ang matitigas ang ulo at mga irresponsible na tao. Kaya nga pag nakita ko na hindi sila nag seseryoso sa subject ko ay mas lalo ko talaga silang pinapahirapan.

Sabay sabay na rin silang tumayo at bumati sa akin. Pero dahil wala akong pakialam sa kanila ay dumiretso lang ako sa table at inilagay doon ang aking mga dalang gamit.


Agad ko ng kinuha ang mga class card ng mga ito at nag sulat na agad sa board ng aking topic sa loob ng semester na ito. Nasa kanila na lang yan kung mag a advance reading sila o hindi.


Pero dahil kilala nila akong isang terror din at namamahiya dito sa Campus ng mga ta tanga tanga at bobo na estudyante ay malamang magsipag aral ng mabuti mga ito.


Nasa kanila naman na iyon kung gusto nilang mapahiya eh. After ko makapag sulat ay nag dismissed na rin ako ng maaga. Wala din naman kasi ako sa mood ngayon na mag discuss agad. Tsaka first day of school palang kaya okay na yung ganun muna. Next meeting nalang ako mag discuss sa mga ito.

Baka ma high blood lang ako pag walang makasagot ng mga itatanong ko sa kanila.

Paglabas ko ng room ay di ko maiwasang di lingunin ang mga iniwan kung estudyante sa loob ng room. Kita ko sa mga mukha ng mga ito ang relief ng makalabas na ako sa room nila.

Gustuhin ko mang matawa sa mga reaction nila ay di ko na lang ginawa. Baka isipin pa nila na nasisiraan na ako ng ulo at tumatawa mag isa. Dapat poker face lang tayo. Ganun na ba talaga sila katakot sa amin? Eh di pa nga ako nagsasalita eh. Saka na sila matakot pag wala silang maisagot sa mga tanong ko sa kanila.

Di naman ako yung klase ng tao na pag trip eh ma mamahiya na lang basta. Dapat may reason din naman ah. Ano yan parang tanga lang diba. Baka ma e reklamo pa ako sa dean nito pag nagkataon.

Nang makalabas na ako ay sakto na palabas na rin ng room niya si Catherine na ngayon ay napaka pormal ng mukha nito.

Sabagay kailan ba kami ngumiti ng basta basta na lang nang wala namang dahilan. Mukhang di pa ako napapansin nito.

Kaya nag madali na akong nilapitan ito agad. "Hoy Mukhang bad mood tayo ngayon ah?" Tanong ko kaagad dito paglapit ko pa lang sa kanya.

Medyo nagulat naman ito ng bigla akong magsalita sa harap niya. " Ano ka ba naman Camela bakit ka ba kasi nanggugulat ha?" May inis na sabi nito sa akin.

"Duh, ikaw lang kaya ang di naka pansin sa akin na lumapit ako sayo. Paano sobrang lalim nang iniisip mo na halos di na kayang maabot. Bakit nga pala mukhang badtrip ka?" Tanong ko ulit dito.

Bigla naman itong sumimangot at parang napa irap pa talaga. "Paano naman kasi napaka landi nya talaga, sa harap ko pa talaga la landiin nya yung mukhang hipon na queen bee kuno na iyon. Eh ni sa kalingkingan ko walang binatbat yung malanding iyon eh. Kainis talaga ang bwisit na iyon." May panggigigil pang sabi nito sa akin habang parang gusto pa atang mag wala dito sa tabi ko.

Hindi nalang ako nag komento pa at baka lalo lang uminit ang ulo nito at idamay pa ako na syempre papatulan ko rin. Ano yan. Problema niya tapos idadamay ako.

Mukhang badtrip nga talaga siya. Ewan ko ba naman kasi dito sa kaibigan kong ito at bakit nagagalit doon sa bata.

"Bakit ka ba kasi nagagalit sa kanya ha? Eh ano naman kung humarot sa iba yung tao? Wala ka na sigurong pakialam doon diba? Kahit naman sabihin mo na boyfriend mo kasi yung kuya niya eh di mo kargo yung bata. Doon ka lang sa kuya dapat may pakialam." Di ko na napigilan na tanungin dito. Naguguluhan na rin kasi ako sa kanya eh.

May pa bantay bantay pa siyang nalalaman. Hello matanda na rin kaya yang si Lineia. Tsaka kayang kaya na non ang sarili niya. Ang talino nga nun eh. Medyo hindi nga ako nag didiscuss kapag estudyante ko siya at more on pa report nalang ang pinapagawa ko at baka may mali akong masabi tapos itama pa ako sa harap ng mga classmates nito. Patay ang reputation ko nun.

"Basta di sya pwedeng makipag landian sa iba." Inis naman na sabi nito sa akin at medyo nag madali na siyang naglakad na para bang iniiwasan na nito na matanong na naman sya.

Medyo inis naman na sinundan ko na rin ito sa kanyang pag lalakad. Paliko na sana kaming ng may bigla kaming nakasalubong na isang nerd. Mukha naman syang cute at malinis tignan. Hindi siguro ito na bubully ng mga estudyante dito kaya ganyan siya malinis tignan. Sa isip isip ko.

Agad itong nag yuko ng kanyang ulo sabay bati sa amin ng good morning pero di na namin ito pinansin at nilampasan na lang siya basta. Naamoy ko pa ang mabango nitong amoy na parang nakapag pa relax sa aking pakiramdam.

Pero di ko na lang pinansin at tumuloy na lang ng lakad papunta sa susunod na klase ko.


Medyo maaga pa naman eh pero ayaw ko na kasing bumalik pa sa office tapos mag hihintay ng oras. Mas maganda na tumuloy na lang ako doon. Total malapit na lang naman eh.



Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon