Lauren
Biglang parang namanhid ang buong katawan ko dahil sa ginawa nito. Hindi ang pag sampal nya sa akin ang dahilan.
Kundi ang ginagawi nito ngayon na parang diring diri siya sa akin.
Agad na akong tumayo mula sa aking kinahihigaan at nag iwas na lang ng tingin dito.
Masama ang loob ko sa kanya sa totoo lang. Bakit siya nag a akto ngayon ng ganyan eh gumanti naman siya ng halik sa akin.
Tsaka hindi naman sinasadya yung pag lapat ng labi namin ah. Kasalanan niya kaya iyon. Siya itong bigla na lang pumatong sa akin at hinalikan ako.
Kahit ba sabihin na hindi niya sinasadya iyon. Pero ang point ko eh hindi ako ang dahilan kung bakit nangyari sa amin iyon.
Gumanti kaya siya ng halik sa akin. Iyon pa lang ay malinaw ng dahilan ko kaagad sa kanya iyon.
Okay inaamin ko rin na may kasalanan din naman ako at nadala lang naman ako sa kanyang malambot na labi ah.
Akala niya porket crush ko siya ay pwede na niya akong ganyanin na lang basta basta.
Bahala ka sa buhay mo. Hindi na kita papansinin pa. Ititigil ko na rin ang pagka gusto ko sa kanya.
Wala din naman kasi itong patutunguhan eh. Sasama lang palagi ang loob ko sa tuwing makikita ko siya. Lalo na pag naiisip ko iyong pangdidiri na naka paskil sa mukha nito.
Nang makatayo ako ay nag simula na rin akong humakbang palabas ng aking kwarto.
Bahala na siya dyan. Wala akong pakialam sa kanya. Kainis siya. Kala mo naman eh sobrang kagandahan ito. Oo na maganda talaga siya napaka sama lang talaga ng ugali.
Nakakainis na rin kung minsan. Di ko na pinansin pa ito at tuluyan ng lumabas ng aking kwarto.
Nang makalabas na ako ay napa buntong hininga na lang ako at dumiretso na ng lakad pa punta sa kitchen.
Mag luluto na ako ng breakfast at kanina pa ako nagugutom. Buti na lang talaga at sabado ngayon kaya walang pasok.
Bahala siya kung gusto niya munang kumain bago umalis oh di kaya ay umalis na lang siya ng tuluyan. Naiinis pa rin kasi ako sa kanya hanggang ngayon.
Parang di rin naman niya ginusto ang nangyari sa amin kung maka react siya dyan.
Kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang lambot ng kanyang labi dito sa labi ko. Di ko rin maiwasan na kiligin dahil doon.
Hays kainis ka talaga self. Bakit ba kasi nagka gusto ka pa sa dragon na iyon eh madami naman iba dyan na magaganda rin at magaganda pa ang ugali.
Nakokonsume na nag prepare na ako ng breakfast patapos na ako mag luto ng biglang pumasok sa loob ng kitchen si Ma'am Camela.
Naka tingin lang naman ito sa akin ngayon na parang may gustong sabihin pero hindi naman niya masabi.
Tumalikod na ulit ako dito at pinag patuloy ang pag luluto ko. Hindi ko na talaga siya papansinin kala niya ha.
"Fortalejo, gusto ko lang sana humingi ng tawad sa inasal ko kanina. Nabigla lang naman ako nun eh. Hindi ko naman sinasadya na masampal kita." Nakayukong paliwanag nito na para bang hirap na hirap din dito ang pag hingi nya ng sorry. Halatang halata naman kasi sa kanya na hindi basta basta humihingi ng sorry.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng palihim. Ang cute kasi ng itsura nito na nakayuko lang at parang hiyang hiya sa kanyang ginagawa.
Yung inis ko sa kanya kanina ay parang bula na lang na biglang nag laho at para pang mas nadagdagan ang pagka gusto ko sa kanya ngayon.
Sa isang sorry lang nito eh nawala na lang iyon ng ganun ganun na lang. Hays malala na talaga ako nito. Kailangan ko ng magpa tingin sa doctor nito. Mukhang iba na kasi ito eh. Baka hindi na ako makaahon pa nito pag mas lumala pa siya.
Maya lang ay lumapit na ako dito pero may pagitan pa rin ang layo namin sa isat-isa. Baka kasi hindi ako makapag pigil eh mahalikan ko nanaman siya. Maganda na iyong naniniguro lang.
"Ma'am Camela, okay lang po iyon naiintindihan ko naman po kayo eh. Kalimutan na lang po natin iyong nangyari kanina." Nasabi ko na lang dito. Mas maganda ng iyon ang sabihin ko sa kanya kaysa kung ano pa.
"Aalis na po ba kayo Ma'am? Kumain na po muna kayo at ihahatid ko na lang po kayo sa bahay nyo para hindi na po kayo mahirapan pang sumakay dito." Pag aalok ko dito.
Mahihirapan din naman kasi talaga siya na sumakay ng taxi dito. Madalang lang kasi ang dumadaan dito sa part namin na ito eh.
Agad ko na itong pinaupo sa upuan at pinag timpla kaagad ito ng coffee. Alam ko na coffee lover ito eh kaya alam ko na ang gusto nito.
Nang makapag timpla na ako ng coffee nya ay nag handa na rin ako ng pagkain namin. Sakto lang kc na natapos akong mag luto eh.
Pinag sandok ko kaagad ito ng pagkain at nag abot sa kanya ng ulam. Mahilig kasi ako kumain ng rice sa morning eh.
Pero habang pinag si silbihan ko siya ay napapangiti na kinikilig na naman ako. Para kasing asawa ko ito na pinag si silbihan sa umaga bago kami pumasok sa kanya kanya naming trabaho.
Feeling ko tuloy mag asawa na kaming dalawa ngayon eh.
Panay lang naman ang thank you nito sa akin at tingin ko ay nagustuhan naman ni Ma'am Camela ang tinimpla ko na coffee sa kanya.
Hindi rin naman ito nag reklamo nung pinag lagay ko sya ng rice sa kanyang plate eh. Mukhang sanay din itong kumain ng rice sa umaga.
Tahimik lang na kumain na kami at di ko rin maiwasan na palihim na panoorin ito sa tahimik nyang pagkain.
Halata mo na nagustuhan rin nito ang mga niluto ko. Sunod sunod lang kasi ang subo nito ng pagkain eh.
Hays kailan kaya mauulit ang pag kakataon na ganito na nakakasabay ko siyang kumain ng mga niluto ko.
Iyong katabi ko lang siya na parang mag asawa lang. Hays.
3/5/2022
BINABASA MO ANG
Ms. Camela Martin
RomanceLauren Fortalejo mabait, mayaman, college student at kilalang cute na nerd sa university na pinapasukan nya. Ms. Camela Martin pinaka maldita sa kanilang magkakaibigan, mataas ang pride at kilala naman bilang isang terror na Professor.