Lauren
Papunta na ako sa condo ni Lavine ngayon. Hindi ko na ito sinabi pa kay Janine at mang aasar lang naman kasi ang isang iyon.
Agad na akong sumakay sa elevator ng makarating ako sa parking lot ng building.
May dala nga rin pala akong bouquet ng flowers para kay Lavine. Baka kasi sabihin nito na wala man lang akong kadala dala para sa kanya.
Tsaka nakakahiya rin kung sarili ko lang ang bitbit ko diba?
Nandito na ako sa may pinto niya ng maisipan ko na mag doorbell.
Maya lang ay bigla na lang bumukas ang pinto at lumabas ang isang Lavine na naka dress ngayon at kuntodo ayos nito na para bang may isang dinner date itong pupuntahan.
Parang ako pa ang nahiya sa suot ko na naka pants lang at white v neck na shirt and vans naman sa baba.
Hindi naman kasi ako na inform na formal dress dapat ang isuot ko. Ang alam ko lang ay isang simple ng dinner lang ng magkakaibigan ang mangyayari ngayon.
Bigla naman lumawak ang ngiti nito ng mapagbuksan niya ako ng pinto.
Oo aaminin ko na sobrang bagay sa kanya ang suot niya na dress. Mas lalo siyang gumanda dahil doon.
Agad ko naman siyang binati sabay abot ng dala kong flowers dito.
Mas lalo naman na lumaki ang ngiti nito sa pag bigay ko sa kanya ng flowers. " Salamat Lauren, hindi kana sana nag abala pa. Pero maraming salamat pa rin dito ha." Tuwang tuwa na sabi nito sa akin sabay hila ng kamay ko papasok sa loob ng kanyang condo.
Hindi ko naman maiwasang igala ang aking paningin sa kabuoan ng condo niya. Halatang halata mo ang karangyaan ng nakatira dito.
Mukhang mga mamahalin kasi ang mga kagamitan na makikita mo dito sa loob. At isa pa ay mahahalata mo rin na babae ang nakatira. Dahil sa ayos pa lang at interior design nito ay mahahalata mo na talaga.
Hindi naman sa pag aano ha mas maganda talaga ang condo nito compare sa akin. Pero okay lang hindi naman ako nakikipag paligsahan dito.
"Maupo ka muna dyan Lauren at mag hahanda lang ako ng dinner natin." Mabilis na sabi nito sa akin sabay alis na sa aking harapan.
Gusto ko sanang itanong dito kung nasaan na ang mga kaibigan nito pero naka alis na kasi siya eh. Baka nahuli lang siguro ng dating ang mga iyon. Sa loob loob ko.
Tumayo na ako at balak ko sana na tulungan ito sa kanyang paghahanda. Hindi naman ako importanting bisita nito para maghintay lang dito at hindi na tumulong pa sa kanya.
Hello ako lang naman ito. Isang di naman importanting tao para pagsilbihan nito.
Nang makarating ako sa dinning room nito ay nagulat na lang ako pag pasok sa loob. Paano naman kasi andaming putahi ang niluto nito at tsaka may candle pa sa gitna. Although hindi pa naman iyon nasisindihan pero parang isang romantic dinner ang magaganap ngayon.
Bigla tuloy akong napahinto dahil doon. Hala baka may dinner ito at ng kanyang boyfriend tapos nandito pa ako na pasali sali dito sa condo niya.
Baka nahiya lang ito sa akin kanina sa restroom kaya napilitan na lang din ito na invite ako.
Kailangan ko na yatang magpaalam dito para naman hindi maging kahiya hiya ako mamaya at maging pasali sali lang ako sa kanilang dalawa.
Mabilis na pinuntahan ko si Lavine sa may kitchen at nakita ko ito doon na aligaga sa kaniyang ginagawa. Hays may cake pa yata itong hinanda.
Agad ko na siyang nilapitan. "Lavine!" Tawag pansin ko dito.
Agad naman akong nilingon nito at medyo kunot noo akong hinarap nito.
""Lauren, diba sabi ko sa iyo na pakihintay na lang ako sa sala at mabilis ko lang naman matapos ito at kakain na tayo." Seryoso na sabi nito sa akin ngayon.
Napakamot naman ako sa aking batok at nahihiya na sabihin dito ang balak ko na magpaalam sa kanya na aalis na ako.
"Eh gusto ko lang sana na mag paalam sa iyo. Mukhang may dinner date yata kayo ng boyfriend mo baka maka isturbo lang ako sa inyong dalawa mamaya." Nahihiya kong sabi dito.
Agad nangunot ang noo nito sa sinabi ko. Mukhang hindi niya yata nagustuhan iyon.
"Anong dinner date namin ng boyfriend ko na pinag sasabi mo dyan Lauren? First of all wala po akong boyfriend ha. Ikaw issue ka dyan. Pangalawa,yap may dinner date ngang magaganap at tayong dalawa iyon okay. Gets mo na ha. Sige na, umalis kana dito sa harapan ko at pumunta muna sa sala dahil hindi pa ako tapos. Mamaya kakaganyan mo ikaw na lang ang kainin ko dyan eh." Mahinang sabi nito sa akin sa may bandang dulo na. Kaya hindi ko na siya narinig pa.
At ano raw? Dinner date namin ito? Seryoso ba siya dyan sa sinasabi niya? Baka nabibigla lang siya? Huwag siyang pa ganyan at baka patulan ko ang pagbibiro niya.
"Sige na punta kana muna sa may sala ha. Saglit na lang ito okay. Manood ka muna doon kung naiinip ka." Nakangiti ng sabi nito sa akin. Sabay haplos pa ng kamay niya sa aking pisngi
Napipilitan naman na umalis na ako sa harap nito. Baka kasi kung ano pa ang magawa ko. Bakit parang ang harot yata nito ngayon sa akin.
Oh baka ganun lang talaga siya. Oo baka ganun nga lang siguro. Ngayon ko pa lang naman kasi siya nakakausap at nakasama siya ng ganito eh. Halos batian at ngitian lang naman kasi ang madalas na nangyayari pag nag kikita kami nito sa campus.
Bumalik na ako sa may sala at nanood na lang ako. Panay lang ang aking scroll ng channel. Like ko kasi manood ngayon ng cartoons eh.
Mas gusto ko pa itong panoorin kaysa sa mga horror movie na iyan. Para naman kasing timang na manonood ng ganun para lang takutin ang sarili.
Maya lang ay nakahanap na rin ako ng gusto kong panoorin. SpongeBob ang napili ko. Hays di talaga ako mag sasawa manood ng ganito kahit na paulit ulit lang.
Mas na re relax kasi ako pag mga ganito ang pinapanood ko eh.
3/27/2022
BINABASA MO ANG
Ms. Camela Martin
RomanceLauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.