After nung picnic date namin sa park ay hinatid niya na rin ako pauwi.
"Bye!" papasok na sana ako nang hilahin niya ako at halikan sa noo
"See you" he smiled before leaving me dumbfounded, nang mawala siya sa paningin ko doon ako bumalik sa reyalidad
omg!
Para akong tanga na nakangiting sinasara yung gate
"Saan ka galing?" narinig ko ang boses ni Theo. hala hala!
Mabilis kong tinanggal ang ngiti sa aking mukha bago siya hinarap ng may nabubyryong ekpresyon
"Wala, m-may tinignan lang sa labas" sabi ko at mabilis na tumakbo papasok saka dumiretso sa kwarto bago i-lock ang pinto "Gosh!" nakangiti ako habang naglilinis ng katawan at nawala lang iyon nang maalala kong bukas na nga pala ang intrams. lunes na lunes kasi kailangan na agad ng muse!
Nakatulog na rin ako nang mahiga sa kama dahil na din siguro medyo maganda ang mood ko
*tok!*tok!*tok!
"Tati gising na at mag-agahan kana diba ngayon ang laban mo sa intrams?" nagising ako sa pagkatok at pagsigaw ni mommy
"Gising na po" sabi ko habang nagpupunas ng mata at humihikab pa
"oki baba kana after mong maligo, I don't want you to be late" tugon nito bago ko marinig ang yabag niya papaalis
Bumangon na ako at saka naligo. Sila Ate Yumi at Riza naman na daw bahala sa make-ups at iba pang kaartehan sa katawan ko kaya komportableng damit nalang muna nag isinuot ko
"Baby kain na dali" pag-aaya sa akin ni mommy nang makapasok ako sa dining room, agad naman akong naupo sa tabi nung dalawa na nagbabangayan nanaman "Ano palang pakiramdam mo ngayon?kinakabahan ka ba?" tanong ni mommy
"Slight lang naman po" I answered na tinanguan nalang naman niya bago nagtuloy sa pagkain
Matapos kumain ay agad na rin akong nag-paalam bago lumabas ng bahay, susunduin ako ni Hiro kaya nagdahilan ako kila mommy na may sasaglitin pa kami ni Ate Yumi sa botique niya which is half truth dahil meron naman talaga hindi nga lang si Ate Yumi ang kasama ko
"I miss you" I said to him
"Magkasama lang tayo kahapon" he chuckled
"eh bakit ba?" nakanguso kong sabi kaya lalo siyang natawa
"Stop doing that, hilahin ko yan" sinamaan ko siya ng tingin, ginagago nanaman ako nito! "just kidding, let's go"
"Mabuti pa nga at pag-nalate nanaman tayo eh mabubungangaan nanaman tayo nung dalawa" patungkol ko kay Riza at Yumi
He started the engine and drive all the way to the mall
"Good morning ma'am and sir" magalang na bati nung isa sa mga staff na sumalubong sa amin at ibinigay na yung isang paper bag na white
Matapos kunin yung pinapakuha ni Yumi ay dumiretso na rin kami sa school. Naririnig na namin yung malalakas na speaker at hiyawan nang mga estudyante dahil malamang nag-umpisa na yung opening remarks
YOU ARE READING
MY THISTLE ✓
Romance[COMPLETED] Tati is the unica hija of De Guzman family she's stubborn and hardheaded woman lalo na pagdating kay Hiro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight but that man prove it to her, she chases him like a madman and when finally Hiroishi...