Nganga akong nanonood dito sa isang gilid, kasalukuyan kasing nagpapractice ng spiking si Hiro at yung isang kasamahan niya sa grupo, spike ni Hiro tapos salo nitong isa
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang sasali si Hiro sa ganitong sport, saka ko lang naalala yung bulongan ng mga haliparot sa likod namin
"shocks! makikita na ulit nating mag-volley ball si Hiro kyaaah!"
Yeah right, kahit gulat nangingiti parin ako knowing na iisa lang ang sport namin nitong sungit na ito and that means spending more time with him. Masaya ako kapag nakikita at nakakasama ko siya tapos bugnutin kapag wala siya.
"Hey!" nagulat ako nang may tumawag sa akin "Get out of my way!" he grumpily said
aba no manners!
"you can said that nicely" I sarcastically said bago siya irapan, dumiretso siya sa pwesto ni Coach Felix. Iisa ang coach ng volleyball boys and girls, pero may tumutulong naman i-manage ang team, intern siya na babae, half japanese din daw. nakakatomboy sya!
"Ok, Ok simulan na natin ang meeting!" malakas na sigaw ni Ate Yumi, kung ano nga lang ikinahinhin ng itsura niya ikina-ingay niya naman. medyo turn-off char haha!
Naupo kaming lahat sa bleachers doon at pumunta naman sa harap si sir nasa tabi niya si Hiro at ate Yumi
Maya-maya lang ay may kumalabit sa akin na ikinagulat kopa
"a-ahh hi, pwedeng tumabi?" tanong ng cute na babae. gosh bat ba ang gaganda ng mga babae dito?
"sure" I smiled back at her lalong lumawak ang ngiti niya saka naupo
"by the way I'm Riza" sabay lahad ng kamay niya na agad ko namang tinanggap
"Tatiana Shane" I also said my name
"sssh ang ingay!" inis na sabi nung nasa kabilang side ko
"You again?" mataray kong tanong dito at bumaling naman siya sa akin
"Shut up" I gasp, this jerk!
"tss!" yun nalang ang naisagot ko dahil sa pambabara niya
"De Guzman and Sarco, 5 laps on the court now" suddenly his cold voice echoed in this large court
whuuut?bakit?
"Hindi kayo nakikinig sa mga sinasabi namin. I can punish you two because I am the captain here run 5 laps..now" may awtoridad na sabi niya at tumayo naman ang katabi ko kaya kahit labag sa loob ko sumunod nalang rin ako
"kasalanan mo ito ih!" paninisi kopa dito sa lalaking kasabay ko maglakad
"why me?kayo ang maingay dyan eh" balik nya sa akin
Inirapan ko nalang siya at nagsimula anng tumakbo, humabol naman siya sa akin
"Ano pangalan mo bago ka dito no?" pagsisimula niya nang usapan. Anong naisipan naman nito at kinakausap ata ako nang hindi sumisigaw
"Tatiana" maikli kong sagot dito, kahit bastos ang impression ko sa kanya hindi ko parin gusto ang mambastos paba-----
"Ang panget ng pangalan mo" simpleng sabi niya saka ako inunahang tumakbo
ok nagbago na isip ko, gusto konang ipagduldulan sa muka nya na kaya ko ring makisabay sa pagiging bastos niya. sinasagad niya ang pasensya ko!
"jerk!" sigaw ko rito at hinabol, tawa lang siya ng tawa habang papalayo sa akin
"ang bagal mo" seriously? sa 5 laps na yon hindi parin siya hiningal?
"malaki lang hakbang mo" mataray kong sagot dito at muling naghabol ng hininga
"Oo, pandak ka kasi" bumungisngis nanaman siya kaya sinamaan ko siya ng tingin
"You two, maupo na kayo" ako lang ba?bakit parang galit itong si Hiro?
Sumunod nalang ako at bumalik sa tabi ni Riza
"ok kalang?" she worriedly ask
"ahh oo, medyo napagod lang" pagkasabi ko nun naramdaman kong may naupos sa tabi ko akala ko nung una yung bastos na lalaki pero nagulat ako ng si Hiro ang makita, nakasimangot ito at straight lang ang nakatingin sa harap
"Don't look at me, makinig ka sa harap" plain na sabi niya nang hindi manlang nagtatapon ng tingin sa pwesto ko
sungit-sungit nanaman!
"Ok guys, malapit na ang intrams kagaya ng sabi ng mga homeroom teacher nyo" panimula ni sir at nagsitanguan naman kami "And sa intrams kailangan natin ng muse at escort to represent our club in the Pageant Competition, any volunteers?"
Agad umingay at nagturuan at andaming nagturo sa akin
"sir si Tatiana nalang, she's a beauty" one of my teammates said at agad namang sumang-ayon ang iba
this is not good...
"Ok Ms. De Guzman galingan mo ah" sir suddenly said at nginitian ako
"pero sir----" hindi niya na ako pinatapos pa
"Ok sinong escort?" tanong nya
"Sir si Xavier nalang tutal madaldal naman yan" natatawang sabi nung isang kasamahan naming lalaki
"Hoy ano pinagsasasabi mo dyan!" inis na sigaw nung lalaking kanina pa ako binabara. Xavier pala ang name nya ah!
"Ok Sarco ikaw na ang escort" yun lang ang sinabi ni sir saka kami dinismiss, nakasimangot kong kinuha ang bag ko
Ayaw kona nga sa pageant tapos hindi kopa gusto yung makakasama ko, lintek na buhay naman to!
Nagpaalam lang ako saglit kay Riza saka agad na hinabol si Hiro na kanina pa masama ang muka
"problema mo?" tanong ko dito matagal bago siya sumagot
"Dochira mo wakaranai" (I don't know either)
(a/n) : edited na itong chapter na ito mga bibs. I'm starting to edit this story para naman mas maayos nang basahin
YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romance[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...