Lauren
Nasa kalagitnaan na ako ng panonood ng SpongeBob ng biglang lumabas mula sa dinning area si Lavine.
Nakangiti ito na lumapit sa akin. "Lauren halika na, tapos ko na ma prepare ang lahat. Kain na tayo." Pag aaya nito sa akin sabay hawak ng kamay ko at hinila na ako pa puntang dinning room nito.
Medyo napahinto ako sa paglakad ng bumungad sa akin ang ayos ng table nito.
Nakapatay na ang ilaw at ang nagsi silbing liwanag na lang dito ay ang candle na nasa table ngayon.
Napakaganda ng pag kakaayos niya. Kung titignan mo nga ay parang sa isang mag kasintahan na may special dinner date ang ayos nito ngayon.
Nagtataka na binalingan ko ng tingin si Lavine ngayon na nakatingin din lang pala sa akin at hinihintay ang magiging reaction ko.
"Lavine, sure ka ba na ako talaga ang invite mo dito at hindi ang boyfriend mo?" Pag uulit ko dito. Paano naman kasi hindi ako mag tataka eh ganito nga ang nakikita ko.
Yung akala ko na simpling dinner lang ng mag kakaibigan ay parang naging dinner date na ng mag kasintahan.
"Lauren, ilang ulit ko din bang sasabihin sayo na wala pa nga akong boyfriend dahil may hinihintay ako na manhid na tao. Kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma gets na may gusto ako sa kanya." Inis na turan naman nito sa akin.
Ha? May gusto na pala itong iba eh bakit hindi iyon ang ayain niya na kasama mag dinner ngayon? Hindi iyong nananahimik ako mag aaya siya ng ganyan. Tapos maiinis sa akin pag panay ang tanong ko.
Hay mga babae nga naman ang hirap spellingin may gusto naman palang iba hindi iyon ang niyaya tapos mag gaganito sa harap ko. Napapailing na lang ako sa isip ko.
Tumahimik na lang ako at di na nag comment pa doon sa gusto daw nitong tao at baka mamaya tuluyan na itong magalit sa akin.
Lalo pa naman ito at natatakam na ako sa mga pagkain na nakahain na dito sa may table nya. Puro mga favorite ko pa naman mga iyon.
Pinag hila ko na lang ito ng upuan saka ako umupo na rin. Dalawa lang kasi ang chair na nandito so ito naman siguro ang para sa akin na upuan.
Balak ko pa sana itong tanungin kung hindi na ba namin hintayin ang mga friends nito. Pero huwag na at baka magalit pa siya.
Mabilis ko na itong pinaglagay ng pagkain sa kanyang plate at saka pa lang ako nag lagay ng para sa akin.
"Ano ang gusto mo na kainin dito?" Tanong ko dito para maipag lagay din sana siya.
Hindi naman ito nag sasalita basta naka tanga lang ito sa akin at parang namumula ulit ang kanyang mukha. Pansin ko lang
Balak ko sanang salatin ang noo at leeg nito pero mabilis na nitong pinigilan ang kamay ko.
"A-nong gagawin mo?" Medyo utal na tanong nito sa akin at parang mas lalo pa itong namula ngayon.
"Namumula ka kasi eh. Baka kasi may sakit ka kaya balak ko sanang tignan kung mainit ka." Sagot ko naman kaagad dito.
"Wala akong sakit Lauren, nainitan lang ako dala siguro ito ng pag luto ko." Sagot nito
"Napagod kapa tuloy sa pag handa ng mga ito. Sana pinapunta mo ako dito ng maaga ng natulungan sana kitang nag prepare ng mga pagkain na ito. Nasaan na ba yang mga kaibigan mo at akala ko ba ay may pag sasalo na magaganap ngayon?" Tuloy tuloy na tanong ko dito.
"Hayaan mo na sila may mga biglang pinuntahan eh. Bakit ayaw mo ba akong makasalo sa pagkain ngayon?" Tanung nito sa akin na parang may himig tampo pa ang boses nito.
"Hala hindi ha. Bakit naman ako aayaw na makasalo ang isang Ms. Lavine sa pagkain? Natutuwa nga ako at napansin ako ng isang katulad mo na sikat sa school eh." Nahihiyang sabi ko dito.
Medyo yumuko pa nga ako ng ulo kasi naman nahihiya din kaya ako sa kanya. Lalo pa at kaming dalawa lang ngayon dito. Tapos yung set-up pa ng kwarto eh parang sa mag jowa.
"Bakit ka naman mahihiya sa akin eh ako lang ito si Lavine na may malaking pagkakagusto sa iyo. Manhid ka nga lang at hanggang ngayon ay di mo pa rin ma gets na para sa iyo talaga ang lahat ng ito." Sabi nito sa akin pero di ko na narinig yung huli kasi nga halos pabulong na lang ang pagkakasabi nito eh
"Kumain na tayo, pwede ba Lauren? Baka may tanong kapa? Pwede na mamaya na lang at medyo nagugutom na ako eh." Pag iiba na nito ng usapan namin.
Agad naman akong tumango dito at kumuha na rin ng pagkain nang makita ko na balak nitong abutin ang adobo ay kaagad ko iyong kinuha at inabot sa kanya.
Kumuha na rin ito at nagsimula na kaming kumain.
Panay lang ang kwentuhan namin ng kung ano ano. Masarap din pala siyang ka kwentuhan. Makikita mo na may mga sense ang sinasabi nito at accurate ang mga iyon.
Hindi mo masasabi na isa itong spoiled na tao kasi naman ang sarap ng mga luto nya. Nahuli nito ang panlasa ko. Siguro kung ganito lang kasarap mag luto sila manang sa bahay. Malamang na palagi na ako doon matutulog sa bahay.
Patapos na kaming kumain at halos di na rin ako makatayo sa kabusugan dahil nga sa nakailang sandok ako ng kanin. Kasi nga naman po eh masasarap talaga ang luto nito. Lalo pa nga at puro favorite ko pa ang mga nakahain.
Nag papababa lang kami ng kinain ni Lavine ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Medyo di ko pa ito kaagad sinagot at baka di naman ganun ka important pero patuloy lang ito sa pagtunog kaya kinuha ko na lang ito sa suot kung pants at tinignan ito.
Number lang ang nakita ko na tumatawag. Wala sana akong balak sagutin kaya lang nag salita si Lavine. "Sagutin mo na yan at baka important yan" sabi nito sa akin.
Napipilitan tuloy na sinagot ko na lang ito pero nabigla ako ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/284109096-288-k765898.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Camela Martin
Roman d'amourLauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.