Chapter 13

5.8K 267 4
                                    

Camela



Pag labas ng room na kinaroroonan ko ngayon ni Fortalejo ay napa padyak na lang ako sa inis ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa isip ko at gumanti ako ng halik sa batang iyon.


May kung ano na sumapi sa akin nung pag lapat palang ng di sinasadya ng mga labi namin kanina.


Mas lalong nawala ako sa sarili ko ng mag simula na nitong igalaw ang kanyang mga labi.


Nawala na lang ako sa aking sarili at gumanti na kaagad ng halik dito.


Kung hindi pa siguro kami mauubusan ng hininga ay malamang na hindi kami mag hihiwalay sa halikan namin.


Kaya nung balak pa sana nitong halikan ako ay nataranta na ako at bigla na lang ito sinampal ng malakas.


Pero dapat sa sarili ko iyon ginawa eh. Para magising na rin ako sa mga nagawa ko.


Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kanina kaya kung ano na lang ang mga pinag gagawa at sinabi ko dito.


Hindi ko man nakita ang expression nito kanina dahil tumalikod na siya sa akin kaagad ay alam ko at ramdam ko na nasaktan ko ito. Hindi lang sa physical but more on emotional.


Dahil mula ng nasampal ko siya ay hindi na ito tumingin sa akin at basta na lang lumabas sa kwartong ito.


Imbis na mag pasalamat na lang ako sa ginawa nito sa akin kagabi ay ganun pa ang nangyari.


Nang makalabas na ito ng kwarto ay agad ko ng inayos ang aking sarili. Sobrang nahihilo pa rin ako.


Dala na siguro ng hangover ito. Paano naman kasi na hindi ako malalasing eh panay ang inum ni Catherine kagabi ng alak na kinukuha ko naman sa kanya at ako na ang umiinom nito dahil ayaw ko na malasing ito.


Patay talaga ang nag papainit ng ulo nito pag nalasing siya panigurado iyon. Tapos iiwan lang naman pala ako mag isa nito doon. Lagot talaga ito sa akin pag naka uwe ako sa bahay.


Hindi ko na rin ito sasamahan sa mga ganyan. Akala niya makakalimutan ko iyon. Iniwan niya akong mag isa doon. Paano na lang pala at iba ang naka kuha sa akin at nag uwe tapos ginawan ako ng masama?


Mukhang mawawala pa talaga ng di oras ang perlas ng silangan ko ng ganun ganun na lang.


Mabuti na ngalang at si Fortalejo ang nagmagandang loob na eh uwe ako dito sa condo niya. Tapos ganito pa ang nangyari sa amin. Hays bakit ba kasi ang bilis ng kamay ko lalo na pag natataranta ako.


Ngayon tuloy hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa batang iyon.



Nag pasya na rin ako na tuluyan ng tumayo sa kama nito. At inayos na rin ang aking hinigaan.



Di ko naman maiwasang ilibot ang mata ko sa kwarto nito. Ang linis naman nito. Nasa ayos kasi ang mga gamit at kita ko rin ang napakadami nitong mga books. Na maayos na naka lagay sa kanyang bookshelves.


Mukhang mahilig ito sa mga books. Sabagay halata naman sa kanya na mukhang maypagka nerd. Hindi naman sa sinasabi ko na pag nerd na ay mahilig ng mag basa.


Hindi ko pa rin naman masabi na matalino din ito. Kasi nga kailan lang naman kami nag start ng classes eh.


Nang magsawa na ako katitingin dito sa kanyang room ay nag punta na ako sa cr nito.


Need ko ng maghilamos at naiihi na rin kasi ako kanina pa.


Pag pasok pa lang sa loob ng cr ay napahanga ulit ako. Malinis talaga siya. Ang bango din naman kasi. Agad ko na rin ginawa ang aking daily routine at tumingin na rin sa kabenit nito sa loob at nakakita naman ako ng extra toothbrush na agad ko ng kinuha.


Gagamitin ko na ito at babayaran ko na lang sa kanya ang lahat ng nagastos nito sa akin.


Pero sa ngayon ay pe perwesyuhin ko na muna siya. Mamaya na lang ako mahihiya dito pero sa ngayon ay wala na munang hiya hiya.


After ko makatapos ay lumabas na rin ako. Nakapag punas na rin ako ng mukha ko. May mga extra towel naman ito eh kaya iyon na lang ang ginamit ko.


Nang masiguro ko na okay na ako ay kinuha ko na ang aking shoulder bag at tuluyan na akong lumabas ng room nito.


Pag dating ko sa sala nito ay may naamoy akong mabango. Mukhang sa kusina ito nanggaling. Nag luluto siguro si Fortalejo.


Di ko naman maiwasang biglang kumulo ang aking tyan. Mukhang bigla akong nagutom sa naamoy kung iyon. Tsaka need ko ng coffee ngayon para mawala ng kunti itong sakit ng ulo ko.


Tumuloy na ako sa kitchen nito at nakita ko nga ito na busy sa kanyang pag luluto.


Mukhang sanay na sanay ito sa kanyang ginagawa. Mahahalata mo kasi sa kanyang pag kilos eh. Di ko rin maiwasang hindi humanga dahil doon.


Mostly kasi ng mga student na nag aaral sa university na pinag tuturuan ko eh mga spoiled ang mga iyon na wala na halos alam gawin sa buhay kundi mag waldas ng pera ng parents nila.


Pwera na lang talaga sa mga katulad nito na makikita mo na hindi siya kabilang sa mga iyon.


Nang mapansin siguro nito na nandito ako sa kitchen ay lumingon lang ito sa akin pero hindi naman siya nagsalit pa.


Nakatingin lang ito at mukhang nag hihintay sa sasabihin ko sa kanya.


Agad naman na akong ang salita at humingi dito ng paumanhin sa mga nagawa ko kanina.


Nag explain ako dito kaya naman medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko after ko makahingi dito ng tawad.


First time ko na humingi ng sorry sa student ko kaya sobrang hiya ang nararamdaman ko ngayon. At isa pa eh hindi ako sanay na humihingi ng sorry. Madalang pa sa patak ng ulan ko sambitin ang word na iyon.


Kaya magpasalamat talaga siya at humingi pa ako ng paumanhin sa kanya. King hindi lang ako nahihiya dito eh.


Agad naman itong ngumiti sa akin at humingi din ng sorry nya. Maya lang ay bigla na lang ito lumapit sa akin at pinaghila ako ng upuan tsaka inalok ng coffee habang hinihintay na makapag prepared siya ng breakfast namin.




3/7/2022










Ms. Camela Martin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon